Fay's point of view "Totoo bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Mama sa akin. Nakakatawa, pero dumating ako dito kanina na umiiyak tapos ngayon aalis na naman ako. Ayokong magsinungaling kila Mama't Papa, pero kailangan kong gawin para kay Hans. Sobrang mahala si Hans sa akin kaya kahit na pagsisinungalin ko sa mga magulang ko ay gagawin ko na. "Na home sick lang kasi ako," natatawa kong sabi kila Mama. Tinignan ko si Papa na parang ayaw talaga n'ya akong paalisin. "Basta pag mayroong problema, tawagan mo lang kami ng papa mo," sabi ni Mama sa akin sabay yakap. Niyakap ko pabalik si Mama, tinignan ko si Papa na seryoso ang mukha sa akin. Kumalas si Mama sa pagkakayakap kaya si Papa naman ang yayakapin ko. Mami-miss ko sila dahil ilang araw na naman akong hindi makakauwi ni

