Episode 6 - Tristan

1648 Words
Inakbayan ni Tristan si Vela nang makita niya itong naglalakad pauwi. Kanina pa niya ito hinahanap at ang sabi ng mga empleyado nila sa bar ay lumabas daw ito. "Hindi mo ako hinintay. Sabi ko sa'yo sasabayan kita mag-jogging 'di ba?" "Yan ka na naman sa sabay. Nung huling sinabayan mo ako, bumilis ka lang nang hinabol na tayo ng aso!" "Ang layo naman kasi ng dyina-jogging mo. Puwede bang 'pag ganitong oras ay sa gym ka na lang magpapawis?" "Inuutusan mo ba ako?" "N-no. It's just that I am worried about you." "You don't have to, Tristan. You know I can handle myself." "I know. Pero hindi ko lang maiwasan na mangamba para sa kaligtasan mo. Alam mo naman ang ibig kong sabihin, 'di ba?" "Wala ka bang hearing bukas at ginugulo mo ako." "Vela…" "Kelan uuwi sila Tito?" pag-iiba ni Vela sa usapan. "Parating na sila bukas. May balak na namang umalis at gumala ni Mama next week. How about you? Wala ka bang balak magpahinga? Why are you working so hard?" "Do I need to tell you my plans, too, Tristan?" "Hindi naman, Vela. Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon ha?" "Ang dami mo kasing tanong." Binuksan ni Vela ang pintuan ng bahay niya na katabi lamang ng bahay nila Tristan. "Pagod na ako, Tan. Bukas na tayo ulit mag-usap." Kumaway na lamang nang pamamaalam si Tristan. Dumiretso si Vela sa kaniyang silid at nagpalit lamang ng pantulog. Moderno na at maayos ang pagkakagawa ng kaniyang bahay, ngunit kung papansinin ang bawat kwarto ay walang pintuan lahat ng aparador. Isa iyon sa mga bagay na hindi niya pa kayang harapin. Simula ng araw na iyon na nakulong siya sa aparador ay parang hirap na hirap siya sa mga lugar na masyadong masikip. Pagkatapos magshower ay pinilit ni Vela na mahiga at pumikit ngunit katulad ng araw-araw niyang ginagawa ay hindi pa rin siya makatulog kahit gaano na katindi ang kaniyang pagod. Bumaba siya sa basement ng kaniyang bahay at binuksan ang pintuan sa pinakadulo niyon. Walang masyadong nakakapunta sa kwartong iyon kahit ang naglilinis sa bahay dahil ipinalabas niyang isa lamang iyong bodega para sa mga lumang kagamitan. Sinusian niya ang pintuan at pumasok siya sa loob. Kumuyom agad ang kaniyang mga kamay nang makita ang litratong idinikit niya sa dart board, si Vito Deramo, ang lider ng Mafia na kalaban ng kanilang angkan. Durog-durog na halos ang mukha nito sa litrato sa araw-araw na pagpapatama ni Vela sa mukha nito. Hindi na halos makilala ngunit kahit ganoon ay tandang-tanda pa rin ni Vela ang mukha nito. Noong araw na tumakas siya sa kanilang bahay ay hinalikan niya lamang sa mukha ang mga magulang at umalis na sa lugar na iyon. Nang inilibing ang mga ito ay nakatanaw lamang siya sa malayo. Ipinalibing ang kaniyang mga magulang ng grupo nila, ng Hands of Pe Clan, sa isang magandang libingan ngunit ni hindi naman niya maappreciate dahil ni hindi niya madalaw. Hindi niya alam kung sino ang pagkakatiwalaan dahil wala naman siya nakilala sa mga iyon ni isa. Ni hindi niya alam kung matatanggap siya dahil isa siyang babae at batang-bata pa. Ngunit sa kabila ng mga pangyayari, hindi siya tumigil sa pag-aaral tungkol sa kanilang samahan maging sa kalabang grupo. Hindi naman nasayang ang sampung taon na lumipas para mahasa pa niya ang sariling kakayanan sa pakikibaka. Pinalitan niya ang litrato ni Vito at muli ay inasinta ang ulo nito. Naisip niya si Tristan at ang kabaitan nito sa kaniya. Hindi niya makakalimutan ang mga araw na tiniyaga nitong makipagkaibigan sa kaniya at makuha ang tiwala niya. Nasa unang taon na ito sa law school nang matagpuan niya ang pamilya nito gamit ang papel na ibinigay ng mommy niya. Halos isang buwan din siyang nagpagala-gala sa daan hanggang matagpuan niya ang noon ay Bianco's Bar pa. "This is for you, Vela," Iniabot nito sa kaniya ang isang manyika. "I bought it on my way home." Tiningnan niya lamang ang manyika hanggang sa kinuha na nito ang kamay niya at inilagay doon ang manyika. "You can tell me what you like and I will buy it for you next time I go home." "Who are you?" Napatapik sa noo si Tristan. "Silly me. I'm sorry. I am the only son of this household. I am Tristan. You are Vela, right?" Tumango lamang siya bago niya ibinalik rito ang manyika. "Salamat dito pero hindi ako mahilig sa Barbie." "Ahh… ganun ba? Anong gusto mong pasalubong next time?" "Nothing! Just stay away from me!" Lumakad na siya pabalik ng kwarto. Ito ang naatasan na sumundo at maghatid sa kaniya sa paaralan. Sumasakay siya sa sasakyan, ngunit sa likurang bahagi siya dumidiretso at hindi sa harapan para tabihan ito. Pinamumukha niya talagang driver lamang ang turing niya rito. Nagsasalpak pa siya ng earphone sa tenga niya tuwing kakausapin siya nito. Ngunit ni minsan ay hindi siya nito pinagalitan o sinimangutan. Pagdating naman sa bahay ay bumababa siya nang hindi nagpapasalamat dito. Paulit-ulit ang ganoong cycle hanggang sa isang beses na hindi sila dumiretso sa bahay. Lumiko si Tristan sa ibang daan, palayo sa bahay. Naalarma si Vela. Padarag niyang tinanggal ang earphone. "Hindi ito ang daan pauwi! San mo ako dadalhin?!" Hindi kumibo si Tristan at patuloy lamang na nagmaneho. "Heyyy! Nakikinig ka ba?!" Binuksan ni Tristan ang radio sa kotse at nilakasan pa ang volume nun. Napahampas na si Vela sa likod ng carseat ni Tristan. Tumagal pa ang kanilang paglalakbay hanggang sa huminto ito sa isang private beach resort. "Umaano ba tayo rito?! Marami pa akong assignment na tatapusin!" Sa halip na sumagot ay ipinarke ni Tristan ang sasakyan at pinilit siyang palabasin sa kotse. "Ano ba?! Nasasaktan ako?!" Ginamit niya ang nalalaman niya sa martial arts ngunit mabilis iyong nasangga ni Tristan. Mukhang may kaalaman din ito. Kinarga siya nito hanggang makarating sila sa dagat. "Ano bang ginagawa natin dito?!" "Pagmamay-ari namin ang resort na ito. Isigaw mo lahat nang gusto mong sabihin sa dagat, baka sakaling mabawasan ang topak mo." "Anong kalokohan 'yan?!" asik ni Vela. Humakbang na rin siya pabalik sa sasakyan. Ngunit binuhat siya nito at sa pagkakataong iyon ay inihagis na sa dagat. Lumikha nang malakas na tilamsik ang pagbagsak niya sa tubig. Basang-basa siya. "What are you doing?! F*ck you!!!" Tumayo siya ngunit itinulak siya nitong muli. Nagpapalag siya at nagsisigaw. Hinampas niya ito nang hinampas. Hindi naman nanlaban si Tristan at sa halip ay sinasangga lamang nito lahat ng palo niya rito. "Let go now, Vela." "Anong let go ba ang sinasabi mo?! Siraulo ka!" Muli siyang lumakad at iniwasan nito ngunit hinarangan lamang siya nito at itinulak muli sa tubig. "Ano ba?! F*ck you!!!!! Ahhhhh!!!!!!" Pinagpapalo niya ang tubig.Tumayo siya at nilagpasan ito ngunit niyakap na siya nito. "Ilabas mo na 'yang kung anumang itinatago mo sa dibdib mo, Vela. Sarili mo lang pinapahirapan mo." "Ano ba?!!! Bitiwan mo ako!!! Gago kang hayop ka!" Muling ibinato ni Tristan sa tubig si Vela."Sige! Kung gusto mo akong suntukin gawin mo. Ilabas mo lang 'yan!" Tumayo siya at iiwasan sana si Tristan ngunit hinablot nito ang isang kamay niya. Inihampas nito iyon sa bandang dibdib nito. "Come on. Hit me.. For Tito Rufus and Tita Mercedes." Sa pagkarinig niya sa pangalan ng mga magulang ay bigla siyang nanghina. Doon lamang siya natauhan na hindi niya pa nagawang tuluyang ipagluksa ang kamatayan ng mga ito. "Mamaaaaaaaaa! Papaaaaaaaa! Ahhhhhhhhhhhh!" Pinaghahampas niya ang likuran ni Tristan na hindi na niya namalayang nakayakap na pala sa kaniya. Humagulhol siya nang humagulhol. Bumalik sa kaniya ang mga alaala na pilit niyang ibinabaon, pilit na kinakalimutan. Pagkatapos niyang makalabas noon sa cabinet at makita ang kalagayan ng kaniyang mga magulang na magkahawak-kamay pa habang naliligo sa sariling mga dugo ay niyakap niya lamang ang mga ito at pinaghahalikan sa huling pagkakataon. Takot na takot siya nang makita ang buong paligid. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para makaalis sa lugar na iyon. Walang pera, walang ibang kakilala, walang ibang dala kundi ang sarili. Hindi niya alam kung saan tutungo hanggang maalala niya ang isinulat ng ina sa kapirasong papel. There is so much blood inside their house. Hindi niya alam kung saan titingin upang hindi niya makita maging ang mga napamahal na nilang mga kasambahay na wala nang buhay. Ang mga mukha ng mga ito ang hinding-hindi niya makakalimutan, their scared and pained face says it all. Hayop! Hindi mga tao kundi sugo ng kadiliman ang mga taong gumawa niyon sa kaniyang pamilya. Sinunog pa nang kung sinuman ang bahay nila. Umuubo siya na lumabas sa likurang bahagi ng bahay nila. Napakalaking balita ang idinulot nang nangyari sa kanilang vacation house dahil kumalat siya sa buong mundo. Ngunit walang kahit anong katotohanan ang mga naipalabas na balita. May mga nagmistula pang mga "saksi" raw sa unfortunate event na nangyari. Ayon sa kwento ng mga ito ay sumabog daw ang LPG na nasa kusina. Ang tanging nasa bahay lamang daw ay si Don Rufus, Dona Mercedes at ilang katulong. Naramdaman ni Vela ang paghigpit pa ng yakap ni Tristan sa kaniya habang hinahagod nito ang kaniyang likuran. Dinala siya ni Tristan sa isang malaking bahay pagkatapos na humupa ang kaniyang pag-iyak. Umakyat ito sa second floor at pagbaba nito ay may dala na itong towel at bagong damit. "Magpalit ka na. Hintayin na lang kita sa sasakyan." Ni minsan ay hindi ito nagtanong sa kaniya. Hinayaan lamang ni Tristan na maghintay sa kaya niyang maibabahagi tungkol sa pagkatao niya. Alam niyang may gusto ito sa kaniya. Lantaran naman ang pagpapahayag nito. Iyon nga lang, alam niya sa sarili na hanggang pagkakaibigan lamang ang kaya niyang ibigay dito. Isa pa, ayaw niyang ikulong ang sarili sa isang relasyon hanggat hindi pa niya naisasakutaparan ang kaniyang misyon. Muli siyang kumuha ng ilang dart at muling inasinta ang gitna ng noo ni Vito. Sapul na sapul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD