Fay's point of view Naglalakad ako para mag-commute dahil naiwan ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada kagabi. Nakayakap ako sa sarili ko dahil nilalamig ako at sobrang sakit ng ulo ko. Si Papa na ang kukuha dahil wala na akong oras pa. Late na rin akong nagising dahil sa panaginip ko kagabi. Bakit sa dami-daming panaginip ay iyon pa ang napanaginipan ko. Napaubo ako habang naghihintay ng taxi na masasakyan. Siguro dahil iyon ang napanaginipan ko ay lagi kong iniisip na si Axton at Hans ay iisa. 'Yung bracelet lang ni Axton ang palatandaan ni Hans sa kan'ya, pero all in all wala na lalo sa ugali. Sumilip ako sa kalsada kung mayroon bang paparating na taxi ay wala pa rin. Napaupo ako sa kalsada dahil sobrang sakit talaga ng pakiramdam ko dahil sa ulan kagabi. Gusto kong tawagan si M

