KABANATA 2: TRABAHO

1621 Words
MALALIM NA ang gabi noong nakauwi ako sa aming bahay. Agad kong tinignan si Mama sa kanyang kwarto mabuti na lang at nakatulog na siya sa kanyang kama. "Ma...." Tila ba isang tulog mantika na hindi magising. Ayaw ko na din siyang gisingin pa. Pa minsan-minsan lang naman na mawawala si Mama sa kanyang katinuan at gusto ko lang talaga siyang manatili dito baka kasi mawala pa siya kapag lalabas pa. "Please behave lang Ma," pabulong kong sabi. Bumuntonghininga na lang ako para hindi ako maiiyak sa kanyang sitwasyon. Masyado na akong nahihirapan sa sitwasyon namin ngunit hindi ko naman gustong magreklamo pa. "At least may makain pa kami," I said to myself. Bahagya akong lumapit sa kanyang kama at napaupo sa gilid nito. Hinawi ko ang kanyang buhok na nasa kanyang mukha. Ilang sandali pa ay bahagya kong hinalikan ang kanyang noo. "Gagawin ko ang lahat para sa iyo Ma," bulong ko pa sa kanya. "Lahat-lahat kahit mahirap. Kahit stress, basta para sa 'yo, magagawa ko 'yon." I am still hoping na mapagaling ko na si Mama sa darating na mga buwan at makahanap na ako ng pera para patuloy siyang makakainom sa kanyang gamot. Kasi kong hindi na siya makakainom pa, diyan na magsisimulang mawala siya sa sarili, itatapon ang mga gamit, and kung anu-ano pang magawa niya out of her control. "Good night," muli kong bulong sa kanya at tuluyan na rin akong napatayo mula sa aking pagkakaupo. Bago pa man ako lumabas ay muli pa akong napabaling sa kanya hanggang sa tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto. Nagbihis ako ng aking pantulog at saka natulog na rin. Pagod na pagod na ako. Mabilis ang tumakbo ng oras. Hindi ko na namamalayan at mataas na pala ang sikat ng araw. Kahit na inaantok pa ako, wala na akong magagawa pa kung hindi ang napabangon mula sa kinahigaan para magluto ng aming umagahan ni Mama. Lumabas na agad ako mula sa aking kwarto at napahinto na lang ako sa may kusina nang makita ko si Mama na nagluluto. "Gising ka na pala anak," sabi ni Mama. Pinatay na niya ang stove, saka inilapag sa mesa ang niluto niyang longganisa. "Tamang-tama at nakaluto na rin ako. Alam ko namang pagod ka galing sa trabaho sa club." dugtong niya. Kukuha na sana siya ng mga plato ngunit nag-insist ako na ako na lang ang gagawa. "Ako na Ma. Umupo ka na lang diyan sa hapag-kainan. Hindi ka pwedeng mapagod," sabi ko sa kanya. Kinuha ko na mula sa kanyang kamay ang plato. Inilapag ko na rin ito sa mesa pagkatapos ay hinila ko ang upuan sa ilalim ng mesa saka ko siya pinaupo. Umupo si Mama kaya naman ay kumuha na rin ako ng isang baso ng tubig. Inilagay na ito sa tabi ng kanyang plato. "Anak, okay na naman ako at hindi ko na kailangan pang alagaan pa," sabi niya pa. Napaupo na din ako sa upuan sa kanyang tabi saka tuluyan na rin akong kumakain. "May mga gamot na naman ako at isa pa, hindi na ako aalis dito sa bahay. Hindi na kita papahirapan pa sa buhay mo. Alam ko namang naging pabigat na ako sa'yo." dugtong ni Mama. Napangiti lang ako sa kanya. "Kailan ma'y hindi ka naging pabigat sa akin kaya huwag na huwag mo na muli 'yon isipin Ma," sabi ko. "Ipagpapatuloy mo na ang pagkain diyan. Bukas na siguro ako mamamalengke kaya dito na lang muna ako kasama mo hanggang tanghali. At kailangan ko na ring pumasok ng trabaho nang maaga kasi palagi na akong nala-late." dugtong ko. Not to mention na pinapagalitan ako. "Ako na ang bahala dito sa mga gawaing bahay. Ramdam ko kasing mabubulok ako dito 'pag wala akong gagawin." napangiti pa siya. "Grabe naman iyang mabubulok." It feels weird hearing that word. "Huwag mo kalimutan ang uminom ng gamot Ma." paalala ko pa. ***** Mabilis lang umikot ang oras. Si Mama na ang nag-insist na maglinis ng bahay habang ako naman ay naglalabada sa mga damit namin pati na rin ang aking uniporme. Mabuti na lang at naging matino lang si Mama ngayon kaya napa-idlip ako ng konti. Nagising na lang ako muli mga alas-kwatro na ng hapon kaya dali na rin akong naghanda para sa aking pagpasok sa trabaho. Hindi ko lang din alam ngunit bigla na lang ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib ngayon. May text rin sa akin si sir June na huwag raw akong magpapa-late kasi may sasabihin na muli siya sa akin kaya ako mas kinabahan pa lalo. ***** "Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit nagkikita na naman tayo dito sa aking opisina Amira. Lubos akong naawa sa sitwasyon mo ngunit ayaw ko ding maging bias sa ibang mga trabahante na pumapasok sa tamang oras," paliwanag ni sir June kaya dali ko na lang na iniyuko ang aking ulo. Huwag naman sana itong aking iniisip ang mangyayari sa ngayon. "At sa order din ni boss, hindi ko na ire-renew ang contract mo. I'm sorry." Agad akong napaangat ng tingin dahil sa kanyang sinabi sa akin. Ito ang pinaka-ayaw kong mangyari sa lahat. Nagbabakasakali akong guni-guni ko lang 'yon ngunit hindi. "Sir—" "I am sorry, pero sinunod ko lang ang desisyon mula sa may-ari," paliwanag niya. Binuksan niya ang drawer ng kanyang table saka inilapag niya sa mesa ang isang puting sobre. "Ito na ang huling sweldo mo pero huwag kang mag-alala. May bonus iyan tulong na rin sa Mama mo." Napaluhod ako sa kanyang harapan habang biglang bumuhos ang aking luha dahil sa kanyang mga sinasabi. "Maawa po kayo sir. Please huwag niyo ako tanggalan ng trabaho at kahit kaltasan niyo na lang ang sweldo ko." "Tumayo ka diyan Amira. Hindi lang ikaw ang nangangailangan ng pera sa ngayon. Pati na rin ako, nangangailangan niyan," he said. "Marami pang opportunities ang naghihintay sa labas. Maghanap ka na lang ng ibang trabaho." he added. Nagmamakaawa pa ako sa kanya. Kahit gawin na lang nila akong janitor dito, pero hindi pa rin siya pumayag. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang kunin ang sobre saka tuluyan nang lumabas sa kanyang opisina at lumabas na rin sa bar. Napahinto na ako dito sa may kotse sa harapan ng club. Dito ko ibinuhos ang lahat. Tahimik lang akong umiiyak. Wala akong ideya kung paano ipapaliwanag kay Mama na nawalan na ako ng trabaho. Baka ito na naman ang dahilan kung bakit mawala siya sa kanyang sarili. Kung kailan pa ako nangangailangan ng pera saka pa ako nawalan ng trabaho. Paano na lang si Mama? Nakakalungkot nga lang at wala na si Papa. No one can help me. "Why are crying?" bigla akong napatigil sa aking paghagulgol nang iyak. Isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa aking likuran. Dali kong pinunasan ang aking luha at napaharap kay Achilles. Nakita kong suot lang niya ang isang black na longsleeve at nak-insert lang ito sa kanyang trouser. "Okay lang naman ako. Huwag kang mag-alala sa akin," paliwanag ko sa kanya. "Pumasok ka na sa loob at sa tingin ko ay hinihintay ka na ng 'yong mga barkada." dugtong ko pa. Napailing lang siya, "Alam kong hindi ka okay at mas lalong hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sasabihin sa akin ang problema mo." he said. Nakita ko pa na inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang kanyang isang panyo at ibinigay niya sa akin. "Thanks," nasabi ko na lang din sa kanya at pinunasan ko sa gilid ng aking mata ang panyo na ibinigay niya sa akin. "Hindi ko lang maiwasang maging emosyonal dahil sa tinanggalan na ako ng trabaho sa club." "Because?" tanong niya. "Kasi may bad performance ako at hindi na nila ni-renew ang contract. May sakit pa naman si Mama." Humagulgol na muli ako ng iyak. "Stop crying. Mukha kang kambing na nabasa sa ulan kung umiyak." Seryoso niyang sambit sa kanya. Imbes na tumigil ako sa pag-iyak, mas lalo pa akong naiyak dahil sa kanyang sinabi. "Kung wala ka rin namang matinong sasabihin sa akin, pabayaan mo na ako dito," sabi ko. "Kotse ko ito malamang hindi talaga ako aalis dito dahil nakaharang ka naman diyan." As he is referring to the driver's seat door. "And one more thing, I can help you find a new job." "Talaga?" Napatigil ako sa aking pag-iyak. "I can offer you. For sure, hindi mo ito tatanggihan dahil alam kong makakatulong ito sa'yong pamilya," he seriously said. Base sa kanyang tindig, mukha naman siyang hindi scammer. "Mas malaki pa ang kikitain mo dito." "Thank you so much Achilles kung totoo man 'yang sinasabi mo sa akin. Kailangan ko lang talaga ng trabaho sa ngayon. Kahit na anong trabaho at racket papasukin ko," sabi ko pa sa kanya. Nag-fake smile lang siya sa akin. "Wait," sabi niya at kinuha niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Tila ba may sinagot pa siyang tawag. Hindi ko na narinig pa kung ano ang kanilang pinag-usapan. Matapos niyang sagutin ang tawag ay napaharap na siya sa akin muli. Ilang sandali pa niya akong tinitigan bago pa man siya tuluyang nagsalita. "I'll see you tomorrow at eight in the evening," sabi niya sabay turo sa restaurant sa tapat ng club. "In that restaurant." Sinundan ko lang ng tingin ang restaurant na sinasabi niya. Napatango ako sa kanya, "Anong trabaho ba ang papasukin ko kung sakali. Personal assistant? Maid? Cleaner or something I do not know?" Nagtataka ko pang tanong sa kanya. He smiled, "Something that is related to a contract. A job you did not know exist," he said. "Don't tell me you're going to hire me as a serial killer?" Hindi ko lang alam kung bakit 'yon pumasok sa aking isipan. "You will find it out tomorrow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD