Twelfth Teardrop

1830 Words
SUMAPIT ang gabi at tapos na rin kaming mag-dinner ay hindi pa rin ako nakakatanggap ng text o tawag mula sa kanya. Pinapaasa na naman ako nito. Imbes na nagre-review ako para sa susunod na examination bukas ay iba ang inaatupag ko! Hinayupak na big brother ‛to!  Naglinis muna ako ng katawan bago nagbihis ng pink na pajama na katerno ng pinalit kong pang-itaas na damit. Tinungo ko ang study table ng kwarto na puro paper works at librong paborito ko ang laman. Katapat nito ay ang babasaging bintana. Nakaharang lang ang peach na maiksing kurtina kaya hinawi ko ito.  Tumambad sa mga mata ko ang tahimik at madilim na kalangitan. May mga kumikinang na bituin kaya sandali ko muna silang pinagmasdan.  Noong mga bata pa kami ni Kuya Allen ay sabay kaming tumitingin sa bituin tapos ay kakausapin namin. Sinabi pa namin sa isa’t isa na maaalala namin ang kanya-kanyang pangalan sa tuwing titingin kami sa madilim na kalangitan. ‛Yung maliit na bituin ay ako at siya naman ang katabi nitong malaking bituin.  Tinutugtugan ko pa nga siya ng gitarang regalo niya sa ‛kin dahil mahilig ako sa melodiya at paggamit ng instruments tulad ng piano at gitara... noon.  “I wish I could turn back time...” ngisi ko at kinalkal na ang kakailanganing reviewers.  Hanggang sa dinalaw ako ng antok kakabasa at sinilip ang phone kung may na-receive na text mula sa kanya ay wala pa rin. Ngunit bigla itong umilaw kaya nagmamadali kong ni-type ang password ko bago binuksan ang message.  Lalo akong nadismaya. It's a prank!  Network’s Load sent a message:  11Mar11:30 PM  Load Balance: P0.000  Nakasimangot akong tinabi ang phone saka sinubsob ang mukha sa study table. Medyo na-relax ako nang ipinikit ko ang mga mata. At dahil na rin sa antok ay bumigat ang talukap ng mga ko saka hindi namalayang nananaginip na.  Naalimpungatan ako nang makarinig ng ingay sa labas. Pero nang may bumato sa balkonahe ng kwarto ko ay napagtanto kong doon nga ‛yon. May bumato ulit kaya nagulantang ako lalo.  Grabe! Sino namang babato sa kwarto ko nang dis-oras ng ng hating-gabi? Sinulyapan ko ang wall clock at kitang alas dos na ng madaling-araw.  Sabi ng matatanda... evil hour daw kapag alas tres na ng madaling araw, pero may ibang nakakaranas din ng kababalaghan tuwing alas dos o basta pagsapit ng alas dose ng gabi. Hindi kaya? Owemji!  May bumato na naman sa balkonahe ng kwarto ko at hindi ko pa pala nasasara ang salamin na harang do’n. At kung nagkataong nakaharang nga ‛yon, mababasag pa!  Huhu! Ngayon pa lang, pinapatawad ko na lahat ng ginawan ko ng masama. Mom, dad, patawarin niyo ‛ko. Pero hanggang ngayon na nga lang siguro ang oras ng buhay ko. Huhuhu. Bakit ba naman kasi walang extension eh? Extend lang mga one hour para makatakas, gano’n?  Tumakbo ako sa kama at nagtalukbong. Dumagdag pa ang lamig ng aircon sa kabang nararamdaman ko. Pero sinimula na ang katawan kong pagpawisan.  Mayamaya lang ay nakarinig na ako ng yapak mula sa balkonahe. Marahan ‛yon pero dinig ko pa rin ang bawat bigat ng hakbang ng nilalang na ‛yon. Hindi kaya... Kapre ‛to?  Naalala ko pa man ding madaming puno sa subdivision namin. Huhu. At habang humahakbang siya ay pain gay nang paingay ‛yon na parang papunta sa kama ko. Sa akin!  May humila ng kumot ko.  “Huwaaaag! Huhuhu! Our Father who art in heaven--” “Pinagsasabi mo?” tinig ng nilalang na ‛yon.  Sandali nga. Bakit parang pamilyar? Pero hindi! Ipagpapatuloy ko pa rin ang magdasal. Napapapikit ako habang mataimtim na nananalangin nang tahimik saka nakarinig ng malakas na halakhak.  Ayan naaaa! Nagsisimula na siya-- wait. Hinaplos nito nang marahan ang ulo ko kaya parang may sariling kilos ang mga mata ko at unti-unti akong dumilat.  Akala ko kung anong masamang espiritu na ang humawak sa akin. ‛Yon naman pala’y isang anghel.  “Kuya Allen?” tanong ko na naninigurado. Pinitik nito ang noo ko kaya dumapo ang kamay ko ro’n saka sumimangot. Ang sakit ah!  “Baliw ka talaga kahit kailan. Kanina pa ‛ko nagte-text at tumatawag sa ‛yo, hindi mo naman sinasagot.” Kanina pa? Eh kanina pa rin ako naghihintay sa kanya ‛no! Bwisit na ‛to! Nakatulugan ko na nga eh.  “Malay ko bang ang gusto mong oras ng pag-uusap ay hating-gabi? Dapat nga nananaginip na ‛ko ngayon eh!” singhal ko.  Inangat niya ang hintuturo saka umiling. “Bad...”  Binagsak niya ang katawan sa kama ko at komportableng nahiga. Hinampas ko ang braso niya kaya napa-aray siya.  “Baka maabutan ka nila mom at dad dito. Umuwi ka na sa inyo at bukas na lang tayo mag-usap," sabi ko at lumayo nang kaunti sa kanya. Mahirap na, baka ma-tempt ako. May girlfriend ‛yan ‛no, ayoko ng may sabit.  “Aalis din ako mamaya. Saka kung bukas pa tayo mag-uusap, busy ka sa umaga at busy din ako sa tanghali.  Magkakasalisihan tayo.”  Inunat niya ang magkabilang braso bago inunan ‛yon sa ulo niya. Lalong nadepina ang muscles at biceps niya nang ginawa ‛yon. Magulo na rin ang buhok nito pero nakapagpadagdag ‛yon ng ganda sa gabi lalo na kung nilalang na tulad niya ang makikita mo.  Naka-maroon v-neck shirt siya at boxers lang. Aba’t--  “Umakyat ka rito nang ganyan ang suot mo?” namamanghang tanong ko. Bwisit naman oh! Bumabakat kaya ‛yung ano! Letse!  “Lagi naman akong umaakyat sa kwarto mo noon ah? Minsan nga naka-brief lang ako," nakangising aniya.  Hinampas ko nga ulit. “Syempre mga bata pa tayo no’n! Jusko naman!” Tinakpan ko ang mga mata ng magkabilang kamay. “My virgin eyes!”  Humalakhak ito at gumalaw ang pwesto niya. Hudyat na nagbago ng posisyon. Posisyon sa paghiga, hindi sa ano! Gawd! My virgin mind!  “Tss... gusto ko lang mag-usap tayo. Alam kong magiging busy tayo sa school works. Ikaw, sa moving up niyo. Ako, sa thesis, projects. Minsan lang naman ‛to. Mahiga ka na riyan and don't worry, panonoorin lang kitang matulog.” Dahan-dahan kong tinanggal ang harang sa mga mata nang marinig ang mga katagang ‛yon sa kanya.  Agaran kong nilagyan ng mga unan ang pagitan namin saka nahiga na. Tumihaya ako at tumitig sa kisame. “Anong pag-uusapan natin?” tanong ko.  I heard him chuckled. “Wala. Tulad lang nang dati. Kumusta ka na? Are you doing great? Anong strand mo sa grade 12? Saan ka mag-aaral?” sunud-sunod niyang tanong at ako pa yata ang hiningal sa dami ng sinabi niya.  Huminga ako nang malalim. “Okay naman ako.” Mas okay nang wala ka, kayo ng girlfriend mo sa paningin ko. “Saka pinag-iisipan ko pa kung anong strand ko sa senior high school at kung saan mag-aaral. Ikaw, kumusta na? Kumusta kayo ni... Tiara?”  Parang may crickets pagtapos kong sabihin ‛yon. Matapos ang ilang minuto ay saka lang siya sumagot.  “May plano kang lumipat ng school?” tanong niya pero hindi ko ‛yon sinagot. He heaved a sigh. “Well, I’m struggling on my college life but it's fine. I'm still fine. And about Tiara? W-Wala na kami.”  Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa dibdib. Kumakabog ito nang malakas. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa unexpected niyang sinabi o sa... excitement? Ewaaaan! Pero mas natutuwa ako sa narinig.  “B-Bakit? Anong nangyari?” nauutal kong tanong.  Lumipas ang lang ang ilang buwan pero wala na agad sila? Gano’n kabilis?! F*ck boy siguro ‛to? O baka may third party? I thought mahal na mahal niya si Tiara eh. So, bakit?  “High school pa lang ako no’n nang ligawan ko siya...” he confessed kaya mas nawindang ako. Naglihim siya sa akin nang gano’n katagal? Pero nanatili akong walang imik. Nagpatuloy siya, “At nang nag-third year college kami ay saka niya lang ako sinagot. Kung kailan... naisip ko ng tumigil sa panliligaw.”  Oh... talagang naglihim siya. “Bakit ngayon ko lang nalaman?”  I thought I'm his best friend? Hindi naman sa may karapatan talaga akong malaman, its just that, nakakatampo lang. Kasi lahat ng secrets ko, alam niya. Ang unfair!  “Sorry...” ‛Yon lang ang sinabi niya. “Akala ko mahal ko na siya. Akala ko noon, na-love at first sight ako. Funny, but I was wrong. I'm a jerk, right?” he chuckled.  “You’re a jerk since you were born," sagot ko saka humikab at umunat. “Bakit mo nasabing nagkamali ka na... hindi pala siya ang mahal mo? May napupusuan ka na naman?”  Parang sariling gawa ko ang karayom na tumusok sa dibdib ko. Asking a painful question that'll affect me? That's suicide.  “Alam ko na noon pa, may nararamdaman na sa ‛kin ‛yung babae eh. May nararamdaman din ako sa kanya noon ang kaso... mali. Mas gusto ko munang makita siyang matupad ang mga pangarap niya kaya... naging selfish ako. Naghanap ako ng iba na mas hihigit pa sa kanya. Pero ang tanga ko lang kasi... wala pala talagang makakahigit sa kanya.” Huminga siya muli nang malalim at ramdam kong gumalaw ang kabilang side ng kama. “Lalo na nang makitang napapangiti siya ng ibang lalaki at hindi ako ‛yon. I was so immature back then, didn't I?”  Hindi agad ako nakapagsalita dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. Hindi ko namalayang palihim na palang umaagos ang mga luha ko. Ang sakit, sakit.  “Tulog ka na ba?” tanong muli niya na wala ulit nakuhang sagot sa akin. He chuckled that made me fall for him so bad. “Sleep head... Tsk! I’m sorry for being selfish, Trixie. I liked you so much before. Gusto kong bumawi sa lahat-lahat. At kahit umiwas ka na naman sa ‛kin, hindi ako papayag. Babawi ako as your childhood best friend... and a lover. You don't know how crazy and head over heels I am for you. Pero bata ka pa. I want you to fly higher. At kahit tinulugan mo na ‛ko ngayon, alam kong tutuparin mo ang mga pangarap mo. Ikaw pa, you're a fighter!”  Gumalaw ang kama at nabawasan ng bigat. Rinig ko ang mga yapak niyang papalayo bago ko narinig ang pagpatay ng switch sa ilaw ng sarili kong kwarto. Umingay ang yapak at parang may dumagan muli sa kama ko. Pero this time... ay sa side ko na.  Nakapikit ako nang makaramdam ng hininga sa aking mukha bago ang pagdampi ng halik sa aking noo.  “Good midnight, love," he whispered and started to caress my hair until darkness ate me that I did have a good dream. A sweet dream. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD