CHAPTER 03

1434 Words
Fay's point of view Ten years ago "OH  my God! Late na ako, Fay, ang bagal mo talaga!" sabi ko sa sarili ko habang nagmamadali na isuot ang mga botones ng blouse ko. Ngayon kasi ang uwi ng manager namin galing sa ibang bansa. Napaka-strict at ayaw na mayroong nale-late sa office. Naglakad ako papunta sa harap ng salamin para tignan ang sarili ko kung ayos na ba. Napatingin ako sa red rose na nakalagay sa vase ko na nakapatong sa table sa kwarto ko. Binili ko iyon kahapon dahil ang araw na ito ay isa sa pinakamahalagang araw sa pinakamahalagang tao sa akin. Kinuha ko ang bulaklak bago ako tumakbo papunta sa labas ng kwarto ko. "Mama, paki handa po 'yung baon ko, salamat and I love you!" sigaw ko habang nagmamadaling tumakbo papunta sa kusina. Nadatnan ko si Mama na inihahanda na ang baon kong pagkain. "Fay, bakit ka ba nagmamadali?" tanong sa akin ni Mama. Naka-apron si Mama dahil nagluluto s'ya ng breakfast ni Papa. "Ngayon po ang balik ni Miss Weeny," sagot ko kay Mama. Kinuha ko ang two inches high heels at sinuot ko iyon. "Oh... ano 'yang hawak mo?" tanong sa akin ni Mama. Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim. Humarap ako kay Mama sabay ngiti. "Birthday po ni Hans ngayon," nakangiti kong sagot. "Punta lang ako." Tumango si Mama sa akin na alam n'ya na ang ibig kong sabihin. Tumakbo na ako papunta sa labas ng bahay namin. Malapit lang naman ang ilog sa amin kaya nakarating din agad ako. Huminto ako sa tapat ng isang payapang ilog. Hinagis ko ang bulaklak sa tubig at ngumiti. "Hans... happy birthday!" nakangiting kong sabi. Ilan taon na ang lumipas, pero hindi ko pa rin nakakalimutan si Hans at hindi ko s'ya maaaring kalimutan. Sinasabi ng pamilya Tolentino na patay na daw si Hans, pero hindi ako maniniwala hanggang walang katawan na natatagpuan. Mananatiling buhay si Hans sa isip ko at sa puso ko saka alam kong buhay talaga s'ya, sana lang ay masaya s'ya kung nasaan man si Hans. Lagi akong aasa na isang araw ay magkikita rin kami ni Hans na kaibigan ko. "Sorry, Hans, kung magmamadali ako ngayon, dadating kasi ang head manager namin eh," sambit ko. "Paalam na, balik na lang ako bukas." Pagkasabi ko ng salita na iyon ay nagmadali na akong tumakbo pabalik sa bahay namin. Pagdating ko sa bahay ay hinihingal pa ako dahil sa pagmamadali ko. Kimuha ako ng tubig sa refrigerator at ininom iyon. "Ayusin mo nga ang sarili mo?" tanong sa akin ni Mama. Lumapit sa akin si Mama at inayos ang gulo-gulo kong buhok. "Pwede naman kasing bukas ka na lang pumunta sa ilog, hindi ba?" sabi sa akin ni Mama. Umiling ako kay Mama. "Hindi naman po pwedeng hindi ako pumunta doon," sagot ko kay Mama. Nag-cross arm sa akin si Mama at mayroon pang pa-iling-iling. Alam ko naman na naiintindihan ako ni Mama saka bukod sa akin ay si Mama at Papa lang din ang naniniwala na buhay pa si Hans. "Eto na ang bag mo." Inabot sa akin ni Mama ang bag ko na agad ko naman kinuha. "Pasabi po kay Papa pagkagising, I love you," malambing ko na sabi. Tumango si Mama sa akin. "Sige sasabihin ko, mag-ingat ka sa trabaho," sagot sa akin ni Mama. "Sige na, Ma, aalis na ako baka mauna pa sa akin ang boss ko, I love you," paalam ko. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nagmadaling naglakad papunta sa kotse ko.  Pagkasakay ko sa loob ay agad kong pinaandar ang kotse. Mabilis, pero maingat ako sa pagmamaneho ko. Napatingin ako sa bag ko ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Kinuha ko sa bag ang phone ko at agad na sinagot kahit na hindi ko pa nakikita kung sino iyon. "Girl, nasaan ka na?" bungad na tanong sa akin ni Mae, kasama ko sa trabaho. Kahit na hindi ko makita ang mukha n'ya ay alam ko na kung sino s'ya dahil sa boses n'ya. "Papunta na ako," sagot ko sa kan'ya habang ang mata ko ay nakatingin sa daan. "Bilisan mo, baka dumating na ang bruha," sabi ni Mae sa kabilang linya. "Girl, kung kaya ko lang paliparin ang kotse kong dala ay kanina ko pa ginawa," sagot ko sa kan'ya. "Sige na, Girl, mayroon lang akong tatapusin, ingat ka," paalam ni Mae bago n'ya ibaba ang phone. Kinuha ko ang bag ko sa passenger seat para ilagay ang phone ko doon. Pagbalik ko ng tingin ay mayroong biglang huminto ng itim na kotse sa harapan ko kaya agad akong napa-apak sa break, pero inabot pa rin ang likuran ng kotse noong nasaharapan ko. "Hala s'ya!" taranta kong sabi ng makita ko ang itim na kotse na mayroong gasgas sa likuran. Napakamot ako ng ulo ko. Agad akong bumaba para tignan ang gasgas sa kotse ko. "Bakit kasi bigla-biglang himihinto ang driver na ito," inis kong sabi habang tinitignan ang harapan ng kotse ko. "Lagot ako nito kay Papa." "Excuse me?" Napalingon ako bigla ng mayroong magsalita. Tinignan ko ang itim na kotse na bukas ang pinto ng driver seat so malamang na s'ya ang driver. Pagtingin ko sa mukha ng lalaki, nakasuot s'ya ng itim na long sleeve at black pants. Napakunot ako ng parang pamilyar sa akin ang lalaking nasaharapan ko. "Tititigan mo lang ba ako?" may halong inis na tanong sa akin ng lalaki. "B-bakit kasi bigla-bigla kang humihinto?" nauutal kong tanong dahil nakakailang ang titig n'ya sa akin. Gusto n'ya yata akong sagasaan sa tingin n'ya sa akin. Tinaas nito ang kaliwa n'yang kamay at mayroong tinuro sa taas. Tinignan ko iyon at naka-red ang traffic lights. "Kasalanan ko bang sumusunod ako sa batas trapiko?" seryoso n'yang tanong sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Hindi ko na pansin ang traffic light dahil sa kamamadali ko. "S-sorry!" Iyon lang ang nasabi ko dahil sa kahihiyan. "Ah... eh... babayara—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumunog ang phone n'ya, agad n'ya iyong sinagot sabay talikod sa akin. Pinagmasdan ko ang likod ng lalaki na ito. Parang pamilyar talaga s'ya sa akin hindi ko lang alam kung saan kami nag kita. "Okay, just wait for me, I have something to settle," rinig kong sabi noong lalaki. Napaiwas ako ng tingin sa lalaki ng bigla itong humarap ka sa akin. "Magkikita ulit tayo," inis na sabi sa akin noong lalaki bago ito naglakad at pumasok sa loob ng kotse n'ya. Agad akong tumakbo papasok sa loob ng kotse ko ng marinig ko ang busina ng ibang mga sasakyan. Habang nagmamaneho ako ay hindi maalis sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon. Pakiramdam ko talaga nagkita na kami. Kailangan kong isipin kung saan. Isa pa sa naiisip ko, mukhang mamahalin 'yung sasakyan. Yare ako nito kay Papa pag nalaman n'ya na mayroong gasgas ang kotse n'ya. Pagka-park ko ng kotse sa parking lot ng company na pinapasukan ko ay nagmamadali akong lumabas, saktong paglabas ko ay nakita ko ang kotse ni Miss Tolentino. "Buti na lang sakto ako," sabi ko bago ako nagmadaling pumasok sa building. "Good mornig," bati ko sa guard na tumatakbo ako papasok. Muntik pa akong madapa dahil sa madulas ang floor ng building. Pagpasok ko sa loob ng office namin ay napatingin lahat ng kasama ko sa akin. Napahawak ako sa dalawa kong tuhod dahil sa hingal ko, hindi rin ako makapagsalita pa dahil hinahabol ko ang hininga ko. "Mayroon bang aso na humabol sayo?" tanong sa akin ni Mae pagkalapit n'ya. "S-si Manager Tolentino nandiyan na," sabi ko. Umayos ako ng tayo at inayos ko ang damit ko. Lahat kasi napapansin ng boss ko. "Magtrabaho na kayo!" sigaw ni Mae. "Nandyan na ang kontrabida," natatawang dagdag ni Mae. "Marinig ka," suway ko kay Mae. Tinawanan lang akong ng babae kong kaibigan. Naglakad na ako papunta sa table ko. Kinuha ko ang isang papel na kunwari ay mayroon na akong ginagawa. Tinignan ko ang isang blangko na papel at sinulat ang pangalan ko doon ng nakasimangot na pumasok ang Head manager na si Weeny Tolentino. Buti na lang talaga sakto lang ako ngayon, mukhang mainit pa ang ulo ni Miss Tolentino ngayon. Nakaligtas ako kay Miss Tolentino, pero doon sa lalaking nabangga ko ay hindi ko alam kung magkano ang babayaran ko. Wait, hindi n'ya naman kinuha number ko, sa tingin ko ay hindi n'ya ako kilala, pero s'ya pamilyar sakin. In the end, ligtas din ako sa nakabangga ko dahil hindi namin kilala ang isa't isa. Baka mayroon lang kahawig ang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD