Fay's point of view Tinignan ko ang oras sa phone ko dahil eight na ng gabi ay wala pa rin sila Kim. Sinabi n'ya na papaalisin n'ya lang si Weeny, pero halos tatlong oras na akong naghihintay dito sa loob ng kwarto ay wala pa rin sila. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama, gusto ko ng makita si Axton kaya hindi ko na sila kailangan pang hintayin, wala na rin akong pakialam kung makita pa ako ni Weeny. Naglakad ako palabas ng kwarto, konti lang ang mga tao sa labas at halos nga nurse na lang iyon. Sinilip ko ang paligid ko dahil baka biglang lumitaw sila Kim. Nagsimula akong maglakad papunta sa kwarto ni Axton. Kanina habang nag-uusap sila Kim ay narinig ko ang room number ni Axton. Bawat pinto na nakikita ko ay tinitignan ko para siguraduhin na hindi ko na malalagpasan si Axton. Hindi

