CHAPTER 31

2094 Words

Fay's point of view "Fay, talaga bang kaya mo na?" tanong sa akin ni Papa. Inaayos ko ang mga damit ko at nilalagay ko iyon sa bag. Isang linggo na ako sa hospital na ito at hindi ako mapakali kaya gusto ko na lang rin umuwi na kesa nandito ako. Saka kaya ko na rin naman na. Humarap ako kay Papa at ngumiti sa kan'ya. "Opo, Pa, ayos na po ako," nakangiti kong sagot kay Papa. Muli akong bumalik sa pag-aayos ko ng damit. Ang kanan kamay ko ay mayroon pang benda dahil iyon ang tinamaan ng kotse sa akin. "Sige, pupuntahan ko lang ang Mama ko," sabi ni Papa sa akin kaya nag-okay sign ako sa kan'ya para sa pagsagot ko na hindi tumitingin. Inaayos kasi ni Mama ang hospital bills ko. Pagkaayos ko ng gamit ko ay binuhat ko na iyon. Hindi naman mabigat dahil ilang damit lang naman ang lam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD