KABANATA 3: DESISYON.

1571 Words
"Ma, aalis na ako at huwag kang aalis ng bahay." Nagpaalam na ako kay Mama. She stared at me. "Sige anak. Huwag mo na ako aalahanin dito," sabi naman ni Mama. Nagmano pa ako sa kanya saka tuluyan na akong tumalikod. Lumabas na ako sa aming bahay. Hindi ko pa rin sinabi kay Mama na nawalan na ako ng trabaho sa bar. Kailan man ay hindi ko ipinakita sa kanya na ako ay malungkot at umiiyak. Gusto kong makita niya akong nakangiti kahit na alam kong nakakapagod na rin. Napahinto na ako dito sa gilid ng kalsada habang nag-aabang na ako ng jeep papunta sa restaurant sa tapat ng club para makipagkita kay Achilles. I'm not really sure na mapagkakatiwalaan ito. Mukha lang siyang trusted dahil neat naman siyang tignan, pero kadalasan sa mga scammer ngayon ay mas mukha pang sosyal. Pa-dilim na rin ang kalangitan ngunit wala pa ring dumadaan na jeep. Ilang sandali pa ay narinig ko na lang na nag-vibrate ang aking cellphone. Akala ko si Achilles na ito ngunit naalala kong hindi ko pala ibinigay sa kanya ang aking cellphone number. Nakita ko lang na nag-appear sa aking screen si Shane. Siguro akong narinig na rin niya ang balita na nawalan na ako ng trabaho kahapon since day off niya. I swipe my screen to answer her call. "Amira, hindi mo naman sinabi sa akin na nawalan ka na pala ng trabaho," malungkot na sambit ni Shane. "Wala talagang puso ang panot na 'yon. Siya dapat ang tinatanggal sa trabaho." Bumuntong hininga lang ako, "Ganon talaga Shane. Expected na 'yon na matatanggal ako sa trabaho," paliwanag ko sa kanya. "At thankful na rin ako kasi hindi na kagaya si Mama noong mga nakaraang buwan." Wrong timing nga lang si Mama. I can't blame her. Hindi niya naman kasalanan na lumala ang kanyang sakit. "Kahit na Amira. Don't worry, tutulungan na lang kitang makahanap ng trabaho para na rin kay Tita," sabi niya. "Salamat pero okay lang naman kahit hindi na. May nag-alok na rin sa akin ng bagong trabaho." I am referring to Achilles. "Pero kailangan ko pang i-inquire ngayon." I added. "Don't hesitate to call me ah? Nandito lang ako para sayo. Best friend kaya kita." Pinara ko na ang jeep na paparating dito. "Bye na. May kailangan pa pala akong asikasuhin sa ngayon. Bye na muna sa ngayon." Nagpaalam na ako sa kanya kasabay naman ito ang paghinto ng jeep sa aking harapan. "Okay. Bye." Paalam niya rin. Ipinasok ko na sa loob ng aking shoulder bag ang cellphone saka tuluyan na akong pumasok sa jeep. Hindi naman ito masyadong malayo sa aming bahay kaya agad rin akong umabot doon within a couple of minutes lang. Nagbayad na ako at agad na bumaba ng jeep. Dito huminto ang jeep sa harapan ng club kaya hindi ko maiwasang napatitig dito. Siguro nga at hindi ako para sa club. May magandang opportunities pa ang naghihintay sa akin. Baka lang naman. Napaharap na muli ako sa kalsada. Tumawid na ako nang tuluyan sa para pumasok na sa restaurant. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay nakita ko na si Achilles na nakasandal sa kanyang kotse. Napatingin siya sa kanyang relo pagkatapos ay agad rin siyang napatayo nang maayos. Isinuksok niya sa kanyang bulsa ang dalawa niyang kamay. "Late ka na naman ng two minutes. No wonder you're being fired from that club." Turo niya sa club sa aming tapat. "Anyway, hindi naman tayo para pag-usapan ang club. Nandito para pag-usapan ang offer ko sa'yo," paliwanag niya sa akin. "Kaya nga din ako nakipagkita sayo dahil doon." Paliwanag ko din sa kanya. Niyaya na niya akong pumasok sa loob kaya agad na lang din akong napatango at sumunod sa kanya. May sumalubong sa aming isang waiter at gin-uide lang niya kami papunta sa tila aming reserved table. Ngayon ko lang din napansin na isang mamahaling restaurant pala ito. Mula sa design kaya hindi na ako magtataka kung bakit kaunti lang ang tao na nandito kumakain. Well, lahat naman sila mayayaman. Kung hindi lang din ako nagkakamali. Nauna nang umupo si Achilles sa isang upuan kaya napaupo din ako sa tapat. "Anong klaseng trabaho ang i-o-offer mo sa akin Achilles? High school graduate lang ako at ang pagtatrabaho sa club lang talaga ang experience ko." Inunahan ko na siya. Bago pa man siya makasagot sa akin ay lumapit na muli ang isang waiter dala ang menu. Inilapag niya ito sa mesa. Kinuha ni Achilles ang isa at dahil wala akong choice, kinuha ko na rin ang isang menu. "Order what you want to eat. This is my treat," sabi niya pa. "Kung ano ang oorderin mo, 'yon na lang din sa'kin. Isa pa, kumain na ako sa bahay," paliwanag ko sa kanya. Nakakahiya naman kasing umorder pa ako ng mga mamahaling pagkain dito. At kung mayroon mang mumurahin, ang liit din naman ng potahe. "Okay," sambit niya at ibinaling niya sa waiter ang kanyang tingin. Sinabi niya lang ang mga pangalan ng potahe na bibilhin niya. Pagkatapos ay ibinigay na namin muli sa waiter ang menu saka agad na rin niyang ibinaling sa akin ang tingin. "Tell me more about yourself first," mahinahon niyang sambit. Inilagay niya ang dalawang kamay sa mesa. "I'm Amira Borres, 24 years old. Isa lang naman akong simpleng babae at gagawin ko ang lahat para lang magkapera. May sakit kasi si Mama sa kanyang pag-iisip at kailangan kong ma-maintain ang kanyang gamot para ma-control at ma-manage na niya ang kanyang sarili." He keeps on staring at me. I don't want to be emotional at this moment kaya idinaan ko na lang sa ngiti. Nakita ko ang kanyang mga titig sa akin. Damn, parang hindi ko na maituloy ang pagpapaliwanag ko sa kanya. "At ayon nga, mahal ko si Mama kahit na ano pa siya. Kahit na ilang balak niya pa akong batuhin." Napa-pause ako sa aking pagsasalita kasi lumapit na ang waiter sa aming table. Inilapag na niya sa mesa ang mga pagkain na inorder ni Achilles. Sabay kaming nagpasalamat sa waiter at inarrange sa table ang mga potahe from soup, seafoods at pork. Sinubukan kong tikman ang pork chop. Masarap naman. "Alam kong hindi madali ang buhay mo ngayon kaya nandito ako para bigyan ka ng trabaho. Malaki ang sweldong ibibigay ko sayo." he explained. Napatigil muna siya sa pagkain niya at napabaling sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba. Ngunit binalewala ko na lang ito. "Anong klaseng trabaho ba ito?" Nagtataka kong tanong. He smiled, "Let me own you in exchange of money," pabulong niya pa itong sinabi. "Iyan lang naman ang gagawin mo at may sweldo ka na at isa pa, hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo." Dali kong kinuha ang juice sa gilid ng aking plato. Halos malaglag ang aking panga sa kanyang sinabi sa akin. Hindi ko naman akalain na 'yan pala ang gusto niya. Marami naman sanang prostitute na pwede niyang bayaran. Ibinalik ko sa kanya ang aking tingin. Nananatili pa rin siyang nakatitig sa akin na tila ba hinihintay ang aking kasagutan. Naisip ko rin kung sakali mang sasang-ayon ako, hindi na ako mahihirapan pang bilhin ang mga gamot ni Mama. They are all expensive like hell. "I'll take your silence as a no," aniya at babalik na sana siya sa kanyang pagkain. "Wait," sabi ko at muli siyang napaangat ng tingin. "What?" "Magkano ang sweldo pag sakaling sasang-ayon ako sa'yo?" tanong ko. "Well, it depends. Pero pinakamababang ibigay ko sa'yo ay fifty thousand pesos a month. May times na aabot ng one hundred thousand," he said. "Tanging ako ang masusunod. May contract akong ibibigay sa'yo kung saan lang kita gustong angkinin." Bumuntonghininga ako. Hindi na ako magugulat kung ganyan siya sapagkat alam ko din naman na mayaman siya. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain hanggang sa tuluyan na akong natapos. Ininom ko na muli ang juice. "I want your final decision now. Ayaw kong umalis dito nang walang makukuha sagot. Another two minutes for you to decide," he said. Kinuha ko ang table napkin sa tabi ng aking plato. Ipinunas ko na ito sa gilid ng aking labi habang patuloy pa rin akong nag-iisip kung tatanggapin ko na ba ito o hindi. "Kung sasang-ayon ako sa'yo, para na ring ibinebenta ko na sa'yo ang aking katawan," sagot ko. "Gusto ko munang malaman. Bakit ako pa ang napili mo para alukin ng ganyan?" "Kahit na hindi ko ito sasagutin, alam mo na ang sagot," aniya. "Simple. Dahil gusto kong tulungan ka at sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko, ikaw lang ang nakaabot sa aking standard." kunwari pa siyang napatingin sa kanyang relo. "Time is up. Do you accept it or not?" Wow lang. May standard pa siyang nalalaman. Napapikit ako. "I'll accept it," sabi ko. "Pero hindi ako free kapag umaga dahil inaalagaan ko pa ang Mama ko. Pwede bang sa hating gabi magsisimula ang trabaho ko sayo? Ako lang ang nananatiling karamay niya." napadilat muli ako. "That's my girl," he said smiling na tila ba masaya siya sa aking sinabi. "Don't worry, bibigyan na lang kita ng isang midnight contract. Makakapunta ka sa aking condo sa pagsapit ng hating gabi....to satisfy me in bed." he added. Napatango ako. "Fine, tinatanggap ko ang midnight contract." "From now on, you're mine. Walang ibang lalaki ang mag-di-date sayo o mamahalin ka dahil akin ka na," he said. What the hell. "Like what?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD