"WHAT, inalok ka niya ng ganu'n?" bulalas ni Apple nang ikwento ko sa kanya through video call ang tungkol sa nangyaring pag-uusap namin kanina ni Beckett. Tumango ako. "Kahit man ako nagulat sa sinabi niya." "Eh ano naman ang sabi mo?" "Wala pa. Wala akong maisagot dahil hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya." Sumimangot si Apple. "Naku ha! Kunwari pa yang si Beckett. Bakit hindi na lang niya sabihin na gusto ka niya, hindi 'yung may pa ganu'n ganu'n pa siyang nalalaman!" Nagbuntong-hininga ako. "Naiisip ko, pano kung pumayag ako? Baka sakaling magbago ang desisyon niyang hindi magpapakilala sa anak namin. Gusto kong mabago ang isip ng anak ko tungkol sa ama niya." "Eh, paano ka naman nakakasiguro na mapapabago mo ang desisyon ni Beckett?" Nagkibit ako ng balikat. "Pero a

