bc

Psikologio Serie Uno: Masked (PSYCHOLOGY SERIES #1)

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
manipulative
powerful
mystery
genius
city
abuse
slice of life
actor
like
intro-logo
Blurb

PSIKOLOGIO SERIE UNO (PSYCHOLOGY SERIES #1): MASKED

Forrest Keiran is the CEO of Regidor Empire in his early twenties.

Bukod sa mayaman sila, daig niya pa ang iilang celebrities dahil sa angking katalinuhan at karismang dala. Lahat ng nakakasalamuha niya'y mabilis nahuhulog ang loob sa kanya at nagagawa niyang pasunurin ang mga ito sa anumang gusto ngunit sa kabila ng maamong mukha ay ang isang sikretong pinakaiingatan niya.

Behind his pretty face are piled-up masks with different agendas and a messed-up past that haunts him every day.

He can be funny, smart, sexy, weird, geeky, artistic, romantic, sporty, and whatever he wants to be depending on his mood and the person he's dealing with.

Above all, he is dangerously manipulative so... be careful.

chap-preview
Free preview
Capítulo Uno: The Storyteller
The Storyteller’s POV “Noong unang panahon, mayroong isang prinsesang nakatira sa gitna ng kagubatan. Doon siya namalagi simula pagkabata kaya wala siyang ideya kung ano ang buhay sa labas nito,” nakangiting pasimula ko habang hawak ang kulay pulang notebook kung saan nakasulat ang lahat ng drafts sa mga storyang pwede kong isulat at ang iba’y maiikling kwentong kagaya nito ngayon. ‘Kamukha po ba ni Rapunzel ang prinsesa at mahaba rin ang buhok?’ tanong ng isang babaeng tantya ko’y nasa pitong taong gulang na. ‘O baka kagaya ni Cinderella na hindi makalabas ng bahay nila dahil inalipin ng kanyang stepmother at step sisters!’ masiglang sambit ng isa pa habang nakataas ang isang kamay. Natawa ako sa inakto ng dalawa dahil pinagtatalunan ng mga ito kung sino nga bang mas maganda kina Rapunzel at Cinderella. Ang iba nilang kasamahan ay nagsimula na ring mag-ingay at magbigay ng kanilang opinyon kung saan sila papanig. “Kumalma lang kayo at hindi niyo dapat pagtalunan dahil pareho kayong tama. Maaari ba tayong huminahon lahat nang matapos ko ang kwento?” Nabaling ulit ang atensyon nila sa akin at masayang tumango ang karamihan hudyat para magpatuloy ako. “Ang prinsesang ito ay mayroon ngang tiyahing kumupkop at nag-alaga sa kanya ngunit ang kapalit nito’y manilbihan siya para tapusin ang mga gawaing bahay araw-araw. Wala namang problema sa prinsesa ang mga pinag-uutos sa kanya dahil nakakatanggap siya ng gantimpala pagkatapos. Ang mahaba niyang buhok ay halos sumasayad na sa sahig habang nagwawalis nang pabalik-balik sa kanilang malawak na sala. Habang nagtatrabaho ay mayroon siyang hawak na libro sa kabilang kamay kung kaya’t hindi niya agad napansin ang mamahaling vase na nakapatong sa mesang nasagi ng kanyang walis. Laking gulat niyang napatigil sa pagbabasa at kasabay na nabitawan ang libro sa pagbagsak at pagbasag ng vase sa sahig!” Napasinghap sila at mayroon pang napatakip ng bibig sa sobrang pagka engganyo sa kwento ko. Hindi naman nakakapagtataka dahil isa ako sa pinakamagaling na manunulat at tagapagsalaysaly sa bayang ito.  “‘Hala, lagot na!’ daing ng prinsesa at agad pinulot ang malalaking bubog sa sahig pero nakarinig siya ng mabilis na hakbang papalapit sa kanya at sa isang iglap, umalingawngaw ang sigaw ng kanyang tiyahin dahil sa nasaksihan. Regalo raw iyon sa kasal ng kanyang namayapang asawa. Panay hingi ng paumanhin ang prinsesa ngunit nasarado ang isipan ng kanyang tiyahin dahil sa galit at hinablot ang kanyang braso nang pagkahigpit-higpit upang patayuin ito----” Naputol ang kwento ko nang bumukas ang silid at sumilip ang aking asawang si Tereza. “Ano na namang kwento ang pinagsasabi mo sa mga ito? May appointment ka mamayang hapon para magpasa ng panibagong script sa gaganaping pelikula. Halika na at handa na ang tanghalian.” Mariin akong napapikit tsaka tumayo sa kinauupuan ko. “Hindi mo ba nakikitang busy ako? At ilang beses ko bang sasabihin sa’yong kailangan mong kumatok muna kada papasok dito!” inis kong bulyaw sa kanya pero parang hindi siya natinag at sinalubong ang mga tingin ko. Ang ayaw ko sa lahat ay ang kinakalaban ako. “Busy sa kabaliwan mo? Kaya ka nalalaos dahil sa kalokohan mong ito! Umayos ka nga!” “Laos? Sinong laos? Hindi ba’t pinakasalan mo’ko dahil nadali kita sa mga salita ko, mahal kong Tereza?” sarkastikong sambit ko at hinawakan siya sa braso. Wala siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganito. Simula nung napagtanto naming hindi ko siya mabigyan ng anak ay lumayo na ang loob niya sa’kin at parang nananatili na lang dahil nabubuhay ko siya at sa tinatawag nilang sumpaan sa kasalan na ‘for better or for worse’. Wala na rin akong pakialam. Kung tutuusin, kailangan niya ako kaya dapat hindi niya ako sagut-sagutin at pagsilbihan niya ako habambuhay.    “Noon iyon pero nag-iba ka na at hindi mo man lang ako mabigyan ng anak! At eto?! Etong mga punyetang manika mong naririnig mong nagsasalita sa loob ng kokote mo, itatapon ko na sila lahat dahil nagdadala sila ng malas sa buhay natin!” “Babalik na naman tayo sa punyetang usapan na ito, Tereza?Rinding-rindi na ako sa mga hinanaing mong iyan! Sa tingin mo ba kung may choice ako, gugustuhin ko rin na walang anak? Alin doon ang hindi mo maintindihan?!” “Naiintindihan ko kaya sinasabi ko sa’yong mag-adopt tayo ng bata sa bahay ampunan!” “Paulit-ulit ko ring sinasabi sa’yo na ang batang hindi nanggaling sa’tin mismo ay tatraydurin tayo paglaki at magrerebelde!” “Hindi mangyayari iyan kung papalakihin natin nang maayos! Bakit?! Mas okay ba itong mga laruan mo kesa sa totoong bata, ha?! Itong mga lechugas na manikang minamanipula ang utak mo?!”    Itinulak niya ako ng may pwersa kaya natabig ako pagilid sabay pasok niya sa silid at pinagsisipa ang mga alaga kong nakaupo nang tahimik sa kanya-kanya nilang silya. Parang biglaang nagdilim ang paningin ko at tila bumagal ang takbo ng panahon. Ang oras ay naging minuto. Ang minuto’y naging segundo. Ang segundo ay…   Pumikit ako at maya-maya’y dumilat ulit upang saksihan kung paano gumalaw ang sarili kong mga kamay para tigilan si Tereza hangga’t pati siya’y huminto na rin nang tuluyan. May sinasabi siya pero wala akong naririnig at nakikita ko lang na gumagalaw ang bibig niya habang pilit na pinipigilan ang kamay ko at kinakalmot ako sa braso. Nararamdaman ko ang sarili kong mga labi na umaangat at napangisi nang tuluyan dahil sa nasaksihang takot sa mga mata niya. ‘Ganyan nga. Dapat niyang alalahanin na tayo ang batas.’   “Alam mong masama akong galitin pero ginawa mo pa ‘rin, Tereza. Binibigay sa’yo ang lahat pero wala kang utang na loob at pinupuno mo kami ng reklamo at ngayo’y sinasaktan mo pa ang mga alaga ko.”    Muli akong pumikit at pagkadilat ko’y kalmado na ulit tsaka ngumiti sa aking tinuring na mga estudyante ngayong araw matapos silang isaayos ulit sa kanya-kanyang upuan.Marahan ko silang hinaplos isa-isa bago bumalik sa unahan katapat ng aking whiteboard. “Pasensya na sa abala. Maaari na ba tayong bumalik sa kwento?” nakangiti kong wika at lahat sila’y magalang na tumango. Minsan napapatanong ako kung bakit ayaw nilang kumurap? Ganoon na ba sila kasabik pakinggan ang bawat kwento ko? Nakakatuwa.   Napalingon ako sa direksyon ni Tereza. Napahigpit ko ata. Mukhang hindi na siya humihinga. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

His Obsession

read
74.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook