Eleventh Teardrop

1184 Words
“I MISSED you... so much," he uttered then looked at Dencel.  Humagikhik ako tapos ay nagpakawala ng malakas na halakhak. Tila ba, walang pakialam sa paligid, sa mga tumitingin sa direksyon namin.  Kita kong umiwas ito ng tingin tapos ay namulsa. Sa tindig niya at hubog na katawan, para siyang isang ideal man na pinapangarap ng lahat. Pasok sa standards ng mga babae— high standards.  “Huwag na tayong maglokohan...” ani ko at iminuwestra ang upuan sa harap, sa tabi mismo ni Yana. “Maupo ka muna, kanina pa tayo nakaka-agaw ng atensyon.”  Umismid lang ito pero sinunod din ang sinabi ko. Si Dencel naman ay bumalik na rin sa dating pwesto. Walang umiimik sa amin. Hanggang lumipas ang ilang minutong sulyapan ay lalong bumibigat ang awra, lalo na sa pagitan ni Kuya Allen at sa lalaking katabi ko.  Curious talaga ako sa dalawang ‛to eh. Parang matagal na silang magkakilala noon pero hindi naging maganda ang samahan? Basta, gano’n ang pakiramdam ko pero ayaw ko ng manghimasok.  “Naglu-lunch kami. Kung gusto mo, um-order ka muna ng sa ‛yo?" pagputol ko sa katahimikan at nagpatuloy sa pagkain.  Parang nao-out of place si Yana dahil sa mga kasamahan namin kaya naman ay kinakausap ko paminsan-minsan.  “I came here to talk to you.” Ipinatong ni Kuya Allen ang magkabilang braso sa ibabaw ng table at pinagsaklop ang mga kamay. “Nag-aalala lang ako na baka kung ano na ang nangyari sa ‛yo. Tito Siervo told me na busy ka lang sa school works. Tss. I didn't expect that it was involving someone too.” Umiling-iling siya at muling sinulyapan si Dencel.  Sumubo ako ng potato fries at binalingan ang huli. Tumigil ito sa pagkain ng lasagna dahil naagaw ng atensyon niya ang uri ng pagkakatingin sa kanya ni Kuya Allen.  Bigla kaming nagkasenyasan ni Yana at parehas na ngumiwi.  “Ah... You want some foods, kuya? By the way, nag-lunch ka na po ba?” tanong ni Yana, sinusubukang paagangin ang paligid.  Kuya Allen just shook his head the reason why I stopped swallowing.  What? Pumunta siya rito nang wala pang laman ang tiyan?  “Binagtas mo ang campus mula sa inyo nang hindi pa kumakain? Are you on your right state of mind, Kuya?” nababahala kong tanong at kinapa ang wallet sa bulsa. Tumayo ako. “Dito ka lang, bibilhan na kita."  “Ako na.”  “Ako na.”  Sinulyapan ko ang dalawang lalaki kaya napataas ako ng kilay.  “Ako na ang bibili. Pagod ka, ‛di ba? Maupo ka na lang," ani Dencel na tumayo na rin sa gilid ko.  “Hindi, ako na. Order ko naman ‛yon eh," tinig ni Kuya Allen na tumayo rin. Sinulyapan nito si Dencel and I'm sure, there's amusement on his eyes bago naupo ulit. “Pero kung mapilit ka bro, ikaw na lang.” Ngumisi siya.  Pero bakit ko kaya naiisip na evil smirk ‛yon?  “Tss.” Walang ganang umupo na lang si Dencel at nagpatuloy sa pagkain.  Napakurap-kurap ako sa ginawa nila. Like, wow! Ang gentlemen ninyo, grabe! Palakpakan ko na ba ‛tong mga ‛to?  Sa huli ay ako na lang ang um-order. Alam ko naman kung anong pagkain ang hilig ni Kuya Allen eh.  Mula sa nilalakaran kong tiles at nilalagpasang tables, ay kita ko sa gilid ng mga mata ang pagpihit ng mga ulo ng mga kumakain din sa lugar. Kahit yata ang mga nagse-serve sa counter, kung makatingin ay parang nakakita ng artista.  Gano’n ba ako kaganda para mapunta sa ‛kin ang atensyon nila? Gawd!  Pagbalik sa table ay inilapag ko agad ang tray tapos ay tumingin sa wrist watch. I insisted na libre ko na ‛yon kahit na pinipilit ako ni Kuya Allen na hindi na kailangan. Duh! Hindi naman ako namumulubi ‛no!  Saktong ala una at kanina pa nakauwi ang mga grade ten students dahil nga sa pinaagang examination namin. Dumiretso lang kami rito para sana mag-lunch kaso, ang daming nangyari at dumating pa si big brother.  “May pag-uusapan pa ba tayo, Allen?” bulong ko sa nasa harapan.  Tapos na itong kumain at nalinis na ng nasa maintenance ang table namin. Nakalumbaba ako sa table habang silang tatlo ay kanya-kanyang sandal sa inuupuan. Pero si Kuya Allen lang ang bukod-tanging walang hawak na phone.  Ako kasi, kanina pa nag-i-scroll sa i********: sa cellphone na nakapatong sa mesa.  “You’re so rude. Bakit hindi mo na ‛ko tinatawag na kuya? ‛Yan na ba ang natututunan mo sa ibang tao?” tanong nito kaya wala sa sariling napaangat ako sa kanya ng tingin.  Buong akala ko ay nasa akin ang atensyon niya, ‛yon pala’y nasa katabi ko na naman. Kumunot ang noo ko nang bumalik ang tingin nito sa ‛kin.  Ano kayang relasyon ng dalawang ‛to? Imposible namang bakla ang kababata ko? Kilala ko na siya simula pa lang eh at isa pa, may girlfriend na siya. T*ngina, bakit ko pa ba inaalala ‛yon? Ang daming buwan na ang lumipas ah?! Tss.  At itong wirdong hottie nerd na ‛to, s***h stalker, bukod sa may pagka-mysterious siya, ano pa bang tinatago niya na may kinalaman kay big brother?  Ewan ko, baka nga may atraso sila sa isa’t isa?  “Ano? Hindi ka makapagsalita? Saan mo natutunang ganyan-ganyanin lang ako? Ha, Beatrix?” pukaw ni Kuya Allen sa ‛kin. And whoa! She mentioned me on my first name, huh?  Ibig sabihin no’n, nagalit ko siya.  Tinaasan ko siya ng kilay. “Nakalimutan ko lang ho. Sorry naman ho, Kuya Allen. Ano bang gusto mong pag-usupan?” Tumalim ang titig nito. “Ho...” dugtong ko.  “Mag-usap tayo nang walang ibang nakakarinig. Maybe later?”  Nakasuklay nang maayos ang buhok nito na minsan ko lang mapansin dahil madalas ay mas komportable siyang magulo ‛yon. Bumalik muli ang tingin ko sa mata niya at nang maramdamn kong naakit na naman ako, ay umiwas na ako ng tingin. Ngumuso ako at umayos ng upo.  “Pauwi na kami eh. Baka may next class ka pa?”  Third year college na kasi ito at madalas pang whole day ang schedule niya. Busy, more like that.  Tumango-tango siya at tumingala bago bumuntong-hininga. Napalunok ako nang makitang gumalaw ang adam's apple niya saka matiim na tumingin diretso sa mga mata ko.  “Mamaya na lang tayo mag-usap. I'll text you. Umuwi na kayo, at baka hinanap ka na ni Tita. Maaga ang uwian niyo, ‛di ba?”  Napakapit ako sa mala-sailor moon kong palda dahil sa iksi. Buti na lang ay naka-long black socks ako kaya hindi gaanong expose ang legs ko. Tumikhim ako at pumirmi ang labi.  “Fine, mamaya.”  Sh*t, anong mamaya? Akala ko ba iniiwasan mo, Beatrix Isabella?! Baka naman magtampo ang girlfriend niyan kapag hindi siya nabigyan ng time ni Kuya Allen?  Kung sa bagay, hindi ko naman kasalanan, ‛di ba? Siya ‛tong unang lumapit sa akin eh. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD