PWS: CHAPTER 02

1996 Words
MAYROONG mag-asawa na naglalakad sa tabi ng ilog, nilalasap ang sariwang hangin na dulot ng mga puno sa paligid at ini-enjoy ang magandang tanawin sa paligid, payapang pag-agos ng tubig sa ilog at mabatong lupa. "Mahal, maganda siguro kung bumili tayo ng property dito," tanong ni Amanda sa asawa nitong si Arnold habang naglalakad-lakad sila. Magkahawak ang kamay nila at sabay na naglalakad. Matagal ng kasal si Amanda at Arnold, pero hindi pa rin sila nabibigyan ng anak. Ang asawa ni Amanda na si Arnold ay matagal ng gustong magkaanak, pero hindi nabubuntis si Amanda, kaya naisipan nilang pumunta ng bulacan para pumunta sa bahay-ampunan upang mag-ampon na lang nang bata hanggang hindi sila na bibigyan ng anak. "Saan mo ba gusto? Dito o doon?" masayang tanong ni Arnold sa asawa n'ya. Nag-isip si Amanda sa tanong ng asawa nito ng mapakunot ang noo n'ya ng mayroon itong napansin sa hindi kaluyaan mula sa kinatatayuan na nila na isang kakaibang bagay. "Mahal, bata ba iyon?" tanong ni Amanda sa asawa n'yang si Arnold sabay turo sa batang basang-basa at walang malay sa tabi ng ilog. Agad na tumakbo si Arnold para puntahan ang nakita nila at nakumpirma nila na isang binatang lalaki nga ang nakita nila. "Buhay pa ba s'ya?" nag-aalala na tanong ni Amanda sa asawa nito. Tinignan ni Arnold ang pulso ng binata kung mayroon pa bang tumitibok doon. Nang mayroon itong naramdaman ay agad na ginawa ang CPR sa binata para iligtas ito. "Oh my God! Mahal, iligtas mo s'ya," kinakabahan na natatakot na nag-aalala sabi ni Amanda. Ilang saglit lang ay mayroong niluwa si Hans na tubig. Agad na nilapitan ni Amanda si Hans para himasin ang likod nito. "Ayos ka lang ba ijo?" tanong agad ni Amanda kay Hans. "M-ma!" nanghihina na saad ni Hans. Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinambit ng binata sa harapan nila. Biglang mayroong kumurot sa puso ni Amanda ng marinig n'ya ang salitang Ma mula sa nanghihina ang binata. "Mama, wag mo kong iwan," sabi pa ulit ni Hans. Nakita ni Amanda na mayroong luhang tumulo sa mata ni Hans at kita rin nito na giniginaw ang binata kaya agad n'ya itong niyakap. "Hindi kita iiwan," sagot ni Amanda habang mahigpit nitong yakap si Hans. "Dalin natin s'ya sa bahay," sabi ni Amanda sa asawa nitong si Arnold. Hindi naman naging sang-ayon si Arnold sa sinabi ng asawa n'ya. "Baka mayroong pamilyang naghahanap sa kan'ya," sabi ni Arnold sa asawa. Tinignan ni Amanda si Hans na nanginginig na sa lamig. "Hindi na muna importante iyon mahal, kailangan muna natin s'yang iligtas baka mamatay sa lamig ang bata," sagot ni Amanda. Wala naman ng nagawa si Arnold kung hindi sundin ang asawa dahil alam n'yang ipipilit rin nito ang gusto n'ya. "Dahan-dahan," sabi ni Amanda ng buhatin ni Arnold ang walang malay na si Hans papunta sa kotse nila. Hindi kalayuan ang bahay nila sa lugar na nakita nila si Hans. Mga isa't kalahating oras lang ang byahe mula sa bahay nila. Pagdating sa bahay ng mga Fuente ay agad na inasikaso si Hans. Tumawag pa si Arnold sa personal doctor nila para matignan si Hans kung ano na ba ang kalagayan nito. Wala namang malalang nangyari kay Hans bukod doon sa mga sugat at pasa sa iba't ibang parte ng katawan ni Hans. Sinabi ng doctor sa mag-asawa na hayaan na munang magpahinga ang bata para mabawi nito ang lakas na nawala sa kan'ya. Naiwan sa kwarto ang mag-asawa at si Hans na mahimbing na natutulog. "Ano kaya ang pangalan n'ya?" tanong ni Amanda sa asawa nito. "Kailangan natin s'yang ibalik sa pamilya n'ya," sabi ni Arnold sa asawa nitong si Amanda. Biglang nakita ni Arnold na nalungkot ang asawa nito ng sinabi n'ya iyon. Alam n'yang bukod sa kan'ya ay gusto na rin na magka-anak ni Amanda at mukhang nakikita n'ya ay gusto nito si Hans. "Paano kung wala na s'yang pamilya?" tanong ni Amanda sa asawa. "Malabong mangyari iyun," sagot ni Arnold kay Amanda. "Pero posible, hindi ba mahal?" tanong ni Amanda. Lumapit si Arnold sa asawa n'ya at niyakap nito ang asawa n'ya. "Wag kang masyadong umasa baka masaktan ka na naman mahal," sagot ni Arnold kay Amanda. "Mag-aampon naman tayo eh," dagdag pa na sabi ni Arnold. "Pero mayroon akong ibang nararamdaman sa bata na iyan, naalala mo kanina tinawag n'ya akong mama? Sobrang sumaya ang puso ko," paliwanag ni Amanda sa asawa nito. Napansin ni Arnold ang masayang mukha n'ya sa asawa na matagal na n'yang hindi nakikita. Tinignan nito si Hans na natutulog sa kama nila habang yakap-yakap si Amanda. "Kung wala s'yang pamilya alagaan natin s'ya at ituturing na parang anak, pero kung mayroon s'yang pamilya ay wala tayong magagawa kung hindi ibalik s'ya sa pamilya n'ya," paliwanag ni Arnold. Agad na tumango si Amanda sa paliwanag ng asawa n'ya. Kumalas ito sa pagkakayap n'ya sa asawa para puntahan ang binatang natutulog. Umupo s'ya sa gilid ng kama nito at inayos ang kumot na nakalagay kay Hans. Napansin ni Amanda ang suot na silver na bracelet ni Hans kaya tinanggal n'ya muna iyon. "Kung sakali na magiging anak natin s'ya gusto kong ipangalan sa kan'ya ay Axton," sabi ni Amanda sabay tingin kay Arnold na nakatayo habang pinagmamasdan n'ya ang asawa. Sa loob ni Arnold ay unang tingin n'ya pa lang sa bata ay mayroon na rin itong magandang naramdaman kay Hans gaya ng asawa n'ya. Ang nais lang ni Arnold ah maging masaya ang asawa n'ya kaya hindi n'ya ipagkakait ang kasiyahang nagbibigay ng bata sa asawa n'yang si Amanda. "W-wag mo akong itulak, please!" Nawala sa pag-iisip ang mag-asawa ng marinig nila si Hans na magsalita. Hinawakan ni Amanda ang kamay nito ng makita na naman n'yang umiiyak si Hans. "Shhh! Hindi ka namin itutulak," sabi ni Amanda sa bata para pakalmahin ito. Narinig iyun ni Hans kaya agad n'yang dinilat ang mata nito. Pagkakita ni Hans kay Amanda na nakangiti sa kan'ya ay napabangon ito mula sa pagkakahiga dahil sa gulat, nalipat ang tingin nito kay Arnold. "Wag kang matakot," kalmadong sabi ni Arnold sa binata. "S-sino kayo?" takang tanong ni Hans sa kanila. "Ako si Amanda at s'ya naman ang asawa kong si Arnold," nakangiting pagpapakilala ni Amanda sa sarili n'ya. Takang tinignan ni Hans si Amanda. "Anong ginagawa ko dito?" naguguluhan tanong ni Hans. "Nakita ka namin sa tabing ilog na basang-basa at walang malay," sagot ni Arnold kay Hans. Napatingin si Hans sa kamay n'ya ay napakunot ang noo nito ng makita na hindi na nito suot ang bracelet na bigay ni Fay sa kan'ya. "'Yung bracelet ko?!" tanong nito. Nilibot n'ya ang paningin sa paligid para hanapin ang bracelet n'ya. Mahalaga ang bracelet n'ya na iyon dahil bigay iyon sa kan'ya ng kaibigan n'ya. Agad na tumayo si Hans mula sa kama at balak nitong lumabas ng kwarto ng pinigilan s'ya ni Arnold. "Hindi ka pa nakakabawi ng lakas," awat ni Arnold sa binata. "Kailangan kong hanapin ang bracelet ko," sagot ni Hans sa kan'ya. "Ito ba?" tanong ni Amanda at pinakita n'ya ang hawak nitong bracelet kay Hans na tinanggal n'ya kanina habang natutulog ito. Nang makita iyon ni Hans ay agad n'yang nilapita si Amanda at kinuha n'ya iyon. Biglang nagulat si Amanda ng yakapin s'ya ni Hans. "Salamat po, sobrang mahalaga sa akin ang bracelet na ito," sabi ni Hans kay Amanda. Napangiti naman si Amanda ng yakapin s'ya ni Hans. "Paano ka ba na punta sa situation na iyon? Sino pamilya mo at saan ka nakatira?" sunod-sunod na tanong ni Arnold na ikinabahaka ni Amanda. Kumalas sa pagkakayap si Hans kay Amanda at umupo ito sa kama. Nakayukom ang kamao ni Hans na halatang nagagalit ito sa naalala n'ya. Napatingin si Amanda kay Arnold ng makita ang naging reaction ng bata sa tanong ng asawa. Agad n'yang tinabihan si Hans at hinawakan ang kamay nito para pakalmahin. "Mayroong tumulak sa akin, wala na akong pamilya at ayoko ng bumalik sa tinitirahan ko," mayroong halong galit sa boses ni Hans. Muling napatingin si Amanda sa asawa n'ya. Tama nga ito na wala ng pamilya ang bata at lalo n'yang ikinasaya na ng malaman n'ya na ayaw na nitong umuwi sa bahay nila. "Sino naman iyon?" takang tanong ni Arnold. "Si Wilfredo Tolentino," sagot agad ni Hans. Nagkatinginan na naman ang dalawang mag-asawa sa sinagot ng bata. "Kung ayaw mo ng umuwi sa bahay mo, welcome ka sa bahay namin," masayang sabi ni Amanda. Hindi na pinigilan ni Arnold ang asawa n'ya dahil mukhang pumapabor ang tadhana sa gusto n'ya. "Gusto kong gumanti sa bumalak pumatay sa akin," sabi ni Hans kay Amanda. "Tutulungan kita," saad naman ni Arnold. Nagulat ang asawa n'ya sa pagsang-ayon ni Arnold sa sinabi ng bata. "Ano ka ba mahal? baka mapahamak ang bata dahil sa paghihiganti na 'yan," sabi ni Amanda. "Binalak s'yang patayin, kaya kung malalaman na buhay pa s'ya ay babalakin ulit na patayin s'ya," paliwanag ni Arnold kay Amanda. "Ano bang pangalan mo?" tanong ni Arnold kay Hans. "Hans Del Mundo," sagot ni Hans sa kan'ya. "Kung gusto mong maghiganti sa mga Tolentino, simula ngayon ay ikaw na si Axton Fuente," paliwanag ni Arnold. "Mahal," tawag ni Amanda sa asawa n'ya. "At simula ngayon s'ya na ang mama mo at ako na ang papa mo, kami na ang bago mong magulang," sabi ulit ni Arnold. Napatingin si Amanda kay Hans kung papayag ito. Nakatingin din si Hans kay Amanda. "Ma!" tawag nito kay Amanda ng biglang ikinasaya ni Amanda. Agad na nilapitan ni Amanda si Hans para yakapin. Napangiti naman si Arnold sa nakita n'yang reaction ng asawa n'ya. "Ikaw na si Axton Fuente at patay na si Hans Del Mundo," dagdag na saad ni Arnold. "Tama po kayo, patay na si Hans Del Mundo," pagsang-ayon ni Hans sa sinabi ni Arnold. "Axton, bagay na bagay sa ‘yo ang pangalan na Axton," masayang sabi ni Amanda. Hindi masidlan ng saya ni Amanda dahil sa magkakaroon na s'ya ng anak na matagal na n'yang pinapangarap. Hindi man galing sa kan'ya si Hans o Axton ay mamahalin at aalagaan n'ya ito na parang tunay na anak. Sinuot ni Axton ang bracelet na binigay ni Fay sa kan'ya. Iyon na lang ang alala n'ya kay Fay dahil magkakalayo na simula ngayon. "Itapon mo na iyan anak, bibili na lang kita ng bago at mas maganda," sabi ni Amanda kay Axton. Tinignan ni Axton si Amanda na maaliwalas ang mukha na nakangiti sa kan'ya. Umiling si Axton bilang sagot sa sinabi ng magiging mama n'ya simula ngayon. "Wala ng mas gaganda pa dito Ma," paliwanag ni Axton sa Mama n'ya. Nagulat si Axton ng makita n'yang tumulo ang luha ni Amanda, nakita iyun ng asawa n'yang si Arnold na agad nitong nilapitan dahil sa nabahala s'ya sa asawa n'ya. "Ma, hindi ko gustong masaktan ang nararamdaman mo, mahalaga lang talaga sa akin ang bracelet na ito," nag-aalala na paliwanag ni Axton kay Amanda. "Mahal, ok ka lang ba?" nag-aalala na tanong ni Arnold. "Ulitin mo nga ang tinawag mo sa akin," sabi ni Amanda kay Axton. Nagtaka naman si Axton doon, pero kahit na naguguluhan s'ya sa kinikilos ni Amanda ay sinabi pa rin n'ya. "Ma," banggit nito kay Amanda. Bigla s'yang niyakap ni Amanda. "Ikaw ang kukumpleto sa pamilya na ito," umiiyak na sabi ni Amanda dahil sa saya ng nararamdaman n'ya sa pagdating ni Axton sa buhay nila na mag-asawa. "Ano ka ba naman mahal, akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo," sabi ni Arnold sa asawa n'ya. "Sobrang saya ko na sa wakas ay mayroon ng tatawag sa akin ng mama," naiiyak-iyak na sabi ni Amanda. Napailing na lang si Arnold dahil sa asawa n'ya na maski s'ya ay masaya sa pagdating ni Axton sa buhay nila lalo na ng makita n'ya na sobrang saya ng asawa n'ya dahil kay Axton. "Wala na akong magulang kaya po kayo po ni Papa ang kumumpleto ng buhay ngayon bilang Axton Fuente."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD