KABANATA 4: KASUNDUAN.

1535 Words
"Magsisimula ang aming kasunduan." Matapos ang aming pag-uusap ni Achilles ay agad na rin akong umuwi sa amin. Wala na muli akong balak na sabihin pa ito kay Mama dahil ayaw ko din naman siyang pinag-alala. Pumasok na lang din ako sa aking kwarto at humiga na sa aking kama nang tuluyan. Patuloy pa ring bumabagabag sa aking isipan ang nagawa kong pagsang-ayon sa kanya at hindi lang iyon. Kinuha niya pa ang aking cellphone at ibinigay niya ang complete address sa kanyang condo. He offered me to stay at his condo ngunit hindi ako pumayag dahil kay Mama. Hindi ko kayang iiwan na lamang siyang mag-isa habang ako ay pupunta doon. Sinubukan kong ipikit ang aking mata, pero nakikita ko pa rin siya sa aking isipan. Naririnig ko ang kanyang boses. Bumabalik sa aking isipan ang mga sinasabi niyang sweet words na tila ba nagpapakilig at nagpaparamdam lang sa akin ng mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan. Pangalawang araw pa lang sa aming pagkikita, may kakaiba na agad akong nararamdaman sa kanya. Damn. It can't be. Hindi ito maaari ang iniisip ko. Ilang sandali pa ay muli na akong napadilat dahil sa vibrate ng aking cellphone sa may mesa. Kinuha ko ito at isang unknown number ang biglang nag-display sa screen. Isa lang naman ang naisip ko sa ngayon. Achilles. Hindi ako nagkakamali sa aking nakita. Sinagot ko ang tawag niya. "Before I forgot, magsisimula na bukas ang trabaho mo. Huwag mo kalimutan ang address ng condo," he said na tila ba inaantok na rin ang kanyang boses. "Okay, masusunod ang gusto mo," tanging sagot ko at agad na bumuntonghininga "Iyan lang ba ang dahilan kung bakit ka napatawag sa akin? Inaantok na rin ako." dugtong ko pa kahit hindi naman talaga. Paano ba naman ako makakatulog kung ang midnight contract na sinasabi niya ay patuloy na bumabagabag sa aking isipan? Dinagdagan niya pa ngayong kinausap niya talaga ako. "And also, to make it official, may mga nakahandang papers na pipirmahan mo dito sa condo at dahil diyan, hindi mo talaga pwedeng suwayin ang gusto ko," he said. Bago pa man ako tuluyang makasagot sa kanyang sinabi ay pinutol na niya ang tawag. Like, pwede naman siguro 'yong sabihin sa akin bukas. Ang problema sa mga lalaking tulad niya, hindi marunong magmahal ng isang babae. Nakakainis. Dahil hindi naman ako makakatulog, patuloy ko na lang na pinagmasdan ang ceiling hanggang sa tuluyan na akong nagising. Namalayan ko na lang na umaga noong tumama na ang sikat ng araw sa aking mukha, kaya agad na rin akong gumising. Ginawa ko agad ang aking morning routine pagkatapos ay inasikaso na si Mama. Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos at panibagong araw na naman na hindi na siya nag-wa-wild. Nagpaalam na rin ako sa kanya para tuluyan na akong mamalengke. Ayaw kong maubusan kami ng stock dito sa bahay. Medyo may kalayuan nga lang ang palengke sa amin kaya medyo umabot din ako ng ilang oras sa palengke pero nang natapos na ako, agad din naman akong bumalik. Mabilis lang umikot ang oras. Dumaan na ang tanghali at ngayon ay hapon na. Hinanda ko na ang aking sarili at hindi ko lang maiwasan ang kabahan sa puntong ito kahit na malayo pa naman ang hating gabi. "Anong oras na Amira hindi ka pa naghahanda sa trabaho mo sa club. Mali-late ka na naman, tignan mo," sabi ni Mama sa akin. Nabaling lang ako sa kanya. Hindi niya dapat malaman. Kailangan kong mag-isip nang paraan at kailangan ko na rin ang magsinungaling sa kanya. "Ano Ma, naiba na kasi ang work schedule ko sa club. Mga 10 sa gabi o di kaya mga 11 ganon ang bago ko time at hanggang alas-dos siguro 'yon ng umaga." Ngumiti ako kay Mama. "Kaya pa naman ng kili-kili powers ko Ma." "Ang lalim na niyan ng gabi. Huminto ka na lang kaya at maglalaba na lang ako ulit?" "Naku Ma, ang gusto ko lang gawin niyo ay manatili na lang dito sa bahay kasi kaya ko pa naman." Nasabi ko na lang sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya pa ako pinilit pa. **** Malapit na ang nakatakdang oras para ako ay umalis sa aming bahay. Nakahanda na ako, suot ang isang red dress at of course, hindi ko rin nakalimutan ang maglagay ng make up. Nakatulog na rin si Mama. Wala akong balak na pumasok pa sa kanyang kwarto baka magising na ito. Kinuha ko na ang shoulder bag sa may mesa pagkatapos ay tuluyan na akong naglakad palabas ng bahay. Wala akong ideya kung may jeep pa ba akong madadatnan sa labas. Malalim na ang gabi at delikado pa naman ang panahon ngayon. Sinarado ko na ang pintuan ng aming bahay habang bigla ko naman naramdaman ang pag-vibrate sa aking cellphone sa loob ng aking shoulder bag. Napahinto na muna ako at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Achilles. May ilang minuto pa naman bago mag-alas, huwag niya lang sabihin sa akin na excited siya? Malalagot pa ako nito kapag wala akong masakyan. "Hello, papunta na ako diyan Achilles," mahinahon kong sambit sa kanya. "At hindi ako sure kung matutuloy ako ngayon. Walang masyadong dumadaan dito na sasakyan." dugtong ko. "I'm waiting for you here....outside," mahinahon niya ring sambit sa akin saka tuluyan na niyang pinutol ang tawag. Ibinaba ko na rin ang aking cellphone saka agad kong ibinaling sa may kalsada ang aking tingin. Nakita ko ang sasakyan ni Achilles na nakaparada ito. Dali na akong lumapit sa kanyang sasakyan. Nagtataka naman ako kung bakit siya nandito E hindi naman 'yan ang bilin niya. Ilang sandali pa ay nakita ko nang ibinaba niya ang glass window sa may driver's seat. "Pumasok ka na dito sa loob," sabi niya sa akin. Gusto ko pa sana siyang tanungin pero mukhang wala siya sa mood ngayon. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang napatango na rin sa kanya. Umikot na ako sa bandang harapan ng kotse saka agad na rin akong pumasok at napaupo sa front seat. "Why are you here?" I asked him. "Don't ask me," he replied. Agad niyang binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. "Sorry," tanging sagot ko na lang at iniwas sa kanya ang aking tingin. Parang tinanong lang siya kung bakit niya ako sinundo dito, magagalit na agad? Wala na akong balak na magsalita pa baka tuluyan na niya talaga akong pagagalitan. Wait a minute, napabaling kaagad ako sa kanya ng tingin. "Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Hindi ko naman ito sinabi sa'yo diba?" nagtataka ko pang tanong sa kanya. Hindi lang siya napabaling sa akin at ipinagpatuloy niya lang ang kanyang pagmamaneho ng sasakyan. "Sa tingin ko naman ay hindi na 'yan importante pa. Ang mahalaga sa ngayon ay magawa mo na ang trabaho mo." he said. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Hindi ko na maiwasan ang kabahan pa dahil sa sinabi niya at hindi ko na rin magawang sagutin siya. Ibinaling ko na lang sa harapan ang aking tingin. Wala na masyadong mga sasakyan ang dumadaan sa kalsada at kung meron man, mga malalaking truck at mga delivery truck lang ito. Makalipas ang ilang minuto ay ihininto na niya ang kanyang sasakyan saka iniliko sa gilid. Ngayon ko pa lang napagtanto na nagsimula na kaming pumasok sa isang parking lot ng isang condo. Ipinarada niya ang kanyang kotse sa loob, pinatay ang makita at agad na ibinaling niya sa akin ang kanyang tingin. Isang seryosong titig at tanging nagawa ko lang din ang mapatitig sa kanya muli. Napakurap siya ng ilang beses saka binuksan na niya ang pintuan at lumabas. Akala ko pa naman ay may sasabihin na siya sa akin ngunit wala pala. Lumabas na rin ako mula sa sasakyan. Bahagya lang na umikot sa bandang harapan ng kotse si Achilles at napahakbang palapit sa akin. Naisandal ko na ang aking katawan sa sasakyan dahil halos magkadikit na rin ang aming katawan. Dumadapo sa aking leeg ang kanyang hininga habang inilagay niya sa magkabilang gilid ang kanyang kamay. Ito ang dahilan kung bakit ako matuod sa aking kinatayuan sa ngayon. Hahalikan niya ba ako? Lord, alam kong gagawin at gagawin namin ito pero sana naman at sa tamang lugar. Nawala tuloy ang aking antok. "Oh my gosh!" Boses ng isang babae ang aking narinig kaya bahagya kong naitulak si Achilles. Muntik na siyang ma out-of-balance. Mabuti na lang at agad rin siyang nakatayo ng maayos. "I'm sorry. Napadaan lang ako dito. Gawin niyo kung ano ang gusto niyo diyan." muli niya pang sambit. Daling napatakbong naglakad ang babae papunta sa may elevator kahit na nakatakong ito. "Hell! Why did you push me?!" Galit na tanong ni Achilles sa akin. "It's not the right place to do for adults only," tanging sagot ko. Bumuntonghininga siya, "Fine. Follow me," he said. Tumalikod na siya sa akin at nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa may elevator. Pinindot niya ang number 20 na button saka agad na rin kaming pumasok sa loob. Sumara na muli ang elevator saka napaharap siya sa akin. "Siguro naman akong walang makakakita sa atin dito." Bago pa man ako makaangal sa kanya ay tuluyan na niya akong hinalikan. Nanlaki lang ang aking mata dahil sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD