Axton's point of view Nasa labas ako ng room ni Fay at nakatingin ako sa nakahingang si Fay sa hospital bed. Hinawakan ko ang doorknob para pumasok sana sa loob. "Nasaan si Fay?!" Napabitaw ako sa doorknob at tinignan ko kung sino ang paparating na iyon. Agad akong tumabi ng makita ko ang magulang ni Fay. Nag-bow ako sa kanila, pero dahil sa sobrang pag-aalala nila kay Fay ay hindi na ako pinansin. "Fay, anak ko!" umiiyak na rinig kong sabi ng Mama ni Fay. Napalunok ako at huminga ng malalim dahil naaalala ko kung paano na bangga si Fay. Tumingin ako sa loob ng kwarto bago ako naglakad palabas ng hospital. Nand'yan na ang magulang n'ya kaya kampante na ako na mayroong mag-aalaga sa kan'ya. Paglabas ko sa hospital ay sumakay agad ako sa kotse ko. Tumunog ang phone ko kung saa

