CHAPTER 65

2012 Words

Fay's point of view "Nag papahinga ang anak ko, pasensya na kayo dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Fay ngayon." Nagising ang diwa ko na para bang pagod na pagod at walang gana na gumising pa dahil sa narinig kong boses ni Papa mula sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mabibigat na talukap ng mata ko at namumugto pa dahil sa pag-iyak ko. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas iyon. "Titignan lang po namin si Fay, nag-aalala kasi kami na bigla na lang s'yang umuwi sa Bataan," rinig kong sagot ng isang pamilyar na boses. "Kim," malat ang boses ko na mahinang sabi sa pangalan ni Kim. Bumangon ako sa pagkakahiga ko ng makita ko silang pumasok sa loob ng kwarto ko. Malamang ay sobrang nag-aalala si Papa kaya binuksan n'ya ang kwarto ko gamit ang susi n'ya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD