Epilogue

342 Words
Nang iwan ni Carol ang bangkay ni Rhia matapos n’ya itong patayin ay kaagad ding nadiskubre ng kan’yang mga empleyado ang krimen kaya mabilis silang nag-report sa mga pulis at nagkasa ng pag-aresto kay Carol. Ngunit hindi na nila naabutang buhay ang suspek matapos nitong barilin ang sarili at natagpuan nila ang bangkay nito katabi ng labi ng asawang si Jerome na una na nitong pinatay. Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pagpanaw ng sikat na nobelistang si Jerome San Diego, o mas kilala sa alyas nitong Marahuyo. Nagkalat sa headlines ng mga balita sa telebisyon, radyo at pahayagan maging sa internet ang trahedyang kinasangkutan nilang mag-asawa. Marami rin ang nakisimpatya at dumalaw sa puntod ni Jerome, kabi-kabila din ang nag-alay ng pagkilala sa kan’yang malaking ambag sa larangan ng pagsusulat. At makaraan nga ang dalawang linggo ay nailathala ng kan’yang publishing company ang huli at natatanging nobela na isinulat ni Jerome bago siya namatay— na pinamagatan n’yang "Carol" na hango sa napakagandang ngalan ng kan’yang may bahay. Ngunit hindi lang tungkol kay Carol ang naturang kuwento, dahil binigyang diin din at pagkilala ni Jerome dito ang mga karakter nina John at Rhia. Sa nobelang ito itinampok ni Jerome ang iba't ibang anyo ng pag-ibig. Kung gaano ito kamaka-pangyarihan. Kung gaanong ang pag-ibig ay kayang papagmukhaing mahina ang isang malakas na tao. Kung gaanong ang maling pag-ibig sa sarili ay nakakasama rin. Kung gaanong ang labis pag-ibig ay maaaring magdulot ng isang malagim na kamatayan. At kung gaanong ng dahil din sa pag-ibig ay nagagawa ng ilan na subukin ang sukdulan ng kanilang kakayahan. Alam ni Jerome na kasumpa-sumpa ang nagawa n’ya ngunit ang huling akda n’ya ay tinangkilik at hinangaan ng madla. At sapat na ‘yon upang maging masaya si Jerome sa impyerno. Hindi na rin naman nadiskubre pa ang bangkay ni John sa pinaglibingan sa kan’ya ni Jerome. May mga naghanap dito na mga pinagkakautangan n’ya subalit kalauna'y pinabayaan na lamang nila ang lalaki at sinabing kung sa'n ito naroroon ay manatili na lamang ito doon. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD