Capítulo Dos: The Mute

1109 Words
Third Person’s POV “Forrest anak, bakit ayaw mo pa ring kumain?” tanong ni Rosalinda sa nag-iisang anak habang katabi ang asawang si Christon. Tinignan siya ng anim na taong gulang na bata ngunit wala itong sinabi. “Anak, gusto mo ba ng maraming toys? Bibilhan ka ni Papa. Kahit anong gusto mo, ibibigay namin,” nakangiting tugon ni Christon at ni-level ang sarili kay Forrest pero ganoon pa rin ang nakuha nilang tugon. Isang blangkong tingin mula sa kakaiba nitong mga mata. Dark brown ang kulay ng kanang mata nito at ang kabila ay kasing asul ng karagatan. Namana niya ang bihirang pares ng mga mata mula sa mga ninuno, sa pamilya ni Christon dahil hindi rin ito purong pinoy. “Bakit ba kasi ayaw mo pa ring magsalita, anak?! Sabihin mo sa’min ang nangyari! Kailangan mong magsalita!!” hinawakan ni Rosalinda ang magkabilang balikat ng bata at niyugyog ito ngunit bahagyang kumunot lamang ang noo ni Forrest at niisang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig. “Rosa. Tama na at tinatakot mo lalo ang anak natin. Hayaan muna natin siyang magpahinga at mag-uusap tayo sa labas.”  Malungkot na napatigil si Rosalinda at mabilis niyakap ang anak. “Sorry, anak. Tandaan mong mahal na mahal ka namin at walang makakapanakit sa’yo.” Dinampian niya ng halik sa ulo si Forrest at lumabas na sila sa kwarto nito at lumipat sa kanilang silid. Doon na napaiyak nang tuluyan si Rosalinda habang yakap-yakap ni Christon. “Hindi ko na alam kung anong dapat nating gawin, Chris. Ilang taon na siyang hindi nagsasalita!” hinaing ni Rosalinda. Napatingin na nila sa doktor si Forrest at wala itong niisang throat injury, hearing problems o kahit ano pang posibleng kondisyon sa katawan. Sinubukan din nila ang pagpasuri sa utak nito at wala namang nakitang problema. Ang posibleng diagnosis ng doktor ay psychogenic mutism kung saan may kakayahang magsalita ang isang tao ngunit pinipili niyang hindi magsalita dahil sa iilang posibleng dahilan at isa na rito ay trauma. May ilang cases na kung natatagalan ang ganitong kondisyon, gustuhin man nilang magsalita ay parang hindi nila kaya. “Alam kong labag sa loob mo pero kailangan na natin siyang ipasuri sa isang psychologist,” pirming sambit ni Christon na agad nagpabitaw kay Rosalinda mula sa yakap niya tsaka siya nito kunot noong tiningnan. “Hindi nga sabi baliw ang anak natin, Christon. Napapayag mo akong ipa-scan ang mismong utak niya pero walang nakitang negative findings ‘di ba? Walang mali sa utak niya!” “Doktor pa rin ang psychologist at hindi ibig sabihin non na baliw na agad ang anak natin, Rosa! Umiiyak siya noong sanggol pa lamang at umiiyak din siya kapag nasusugatan sa kakalaro kaya ibig sabihin non ay may kakayanan siyang magsalita pero hindi natin alam kung bakit pinipili niyang hindi magsalita o baka may iba pang rason na wala tayong alam kaya kailangan natin ng mas matinding tulong habang maaga pa bago lumala.” Saglit natahimik si Rosalinda at napaisip sa punto ni Christon. Kahit hindi niya man aminin sa sarili ay may punto ang asawa na kailangan nga nila ng panibagong tulong. “Papayag ako basta’t walang ibang makakaalam. Lahat ng detalye ay confidential at kahit mismo ang doktor niya’y hindi pwedeng ibahagi sa iba ang impormasyon ng anak natin. Ipangako mo sa’kin iyan, Christon.” “Gusto ko ring protektahan ang anak natin kaya pangako ko sa’yong pribado lahat pati ang magiging sessions ni Forrest sa kanya, kasama tayo.” Habang nag-uusap ang mag-asawa, hindi nila alam na tahimik na nakikinig sa kanila si Forrest at narinig ang buong pinag-usapan. Sa murang edad, hindi niya kailanman kinahiligan ang pambatang mga libro o cartoons. Ibang tipong mga palabas at kwento ang nais niya at naintindihan ang salitang ‘baliw’ na ginamit ng kanyang ina kanina at kung bakit siya ihaharap sa psychologist. Napahilig nang bahagya pakaliwa ang ulo ni Forrest tsaka nagtaas ng kilay. ‘They think I’m crazy. Am I?’ isip-isip nito at maya-maya’y nagkibit-balikat na umalis para bumalik sa kanyang kwartong katabi sa mga magulang.    “Crazy is good though. The best people are. Isn’t that right, Mr. Buruburu?” bulong ni Forrest sa kulay itim na panda bear stuffed toy. Niyakap niya ang laruan at pinahiga sa tabi niya tsaka kinuha ang librong nasa ilalim ng kanyang kama. The Psychology of Persuasion. Iyon ang title ng libro at malapit na niya itong matapos.     *** Mag-iisang oras na ang pamilya Regidor kasama si Dra. Montellano pero iyak lang nang iyak si Forrest at nagpapadyak ng dalawang paa habang nakaupo sa sofa sa gitna ng mga magulang. “Shh, it’s okay, darling. I can be your friend. Gusto lang kitang kausapin,” malumanay na sambit ng doktora pero lalo lang lumakas ang iyak ng bata at hinawakan bigla ang kamay ni Rosalinda na kanina pang nakakuyom habang nakapatong sa kanyang hita. Napalingon siya kay Forrest at tila kinurot lalo ang kanyang puso nang tignan siya ng kulay brown at asul nitong mga mata na para bang nagmamakaawa. Ilang segundo siyang napatitig sa anak hanggang sa napailing ito nang ilang beses tsaka napatayo at hinawakan ang munting kamay ni Forrest. Deretso niyang tinignan si Dra. Montellano. “Mukhang hindi effective ang counseling sa anak ko, doktora. Naiistress siya lalo sa presensya mo lang mismo samantalang pag kasama niya kami sa bahay, hindi siya kailanman umiiyak nang ganito. Pasensya na pero hindi ko nakakayang nakikita na nahihirapan ang anak ko. Uuwi na kami.” “Rosa, first session pa lang ito. Masasanay din si Forrest,” pagkukumbinsi ni Christon sa asawa at hahawakan sana ang isang kamay ni Forrest pero pumunta ito sa likuran ng ina. “Nakikita mo ba ang reaskyon ng anak natin, Christon? Hahayaan mong nagkakaganito siya? Sinasabi ko na nga sa’yong hindi niya kailangan ito!” “Mrs. Regidor, naiintindihan ko ang iyong nararamdaman dahil ako man ay may sariling anak pero tama rin ang iyong asawa na hindi agad makakapag-adjust ang bata.” “Gustuhin ko mang sumang-ayon sa iyo doktora pero mas nangingibabaw sa’kin na hindi na ito ituloy. Tara na, anak. Uuwi na tayo.” Napailing si Christon ngunit wala na rin siyang nagawa nang lumabas na ang kanyang mag-ina sa opisina. Bago tuluyang maisara ang pintuan, nagtama ulit ng ilang segundo ang mga mata ni Dra. Montellano at Forrest. Nagtaka ang doktora kung namalikmata lang ba siya o hindi pero napakunot ang kanyang noo.   The kid smiled at her in triumph.           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD