Fay's point of view Nakatitig pa rin ako kay Axton na parang inaasar pa ako. "Wag kang mag-alala, maraming trabaho d'yan, bagay sayo maging cashier," nakangising pang-aasar ni Axton sa akin. Nilapitan n'ya ako at tinignan sa mata. Tumulo ang luha ko dahil hindi sa pagkawala ng trabaho ko na pinaghirapan ko tapos dahil sa kasinungalingan ng isang ito ay mawawala lang. Naiyak ako dahil sa galit ko sa anak ni Santanas na kaharap ko. "From Accountant to cashier or masbagay ka naman sigurong mamulot ng basura gaya ng kaibigan mong patay na!" pang-iinsulto n'yang sabi sa akin. Napayukom ang kamay ko dahil sa sinabi n'ya. Susugurin ko sana ito para makita n'ya kung sino ang basura sa kanila ni Hans. "Oops, don't you dare to touch me. Kung si Weeny hindi ka ipapakulong sa akin hindi ka

