Nolie's point of view "Akin na iyan," lasing nasabi ni Kim sa akin. Tinaas ko ang bote ng alak dahil ayaw tumigil ni Kim sa pag-inom. "Lasing ka na!" suway ko kay Kim. Kababaeng tao lasingera. Tumayo ako at sumilip sa binta na bigla kasing umulan habang papunta kami sa bahay ni Kim. "Tang-ina!" gulat kong sabi ng mayroong humawak sa maselang parte ng katawan. Tinignan ko si Kim ng masama dahil sa ginawa nito. "Maliit," natatawa nitong sabi sa akin. Kumunot ang noo ko at tinakpan ko iyon ng kamay ko dahil baka dakmain na naman ni Kim. "Matulog ka na," sabi ko kay Kim. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila ko s'ya papunta sa kwarto n'ya. Hindi ko alam kung paano ako makakauwi ngayon dahil wala akong dalang sasakyan noong pumunta ako dito kila Kim. Tinulak ko si Kim pahig

