Walang tulog dahil sa kakaisip kay Achilles. Kagabi, pabaling sa bawat gilid ang aking katawan, naghahanap ng magandang pwesto para makatulog at dalawin ng antok. "What if ...." Bumabalik pa rin sa akin ang pangamba na baka pinaglalaruan niya ako. Paano kung maniniwala na talaga ako pero sa huli isang laro lang pala iyon? Kailangan kong ihanda ang aking sarili para sa posibilidad na 'yon. Iniwan ko na naman si Mama sa condo para makipagkita kay Shane dito sa may park sa gilid ng condo. Sinisiguro ko lang na hindi ako malayo sa kanya. Ilang sandali pa ay nakita ko na siya na lumabas sa sinasakyan niyang taxi. May dalang fries, burger, at milk tea. Wala naman siyang ibang kasama kaya malamang para sa amin iyon kahit wala akong sinabi na magdala siya ng foods at snacks. Total, may malap

