Third Teardrop

2363 Words
SA UMAGA ng lunes ay sabay kaming kumain sa hapag ng mga magulang ko. At hindi makukumpleto ang umagang iyon kung walang kumustahan at usapan. Usapan na hindi naman ako gaanong interesado dahil patungkol na naman sa business.  “Hello?” The baritone voice of my dad— Siervo Sandoval Jr.— echoed on the whole elegant dining area. Someone called and interrupted him while we were eating. Maybe, it's one of his employees.  “Yes. . . Ready the reports. . . Yes. . . Okay.”  Napanguso ako. Busy na naman si daddy.  “Who called?” my mom asked dad once the phone got down. She wiped her lips tenderly using the table napkin.  Kita mula sa tsokolateng mga mata niya ang kuryosidad. Hindi ko nakuha ang mga mata ni mommy. Tanging ang kulay ng buhok, kutis, malalambot na labi at soft features niya ang nakuha ko. Habang ang kulay ng mga mata ni dad na kulay abo, ang tanging nakuha ko sa kanya.  Yes, he's half Russian and half Filipino while mom is half Spanish and Filipino too. They have the same pointed nose, only that mom is way softer than dad.  “My secretary. May board meeting kami ngayon. Biglaan dahil dumating ang iilang investors.”  “Oh, okay. Gagabihin ka ba nang uwi?” tanong ni mom.  “I'm not sure if I'll get busy. I'll just call or text you later, okay? I have to go,” said dad, which confused me.  “S-Sino po ang maghahatid sa ‛kin?” tanong ko at tumayo na, naghahanda sa pagpasok. Hindi ako pwedeng ma-late lalo't naghahabol ng lessons dahil may magaganap na foundation week.  “Nasaan si Mang Ricardo?” tanong niya ngunit nang may mapagtanto ay napailing siya.  “Day off niya nga pala.”  “Good morning!” Someone knocked on the dining area's entrance. Oh, wait. Nandito na naman siya.  “Hijo, good morning! Napadalaw ka ulit?” tanong ni mom at lumapit kay Kuya Allen. Hinalikan niya ito sa pisngi bago niyayang umupo kasama namin.  “Good morning, Allen. So, how's life?” may sarkasmong pagkasabi ni dad na ikinatawa lang ng huli.  “So far, so good,” birong sagot naman nito kaya napairap ako. “Hello, Trixie! By the way, I have someone to introduce. A special someone. . .”  Kumabog nang malakas ang dibdib ko at napakuyom ang mga palad. Umupo muli ako, giving him a fake smile.  “Special someone, huh? May I know?”  "Yes, actually she's here. Ah, Tiara?"  Isang pamilyar na mukha ng babae ang iniluwal mula sa labas ng dining area. And as I look at her closely, her features made more define. Sa malayo ay maganda siya... at sexy. Pero kapag nakilala mo na at nakaharap nang malapitan, ay matutulala ka dahil para siyang anak ng isang dyosa.  She has chocolate eyes just like Kuya Allen. Pointed nose, porcelain type of skin, pinkish lips and cheeks, a height like a beauty queen. Pumulupot ang braso ni Kuya Allen sa bewang ng babae kaya napaiwas ako ng tingin.  Sh*t!  "Good morning po. Nice meeting you all." Saka niya inilahad ang kanang kamay, showing formality.  Mom and dad immediately shook it. Habang ako'y nagdadalawang-isip pa, ngunit sa huli ay tinanggap din ‛yon. I plastered a fake, fake smile.  "Everyone, this is Tiara Dominguez, my girlfriend."   manlaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil nang nakaraan ay sariwang-sariwa pa sa akin ang mga pinag-usapan. Ang sabi niya ay may nililigawan siya, tapos ngayon... sila na agad?! Ang bilis ah? Sigurado ba sila sa isa't-isa?  My father cleared this throat.  "Well, I'm sorry kung aalis ako nang maaga ngayon at hindi ko na kayo masasamahang kumain dito. I have a meeting, so..."  "No, it's okay po. We already ate our breakfast," magalang na saad ng Tiara pero umismid lang ako.  "Yes, actually, papasok na sana kami. Dinaanan lang namin kayo rito saglit to... introduce her," Kuya Allen shrugged that made my parents and Tiara laugh.  Anong nakakatawa?! Naiirita na ako rito tapos... itong si dad mukhang okay lang sa kanya ang desisyon ni Kuya Allen. Akala ko ba manok niya ‛yan?  "Gano'n ba? Then, let's go. Sabay na tayong lumabas."  "But dad, paano ako? Ihahatid mo ‛ko or magco-commute na lang ako?" tanong ko saka tumayo muli at sinundan siyang papalabas na ng dining area.  "I forgot! Edi, sabay ka na lang muna kayla Kuya Allen mo? Malapit lang naman ang eskwelahan mo sa kanila, ‛di ba?" saka niya tinanaw ang direksyon ng magkasintahan.  "If that's okay with them..."  Kuya Allen laughed, "Sure! No problem for my childhood friend."  Aba't talagang pinangangalandakan niya talagang mag-childhood friend kami sa harap ng babae niya ha? Ipinagkrus ko ang magkabilang braso saka huminga nang malalim.  Magtimpi ka, Trixie. Please be silent.  "Oh, ‛yon naman pala. Sumabay ka na Trixie sa kanila at didiretso na ako sa kompanya." my dad faced mom and kissed her on forehead. "Love you. I'll go now."  "Yeah," my mom nodded. "Take care and don't stress yourself too much. Okay?"  "Yep."  Hinalikan ko na rin ang magkabilang pisngi ng magulang saka sumunod sa magkasintahang naglalampungan na sa harap ko! Lihim akong napairap. Libu-libong karayom ang parang tumutusok sa puso ko at ramdam ko pagnginig ng mga kamao ko.  T*ngina lang talaga, ‛no? Ayos ng nalaman kong may iba siyang gusto. Pero parang hindi ko kakayanin kung nakikita ko silang ganito kasaya. Masaya ‛yung taong gusto ko at hindi ako ang dahilan.  Naghiwalay na kami ng tatahakin ni dad. Sa labas ng bahay ni Kuya Allen nakaparada ang Jaguar niyang sasakyan. Nang pinindot niya ang remote nito ay dali-dali akong pumunta sa backseat. No choice.  Uunahin ko pa ba ang pride ko o male-late ako? Ayoko namang abalahin si dad dahil may meeting pa siya. Ayoko rin sana sa sasakyan ng lalaking ‛to kasama ng girlfriend niya kaso, parehas lang naman ang daanan sa school namin at kanila.  Sa ganitong pagkakataon, alisin mo muna ang pride mo. Alam ko namang kahit anong gawin kong paghihimutok sa sulok, hindi ako papansinin ni Kuya Allen dahil busy siya kay Tiara. Siya pa ang unang susuyuin kaysa sa ‛kin! Syempre, sino ba naman ako sa buhay niya, ‛di ba?  "Seatbelt, Trixie?" tanong ni Kuya Allen at tumango ako.  "Done," I said coldly. Parang natigilan siya at tiningnan niya ako sa rearview mirror.  Iniwas ko na lang ang tingin at itinuon ‛yon sa kalsadang tinatahak namin. Buong biyahe ay daldal nang daldal ang babae kaya  napapairap talaga ako. Ayokong marinig ang boses niya at mga kuwento dahil... naiinis ako! Sinasakyan naman ‛yon ni Kuya Allen kaya parang gusto ko na lang pumara at mag-commute!  Bwisit! Mahiya naman sila sa single ‛no!   "We're here," sabi ni Kuya Allen tapos ay inihinto ang sasakyan sa harap ng gate ng school namin.  Lumabas agad ako roon nang hindi pa rin umiimik, ni pagpapasalamat ay wala.  Bakit? Hindi ko naman hiniling na sumakay sa kanila ah? He insisted!  Iilang mga estudyante ang nagkakanda-bali na naman ang leeg kakatingin sa akin. Ewan ko kung dahil ba ‛yon sa ganda ko o sa perfume?  Kasi kung tutuusin, binu-bully nga ako rito tapos magagandahan sila sa ‛kin? Ang wirdo nila.  Saktong pagdating at pag-upo ko sa loob ng room ay dumating ang teacher namin sa science.  "Letse talaga!" I hissed at mukhang napansin ‛yon ni Yana sa kabilang row nang tumingin ako sa gawin niya.  "Why?" she mouthed but I just answered her a shrug.  Isa pa ‛tong teacher na ‛to. Kitang foundation day, nagkaklase pa rin. Kung sa bagay, ito nga ang dahilan kanina kaya nagmamadali akong umalis sa bahay... para makahabol sa lessons.  Tingin ko, alam ko na ang puno't dulo nito eh. ‛Yung mag-jowa! Nadadamay tuloy teacher ko sa inis ko sa kanila. Argh!  May frustration kong sinuklay ng daliri ang buhok saka napahilamos.  "Are you okay, Miss Sandoval?" tanong ni Ma'am Veronica na nagpagising sa diwa ko.  Pansin kong lahat ng atensyon ay nasa akin kaya nahihiya akong tumango.  "Y-Yes, ma'am."  "Kung ayaw mo sa subject ko, pwede ka namang lumabas," mataray na saad niya saka ipinagpatuloy ang pagdi-discuss.  Oops. I didn't mean that. "Sorry po," saka huminga ako nang malalim upang kumalma.  Nang matapos ang klase ay hinintay namin kung may susunod pang teacher. Ngunit nang mag-announce ang isa sa SG Officer ng paaralan na wala na raw dahil sa gaganaping foundation day ay naghiyawan naman ang lahat.  Ako lang yata ang hindi masaya base sa ekspresyon. Syempre, ang hirap mag-move on sa nangyari! Para kang sinasaksak nang paulit-ulit.  "Alam mo girl, sayang at wala si Sir Harry ‛no?" madramang saad ni Yana na ikinakunot ng noo ko.  "Ang gulo mo ah? Akala ko ba you hate him? Bakit hinahanap mo pa rin?" tanong ko at may napagtanto.  Bakit nga kaya? Naiinis ka na sa isang tao pero hinahanap-hanap mo pa rin? Ano bang tawag sa gano'n? Baliw? O baka... mahal mo na?  By the way, what's love?  "Iyon nga eh! Paulit-ulit niya nang pinararamdam na ayaw niya sa ‛kin. Pero..." Itinuro niya ang lokasyon ng sariling dibdib. "Masakit dito, eh. Mas masakit at nakakabaliw kapag hindi mo siya nakikita lagi. I miss him so much, Trix."  Isinandal ko na lang ang likod sa backrest ng upuan saka nag-channel four. Si Yana naman ay malungkot ang mga matang ipinagpatuloy ang pagkain. Narito kami sa malaking cafeteria ng paaralan. Masyado nga talagang expensive dahil may chandeliers pa sa ceiling at aircon. Para kang kumakain sa isang sikat na restaurant.  Mula sa counter ay tanaw ko ang mga matapobreng grupo ng babae na sikat na sikat dito. Matunog lang naman ang mga pangalan nila dahil matataas ang antas ng magulang sa lipunan. Pero sabi-sabi ay palugi na ang mga ito. Tss.  Cheap.  "Gosh, wala ng bakante!" maarteng sabi ng isang mukha ng clown sa kapal ng make up.  Ang lider ng grupo na kilala sa tawag na Fritz ay hinawi nang maarte ang buhok saka sinabing,  "Akong bahala..."  Nagtama ang paningin namin at mukhang alam ko na ang mangyayari. Nang nasa tapat na siya ng table namin ni Yana ay nagtaas ako ng kilay.  "Pakibaba ang kilay. Hindi bagay sa maputlang babaeng gaya mo." Hinawi niyang muli ang buhok habang hawak ng isang kamay ang tray na may pagkain niya.  Nagtawanan ang buong grupo ngunit hindi ko ginawa ang sinasabi niya at umismid lang.  "Yana, tapos mo na ba ang project sa Math?" biglaang tanong ko, hindi pinapansin ang matatalim na tingin ng mga babaeng echosera.  "Yeah, actually hindi ko pa pinapasa. Wala naman si Sir Harry--"  "Excuse me! Bulag ba kayo?" nanghahamon na sabi ng lider na walang iba kundi si Fritz. "Aalis kayo o ipapakaladkad ko kayo?"  Isinuklay ko nang marahan ang buhok gamit ang isang kamay at komportable lang na umupo.  "Someone's whispering like a devil, Yana. Did you hear that?"  "H-Ha? Hmm... Wala naman. Baka may masamang espiritu lang na gumagala-gala. Ya know," she shrugged.  I smirked. That's what I like about her. Nakikisabay sa trip ko at palaban din. Kaya nga we're best of friends, ‛di ba?  Ibinalibag ni Fritz ang tray sa ibabaw ng table namin. Aba, bastos!  "Tapos na kayo sa kwentuhan ninyo?" tanong nito.  Iginala ko ang mga mata sa buong cafeteria. Lahat ng estudyante ay may pangamba sa kanilang ekspresyon. Bakit sila natatakot? This group is cheap!  "May bastos na nagbalibag ng tray, girl--" nahinto ako sa pagsasalita nang tumapon ang iniinom kong juice sa uniform ko. "What the--"  Muling nagtawanan ang buong grupo.  "That's what a b*tech deserve! C'mon, girls. Sa ibang table tayo--"  "I may be a b*tch but not as cheap as your group."  Hindi ko na nakayanan kaya nabitawanan ang mga salitang ‛yon. Tila napigtas ang pasensya ko kaya nag-alab ang sama ng loob ko sa kanila. Bakit ba ang hilig nilang manggulo?!  "What did you say?!" nanggagaliting tanong ni Fritz Arianme De Guzman at sinagot ‛yon ni Yana para sa akin.  "She said, she's maybe a b*tch but not as cheap as your group. Eww," at sinundan ng tawa.  "F*ck you!" saka niya hinablot ang buhok ko at kinaladkad paalis sa mesa.  Kita ko ring pinagtulungan si Yana ng nga kagrupo nito kaya hindi ako nagpatalo at sinabunutan din siya.  Nang makaladkad niya ako ay hinila ko rin ang buhok niya pababa. Sinusunod ko lang ang ulo sa kamay niya upang hindi  tuluyang malagas ang buhok ko. Ngunit mas malakas yata ang demonyitang ‛to at nakapatong siya sa ibabaw ko.  Iilang kalmot ang natanggap ko sa kanya ngunit pilit pa rin akong lumalaban.  May naririnig akong hiyawan at pustahan sa iilang estudyante sa loob ng cafeteria. Ilang kalmutan pa ang ibinigay ko kay Fritz nang nakarinig kami ng pito.  "Hoy, hoy!" May malalakas na braso ang pumigil sa amin. Ang iba ay nasa magkabilang braso ko na pero gusto ko pang gumanti dahil masyadong marami yatang kalmot ang natamo ko.  Bitawan niyo ‛ko! You, b*tch! Bitawan niyo ‛ko! Argh!" si Fritz at sumisipa-sipa pa para mabitawan ng mga security.  "You, cheap! Ayan! Dalhin niyo sa guidance dahil walang manners!" sigaw ko pabalik at nagpupumiglas pa rin.  "Anong kaguluhan ‛to?" tinig ng isang istriktang matandang babae na kilalang-kilala ko. Hindi dahil siya ang guidance councilor kundi... kapatid din ni mommy. She's Solem Guivano Dela Cruz. "Trixie? What did you do?"  "T-Tita--"  "Shut up," she cut me off at binalingan ang grupo ng mga babaeng cheap. "Kayo? Ilang beses na kayong napapa-guidance. Talaga bang gusto niyong ma-kick out? Ayaw niyong mag-moving up?"  Lahat ay natahimik at nakikiramdam. May ibang estudyante na rin mula sa labas ng cafeteria ang nakikiusyoso. Napairap ako at inayos ang sarili nang sandaling bitawan ng securities.  "Dalhin sila sa Principal's Office. Now!" dumagundong ang boses ni Tita Solem sa buong cafeteria. Binalingan niya si Yana ng tingin tapos ay ako.  "Dalhin niyo ang magulang niyo. Magulang, not any guardians. Lalo ka na Trixie..." saka siya lumabas na sinundan namin kasama ng mga sangkot sa gulo.  Oh, great! What a bad day!   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD