Fay's point of view "Who am I?" Lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Axton. Seryoso kong tinignan si Axton na walang idea sa lahat na nangyari, kung tignan n'ya kami ay parang hindi n'ya talaga kami kilala. "Axton," hindi rin makapaniwalang tawag ni Ma'am Amanda kay Axton. Biglang tumingin si Axton sa akin kaya lalapit sana ako sa kan'ya. "Ahhhh!" sigaw ni Axton ng humawak ito sa ulo n'ya. Bakas sa mukha n'ya ang pamamalipit sa sakit. Napatingin ako kay Weeny ng tinulak n'ya ako. "Anong ginawa mo?!" galit n'yang tanong sa akin. "Wala akong ginagawa!" naguguluhan kong sagot kay Weeny. Lalapit sana ako kay Axton dahil ayokong makita s'yang ganoon. "Ma!" sigaw ni Axton habang namimilipit sa sakit. Lahat kami ay nataranta dahil kay Axton. "Nasaan na ang doctor!" sigaw ng

