bc

The Midnight Contract ( R18 | Filipino )

book_age18+
11.3K
FOLLOW
56.6K
READ
billionaire
possessive
playboy
arrogant
CEO
drama
twisted
bxg
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

[WARNING: CONTAINS MATURE SCENES AND VULGAR WORDS. R18+]

Nawalan ng trabaho sa bar si Amira dahil palagi siyang late sa trabaho at dahil wala siyang trabaho, inofferan siya ni Achilles na bigyan ng offer at iyon ang ibigay ang kanyang p********e sa kanya. At first, hindi pa agad sumang-ayon si Amira sa offer niya pero inisip niya rin ang pamilya. Iyon ang nagtulak sa kanya para tanggapin ang offer niya—ang midnight contract.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: SIMULA
HINDI KO na mabilang kung ilang ulit na akong nahuhuli sa trabaho dito sa club kaya naman inaasahan ko na ring mapagalitan ni si June, ang aking manager. Suot ko na ang aking uniporme na isang polo na naka-insert sa suot kong fitted jeans. Ilang sandali pa ay pumasok na ako sa kanyang opisina at napaupo sa visitor's chair. Medyo kinakabahan sa puntong ito na halos hindi na ako makahinga. "Last warning mo na ito Amira. Sinabihan na kita noong nakaraang buwan na hindi ka na maaaring mala-late pa," panimula ni sir June. Boses niya'y galit, kasabay nito ang pagtitig niya sa akin na tila ba'y mayroon akong nagawa sa kanya. "Ako na mismo ang natatakot sa'yong kagagawan," dugtong niya. Napaayos lang ako ng upo dito sa visitor's chair niya, habang dinig ko sa labas ang lakas ng tugtugan sa loob at halos maririnig ito dito sa loob ng kanyang opisina. I eyed him. "Sir, sana naman po at intindihin niyo ang aking sitwasyon. May ina pa po akong kailangang alagaan. May sakit siya sa pag-iisip—" Hindi ko na naituloy pa ang pagpapaliwanag ko sa kanya sapagkat bigla na lang niyang iwinasiwas sa ere ang kanyang kamay hudyat para ako ay mapatigil. Napakagat ako sa labi at mas minabuting kumalma. Ayaw ko namang mag-interrupt sa kanya sapagkat nirerespeto ko siya bilang aking manager. Sinenyasan niya pa akong umalis dito sa kanyang opisina kaya hindi na ako nakapag-paliwanag pa sa kanya nang maigi. "Last chance and you'll be fired." Ang mga titig niya'y tila ba binibigyan ako ng warning. "Isipin mong pang-tatlong buwan ka na dito at kailangan naming e-renew ang aming contract. Hindi ko alam kung may renewal pa bang magaganap sa iyo. Ayon lang ang gusto kong malaman mo at bumalik ka na sa club. Ayusin mo ang trabaho mo." "Y—Yes sir," sagot ko. Tuluyan na akong napatayo at lumabas mula sa kanyang opisina. Wala ako sa sariling napahinto sa may tila isang front desk ng club. "Ano na naman ang sinabi ng panot na iyon sayo? Umaasta na naman ba siya na tila ba siya ang may-ari ng bar?" sabi ni Shane na aking kasamahan dito sa club na isa ring bar tender. "Huwag mo 'yong pansinin. Alam mo naman ang may-ari ng club na ito. Hindi naman ganon ka-sungit katulad niya." "Kahit na Shane, siya pa rin ang ating manager dito kaya wala na akong magagawa pa kung mawawalan ako ng trabaho. Iyak na lang siguro ako," tanging sagot ko sa kanya. Kahit na masakit ang aking dibdib, pinili ko pa ring hindi umiyak. Gusto kong maging matatag para sa aking pamilya. "Huwag kang mag-alala sa akin at magiging okay rin ako." dugtong ko. Hindi na siya nakasagot pa kasi may isang lalaki na ang nag-order ng isang case ng alak sa kanya. Tanging nagawa ko na lang ay mag-assist para ihatid sa kanilang table ang inorder nilang mga alak. Wala kasing waiter dito at kaming mga bar tender na lang ang maghahatid. "Hi Miss," ani ng isang lalaki. "Pwede ba kitang ma-table?" muli niyang tanong sa akin. Agad lang akong napailing. "Hindi 'yan pwede dito sir." Nakangiti kong sambit sa kanya. "Tawagin niyo na lang ako kapag may gusto pa kayong ipapa-add na beer. Thanks." Tumalikod na ako sa kanila at bumalik sa may desk. Nakakainis! Mukha ba akong nag-pa-pa-table? Sa inosenteng mukha kong ito? Hello?! "Sana ako na lang ang naghatid ng beer sa mga lalaking 'yon. Ang gwapo nila," sabi ni Shane sa aking tabi habang hindi niya maiwasang napatitig lang sa mga kalalakihang umiinom sa gilid. Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin. Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa mga taong sumasayaw sa dance floor na tila ba mga masasayang penguin. Tumatalon-talon kasabay ng tugtog ng musika. Kung titignan ko sila, para lang silang walang problema pero alam ko namang meron silang tinatago sa likod ng kanilang mga ngiti. Habang buhay pa ang mga tao dito sa mundo, hindi tayo mawawalan ng problema. Bumuntonghininga na lang ako at ipinagpatuloy ko na ang aking trabaho dito. Linisan ang front table, kinuha ang mga bote ng alak at inilagay lang ito sa aming storage room para mukhang malinis ang club. Pagkatapos ay bumalik na muli ako sa front desk saka ko lang nakita si Shane na todo paganda na tila ba may dumadating na lalaki at kailangan niyang magpaganda. "Bes, tignan mo kung sino ang papalapit dito." Turo niya sa tatlong lalaki na papunta dito sa aming kinatayuan. "Ang gwapo nila. Magpaganda ka rin diyan ano ka ba. Baka bet nila tayo." Itinago na niya ang kanyang foundation sa ilalim at saka lipstick. Tamang-tama naman at napahinto sila sa aming harapan. "Hello ladies," sambit ng isang lalaking nasa gitna. Matangkad ito at hindi rin maitatangging attractive siya. Kinindatan niya pa ako noong nagtama ang aming tingin. "Hello sir, gusto niyo po ba ng beer o ako?" nagpapa-cute pa si Shane sa kanilang harapan at ako na mismo ang mahihiya sa kanyang ginagawa like hindi naman kami nagtatrabaho para mag-hunting ng mga gwapo. Siniko ko siya. "Umayos ka nga diyan," sabi ko. "It's part ot our job, to entertain them. Huwag kang kill joy diyan," pabulong na rin niya sa aking sambit. "Kung pwede lang sana kung kayo ang o-order-in ko, matagal ko na 'yong ginawa," ani ng lalaking kumindat sa akin kanina. "By the way, I am Steiner, itong nasa tabi ko ay si Clint, at ang tabi naman ni Clint ay si Achilles." Pagpapakilala niya sa kanyang kasamahan. Ibinaling ko naman ang tingin kay Clint, at saka ni Achilles. Nagulat lang ako noong nakabaling ako kay Achilles kasi seryoso lang niya akong tinitigan. Na para bang may gusto siyang sasabihin sa kanyang mga tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa kanyang mga tingin sa akin. "I want one bucket of beer, please," he said to me with authority. "Ihatid mo na lang ito sa VIP room. Kami ang mag-o-ccuppy doon," Hindi man ako nakatango sa kanya ay tuluyan na itong naglakad papunta sa hagdan ng pangalawang palapag ng bar kung saan naroroon ang VIP room. "Hindi na pala kami oorder. Nilibre lang kasi niya kami kaya pakihatid nalang sa VIP room," sabi ni Steiner at tuluyan na ring silang napatakbong papunta sa may hagdan. Sinundan naman siya nang tingin ni Shane. Para siyang tanga na nakangiti. Hindi naka-get-over sa kanilang mukha. Napakurap siya nang ilang beses. "Ikaw na lang pala ang maghatid ng bucket of beer na inorder nila. Dito na lang ako, mukhang nakakaumay na ang kanilang mukha," sabi ni Shane. Napaharap sa sa likuran. Kinuha ang isang bucket, nilagyan ng ice at limang beer sa bucket. Pagkatapos niyang gawin 'yon ay tuluyan na siyang napaharap sa akin. "Ikaw na ang magdala niyan sa kanila mukhang ikaw naman ang bet ng Achilles na 'yon. Sis, grab the opportunity ka na." Sinamaan ko lang siya nang tingin. "Kung anu-ano na lang 'yang pumapasok sa isipan mo. Pa'no naman tayo magiging bet ng taong 'yon e mukha namang mayaman," paliwanag ko sa kanya. "At alam ko din, ang hanap niya ay magandang babae. Hindi katulad ko—" "Hoy! Kung makalait ka sa sarili mo akala mo naman ano, ang ganda mo kaya. Ang layo nga sa mukha ko sayo. Ilang layer na ng foundation ang inilagay ko sa mukha, at nagmumukha na nga akong model ng punerarya nito," sabi niya at napangiti na lang ako sa kanyang mga sinasabi. "Sige na at ihatid mo na sa kanila 'yan." Kinuha ko na ang bucket ng beer saka nagsimula na akong maglakad papunta sa may hagdan. May dalawang guwardiya ang nakatayo sa may hagdan para masigurong walang makapasok na mga taong hindi naka-book. Maliban na lang sa mga babaeng bayaran para bigyan sila ng kaligayan at tulad na rin sa akin na trabahante lang dito. Pumasok ako sa kanilang kinaroonan at nakita ko lang sila na nakaupo na sa may sofa dito. May isang tubo na hawak ng isang pole dancer na patuloy na sumasayaw. May dalawang babae na rin ang pumapagitna kay Achilles, Clint, at Steiner. "Ito na po ang beer na sir at babalik na lang po ako dito mamaya para padagdagan niyo ba o hindi." Lalabas na sana ako ngunit bigla ko na lang narinig si Achilles na nagsalita. "Hey," tawag niya sa akin. Mapaharap na muli ako sa kanila. "What's your name?" muli niyang tanong sa akin. Damn, bakit niya ba kasi tinatanong ang pangalan ko. Hindi naman siguro required na alamin niya pa ito. "I am asking you, answer me." Tila ba galit pa siya noong sinabi niya sa akin 'yon. Napalunok ako. "Amira. Amira Borres." Kahit na kinakabahan ako ay pinili ko pa rin ang kumalma. "May kailangan po ba kayong iba sir Achilles." dugtong ko pa. "Just call me Achilles," sagot niya sa akin habang ang dalawa naman niyang kasama na si Steiner at Clint ay busy sa kanilang mga babae. "Can you join me?" muli niyang tanong. "No. I mean, ipinagbabawal 'yan dito sir—Achilles," tanging sagot ko. "Damn, who made that damn rule?" "Our manager," sagot ko. "That's stupid," sabi niya. "Huwag mo sundin ang utos niya at umupo ka dito sa aking tabi ngayon din. Wala naman akong gagawing masama sa iyo. Gusto ko lang malaman ang buhay mo." he added. Napailing lang ako sa kanya. Ayaw kong malaman ni sir June ito dahil palagi pa akong late dahil sa aking ina na minsan ay mawala siya sa kanyang pag-iisip. May balak pa si sir na sisantihin ako. Paano nalang si Mama at ano na lang ang aming kakainin? "Sorry talaga sir ngunit sa kanya pa rin ako susunod." Bahagya na akong nag-bow sa kanya saka tuluyan na akong tumalikod. May kung ano pa siyang sinabi sa akin ngunit hindi na ako nakinig pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook