Fay's point of view
FIVE in the evening na. Naglalakad ako palabas ng building namin, pagkalabas ko ay tinignan ko ang paligid na papadilim na rin. Bago ako pumunta sa parking lot ay pumunta muna ako sa coffee shop para bumili ng isang caramel macchiato.
Konti lang ang tao kaya agad din ako naka-order. Paglabas ko sa coffee shop ay naglakad na ako papunta sa parking lot.
Umupo ako sa harapan ng kotse ko ng makita ang gasgas noon. Yari ako nito kay Papa, pero sana wag na kaming magkita ng lalaking nabangga ko.
Bigla akong nagulat ng mayroong kumuha sa cup ng kapeng hawak ko. Agad kong tinignan iyon at napatayo na lang ako ng makita kung sino ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaking nakabangga ko kanina.
Tinignan ko ang kape ko na bigla n'yang ininuman sabay ngisi sa akin. Tumingin s'ya sa gilid n'ya at doon ko nakita ang naka-park n'yang kotse.
"Sa tingin mo ba ganoon lang iyon?" maangas nitong tanong sa akin.
"Hindi naman kita tatakasan," sagot ko sa kan'ya.
Nag-smirk s'ya na para bang hindi ito naniniwala sa sinabi ko. Muli n'yang tiningnan ang kotse ko sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Kahit ibenta mo pa iyang bulok mong sasakyan ay baka hindi mo mabayaran ang pinsalang ginawa mo," sagot n'ya sa akin.
Muli n'yang ininuman ang kape ko kaya napikon na ako sa pag mamata n'ya sa akin.
"Bakit magkano ba?!" pikon kong tanong sa kan'ya.
Masyadong s'yang presko akala mo kung sino magsalita. Porket naka-business attire lang s'ya.
"Sixty thousand," walang gana nitong sagot.
Tinignan n'ya ako kung ano magiging reaction ko sa sinabi n'ya. Hindi pa gaano kalaki ang sahod ko kaya hindi ko mababayaran agad-agad ang sinasabi n'ya.
"Bakit ang laki naman?" taka kong tanong.
Tinabig ko s'ya at pinuntahan ko ang likuran ng kotse n'ya para tignan ang sinasabi n'yang pinsala.
"Sabihin mo na lang kung hindi mo kayang bayaran para magkita na lang tayo sa korte," saad n'ya sa akin.
Nanliit ang tingin ko sa gasgas ng kotse n'ya.
"Ang liit lang nito bakit ganoon kalaki? Saka wala ba itong insurance?" matapang kong tanong sa kan'ya.
Mayroon pang korteng nalalaman. Halata naman na balak n'ya lang akong perahan.
"Wag mong ipasa sa iba ang katangahan mo," sagot n'ya sa akin.
Nalipat muli ang tingin ko sa hawak n'yang cup ng kape ko. Bakit n'ya iniinom iyon sa kan'ya ba iyon.
Sinamaan ko s'ya ng tingin at naglakad muli palapit sa kan'ya. Habang tinutungga n'ya ang kape ko ay inagaw ko sa kan'ya iyon, pero biglang natapon sa damit n'ya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa pagtapon. Bakas ang mantsa sa puti n'yang long sleeve na suot.
"Fvck!" inis nitong sabi.
Napatingin ng masama sa akin ang lalaki kaya napaatras ako ng konte dahil sa takot sa kan'ya.
"Wahh!" sigaw ko ng bigla n'ya akong tapunan ng kape para madumihan din ang suot kong damit.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Seryoso ba s'ya sa ginawa n'ya.
"Hindi mo pa nare-resolba ang isa mong problema dinadagdagan mo pa!" galit n'yang sigaw sa akin.
Dahil sa ginawa n'yang pagtapon ng kape sa damit ko ay kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito. Hindi ko naman sadyang mabangga at matapunan s'ya.
Lalo akong nainis ng tingnan n'ya na naman ako mula ulo hanggang pa sabay ngisi sa akin. Naglakad s'ya palapit sa akin kaya napapaatras ako ng konti.
"Kahit pagsamahin mo pa sweldo mo at katawan mo na ipangbayad sa akin ay mukhang hindi iyon kasya!" mapangmata n'yang sabi sa akin.
Dahil doon ay lalo akong nagalit sa kan'ya. Tinulak ko ito para pamalayo sa akin. Sasampalin ko sana s'ya dahil sa bastos n'yang ugali.
Hawakan n'ya ang kanang kamay ko para pigilan iyon.
"Ahhh!" daing ko ng hinigpitan n'ya ang pagkakahawak sa akin.
"Dito ka ba nagtatrabaho? Dahil sa ginawa mo na ito asahan mong wala ka ng papasukan bukas," banta n'ya sa akin.
Hindi ko s'ya pinakinggan at hinihila ko ang kamay ko para maalis sa pagkakahawak n'ya, pero lalo lang n'ya iyong hinihigpitan.
"Mayroon ka bang sira sa ulo?! galit kong sabi sa kan'ya.
"What did you say?!" sigaw n'ya sa akin.
Ginamit ko na ang isa kong kamay para makawala sa kan'ya, pero bigla akong napatigil ng makita ko ang suot n'yang bracelet.
Gulat akong tumingin sa lalaking nasaharapan ko. Kunot-noo s'yang nakatingin sa akin.
Hahawakan ko sana ang bracelet na kamukha ng binigay ko kay Hans noong mga bata palang kami. Hindi maalis ang tingin ko sa suot n'yang bracelet na itinago na n'ya sa long sleeve na suot n'ya.
"Here's the number of my Secretary s'ya ang kausapin mo para bayaran ang utang mo," sabi n'ya sa akin.
Binato nito sa akin ang isang card, pero wala akong pakialam doon. Patuloy ko pa rin iniisip ang suot n'yang bracelet.
Tumalikod ang lalaki sa akin. Hindi maaaring mayroong kamukha ang bracelet na iyon dahil ako mismo ang gumawa noon.
Bigla akong napangiti dahil sa nakita ko. Naglalakad na ang lalaki papasok sana sa loob ng kotse n'ya ng tumakbo ako papunta sa harapan n'ya.
"Hans!" nakangiti kong tawag sa kan'ya.
Kumunot ang noo n'ya sa tawag ko sa kan'ya. Kaya pala parang nakita ko na s'ya kasi s'ya si Hans.
"Anong sabi mo?" tanong n'ya sa akin.
Hinawakan ko s'ya sa magkabila n'yang balikat at ngumiti sa harapan n'ya. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko na buhay si Hans.
"Hans, ako ito si Fay ang kaibigan mo," masaya kong sagot ko sa kan'ya. "Sabi na at hindi ka namatay sa ilog. Miss na kita, Hans," sabi ko kay Hans sabay yakap sa kan'ya.
Nagulat ako ng bigla n'ya akong itulak ng marahan na muntik ko pang ikatumba. Sinamaan n'ya ako ng tingin na pinagtaka ko.
"Ngayon ay nagpapanggap ka na kilala kita para makaligtas ka sa babayaran mo?" seryoso n'yang sabi sa akin.
Umiling ako kay Hans. "Ako ang nagbigay sayo ng bracelet sayo noon kaarawan mo, hindi mo ba ako natatandaan? Ako si Fay. Madalas tayong maglaro sa ilog pag sinasaktan ka ng stepfath—"
"Wala akong stepfather, walang na nanakit sa akin, wala akong kilalang Fay, ang bracelet na ito ay bigay sa akin ng mama ko," seryoso n'yang putol sa akin.
Naglakad s'ya papunta sa akin kaya napaatras ako dahil doon.
"Hans..."
Biglang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi n'ya. Sobrang mahalaga sa akin si Hans kaya hinahanap ko s'ya at umaasa ako na buhay pa ito.
"Ako ang gumawa ng bracelet na iyan," naiiyak kong sagot kay Hans na wala man lang emosyon sa kaniyang mukha.
Kukuhanin ko sana ang kamay n'ya para tignan ang suot nitong bracelet, pero bigla n'ya akong tinulak para mapasandal sa kotse ko.
Tinignan ko si Hans na seryoso pa rin ang tingin sa akin.
"Higit sa lahat, hindi ako si Hans, ako si Axton Fuente!" galit n'yang sagot sa akin.
Tumingin ako sa kamay n'ya. Balak ko ulit tignan iyon para makita kung iyon nga ang bracelet na ginawa ko.
"Alam kong nakaligtas ka sa ilog," sabi ko kay Hans.
Muli n'ya akong tinulak palayo sa kan'ya.
"Kung hindi mo kayang tanggapin na patay na ang sinasabi mong tao, wag mo akong idamay," seryoso n'yang sabi sa akin.
Tumalikod ito sa akin at sumakay sa kotse n'ya. Agad ko naman itong hinabol, pero mabilis n'ya iyong pinaandar ang kotse.
"Hans!" sigaw ko pa.
Hinabol ko iyon kahit na naka-heels ako, pero hanggang makalabas ako ng parking lot ay hindi naman huminto si Hans.
Malakas ang loob ko na si Hans ang nakita or kung hindi man s'ya si Hans gusto kong malaman kung saan n'ya nakuha ang bracelet na iyon.
Matagal na panahon na ang lumipas, pero alam kong at hindi ko makakalimutan ang bracelet na iyon. Dahil sa nakita ko ay mayroon akong pag-asa na buhay pa talaga si Hans.
Tatakbo na sana ako pabalik sa kotse ko ng...
"Wahhh!" sigaw ko ng muntik na akong masagasaan ng isang kotse.
Dahil sa gulat ko ay napaupo ako sa sahig.
"Ano ba! Paharang-harang ka naman!" sigaw sa akin ng lalaki.
Sira ba s'ya ako na nga ang muntik n'yang masagasaan. Tumayo ako at nag-bow sa kan'ya.
"Pasensya na po," sabi ko.
Hindi na sumagot ang lalaki at umalis na rin. Mabilis akong naglakad papunta sa papasok sa parking lot.
Gusto kong sabihin kila Mama na buhay nga talaga si Hans. Tama ako, hindi s'ya namatay. Nagmamadali ako pumasok sa loob ng kotse ko.
Pagpasok ko sa loob ay bigla kong naalala ang ibinigay n'yang card sa akin. Muli akong bumaba sa loob ng kotse para hanapin ang card na iyon.
Nang makita ko ay agad kong pinulot.
"Stone casino?" basa ko sa nakasulat.
Agad kong tinabi iyon dahil isa ito sa daan ko para makausap ulit si Hans. Sumakay na ako sa kotse ko para umuwi na. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa naaalala ko noong mga bata pa kami ni Hans.
Madilim na ang paligid. Pagdating ko sa bahay namin ay agad akong pumasok sa bahay namin.
"Ma! Pa!" sigaw ko sa loob ng bahay namin.
Nakita kong mayroon ng pagkain sa table kaya nagmamadali akong pumunta sa kusina.
"Diyos ko!" gulat na sabi ni Mama ng bigla akong lumitaw. "Bakit ba nagmamadali?" tanong sa akin ni Mama na mayroong dalang pinggan.
"Nakita ko na si Hans, Ma," masaya kong sabi kay Mama.
"Huh? Paano? Hindi ba patay na... si Han..."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Mama. Naglakad ito papunta sa table para ayusin ang mga pinggan na hawak n'ya.
"Sorry anak, pero ilang taon ng walang Hans na nagpaparamdam sa iyo," sabi pa ni Mama sa akin.
"Akala ko, Ma, naniniwala kayo na buhay pa si Hans?" matamlay kong tanong kay Mama.
Tumingin sa akin si Mama at naglakad palapit. Hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat. Inayos n'ya ang buhok kong nakakalat sa mukha sabay ngiti sa akin.
"Anak, ayoko na kasing makita ka na lagi na lang umaasa na isang araw na babalik ang kaibigan mong si Hans," sagot sa akin ni Mama.
"Mahalaga sa akin si Hans, Ma," sagot ko kay Mama.
"Alam namin iyon ng Papa mo, pero ayaw ka naman namin maghintay sa wala. Kung buhay si Hans. Bakit hindi ka n'ya pinuntahan dito?" tanong sa akin ni Mama.
"Bakit mayroong gasgas ang unahan ng kotse?"
Lumingon ako ng makita ko si Papa.
"Bakit gan'yan ang itsura mo, Fay?" tanong sa akin ni Papa.
"Nakita daw n'ya si Hans," sabi ni Mama kay Papa.
Tinignan ko si Papa. Tumingin s'ya sa akin.
"Talaga? Nasaan? Sabihin mo na dumalaw naman dito para ipagluto s'ya ng Mama mo ng masarap na pagkain," nakangiting sagot ni Papa. "Halina't kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain," aya pa ni Papa.
"Fay, Anak kung si Hans talaga ang iyong nakita, sabihin mong iniimbitahan namin s'ya sa ating bahay," sabi naman si Mama sa akin.
Tumango na lang ako kila Mama. "Magpapalit muna po ako ng damit," paalam ko sa kanila.
Naglakad ako papunta sa kwarto, pero bago pa ako makaalis sa dining area namin.
"Aasa na naman ang anak natin na buhay pa si Hans," narinig kong sabi ni Mama na nakapagpahinto sa akin sa paglalakad.
"Hayaan mo na si Fay, malaki na s'ya. Siguro ay masyadong lang s'yang nangungulila sa pagkawala ng kaisa-isa n'yang kaibigan," sagot ni Papa kay Mama.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko dahil sa narinig ko. Ako na lang ang umaasa na buhay si Hans at babalik s'ya dito para puntahan ako.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay agad akong nagpalit ng damit. Bigla kong naalala ang suot ng lalaki na bracelet. Gusto kong makita iyon sa malapitan para makasigurado ako na si Hans ay buhay. Mayroon iyong pangalan ko.
Kung mali ako ng hinala ay ititigil ko na umasa na buhay pa si Hans ang nag-iisa kong kaibigan.