“WHAT happened, Trixie?” hindi makapaniwalang tanong ni mommy sa akin dito sa loob ng principal's office. Wala si dad dahil nga sa meeting ng kompanya at siya lang ang sumugod para sa ‛kin dito.
Malamig sa loob kaya nakapagdadag ‛yon ng lamig sa buong katawan ko. Dahil sa kahihiyan at dahil sa pinaka-unang gulo na ikinasangkot ko.
Sa parihabang mesa ay magkakatapat kami. Kaharap namin ang cheap na grupo kasama ang kanilang parents, at kami ni Yana kasama si Tita Louise na kanyang ina, at si mama na katabi ko. Nasa pinakaunahan ang principal na si Dr. Henry Amper kasama ng guidance councilor na si Mrs. Solem Guivano Dela Cruz— ang aking tita.
“Mom, I didn't start it.” Huminga ako nang malalim at ipinagkrus ang magkabilang braso sa harap ng dibdib.
“So anong sinasabi mo? Na sinimulan ito ng anak ko?!” sigaw ng ina ni Fritz habang nakataas ang dalawang kilay.
Like mother, like daughter, huh?
“Huwag mong sisigawan ang anak ko, Mrs. Sembrano. Ako ang makakalaban mo,” mahinahon ngunit may pagka-awtoridad na sagot ni mommy para sa ‛kin.
“Halata namang--”
“Tigil!” Umalingawngaw ang tinig ni Principal Henry sa buong silid. “Narito kayong mga magulang upang ayusin ang gusot na ginawa ng mga anak ninyo. Huwag na kayong dumagdag pa sa problema.”
Tumingin ako sa mga nilalang na walang ginawa kung hindi ang mang-bully at nahuli kong inirapan ako ng lider nila na si Fritz. May mga kalmot ito sa mukha at buhaghag din ang buhok tulad ko.
Lahat naman ng sangkot sa gulo ay pare-parehas ng itsura at reaksyon. Syempre ayokong patalo ‛no!
Nag-umpisa ang meeting at halos nagkabangayan na ang mga magulang at kaming estudyante. Bakit hindi ko ipaglalaban ang karapatan ko? Siya itong unang nanggulo!
Sa huli ay plastikang nagkasundo kami upang walang mapatalsik sa school. Gusto ng principal na magka-ayos kami dahil kung hindi, tsupe agad! Walang moving up!
Huli kaming lumabas ni mommy sa malawak na opisinang ‛yon at humingi ako ng "sorry" sa kanya dahil naabala ko pa.
Humingi rin ako ng tawad sa principal at kay tita— na guidance councilor dahil sa gulo.
“Pasensya na talaga, Sol.” Parang dismayado ang reaksyon niya habang sinasabi ‛yon. Nakakadismaya ba talaga ako? "Saka isa pa, base sa kwento, alam kong hindi ‛yon magagawa ng anak ko. Ngayon nga lang ‛to nasangkot sa rambulan!"
“It's okay. Nagulat din ako na nasangkot siya sa away. Gumanti lang talaga siya dahil alam niyang hindi tama ‛yon, ate.”
Lihim akong nangiti sa sinabi ni Tita Solem. Yes, she's year younger than my mom. At aba, hindi pwedeng magpa-api ako kung kaya namang lumaban at alam kong nasa tama ako!
Tumango si mommy saka kami nagpaalam.
Naglalakad kami papuntang parking lot, hinahatid ko siya sa sasakyan dahil foundation day ngayon. "Mom, mauna ka na ho. May event pa po akong sinalihan eh."
Papasok na sana siya sa loob nang mag-isa dahil wala si Mango Ricardo at siya ang magda-drive pauwi, binalingan niya ako. "Gano'n ba? Oh siya, sige." then I went to her to kiss on cheek. "Huwag kang makikipag-away ha? Makakatikim ka talaga sa ‛kin, Trixie! Paki-ayos na rin ‛yang gusot mong mukha at damit."
Sumimangot ako, "Opo." saka kumaway nang tuluyan na siyang magmaneho papalayo.
Babalik na sana ako nang mahagip ng mata ko ang bulto ng isang matangkad na lalaki. Nakatalikod ito malapit sa gate ng school namin, kausap yata ang guard.
"Anong ginagawa niya rito?" sarili kong tanong at lalapitan na sana siya nang pumihit siya paharap. Nagtagpo ang mga mata namin.
Madilim ang kanyang ekspresyon na parang binabalutan ng itim na awra ang kanyang buong katawan. Hindi ko tuloy alam kung aatras ba ‛ko o pupuntahan siya para magtanong kung ano'ng ginagawa niya rito sa school namin?
Sa huli, ay siya ang lumapit sa akin nang huminto ako. "There you are..."
"H-Hi! A-Ah... Bakit ka nandito? Sinong binibisita mo?" nauutal kong pagkasabi na parang tanga.
Oo nga pala, matagal na ‛kong tanga sa lalaking ‛to.
Kumunot ang noo niya saka itinaas ang kamay. Akala ko'y babatukan niya ako o ano kaya napapikit ako. Hanggang sa maramdaman ko ang marahang pagsuklay niya sa buhok ko pababa.
Unti-unti akong dumilat. Gulantang pa rin sa ginagawa niya. Bakit? Masyado ng mabait ang trato niya sa ‛kin kaya lalo akong nahihirapang mag-move on!
Huminga siya nang malalim, suot pa rin ang hindi maipaliwanag na ekspresyon. Tumatama ang sikat ng araw sa tanghaling tapat sa kanyang mukha. Para tuloy akong nasa harapan ng isang Diyos at kailangan kong lumuhod.
Sobrang perfect lang talaga ng features niya!
"Bakit may mga kalmot ka? Bakit magulo ang buhok mo? Bakit lukut-lukot ang uniporme mo?" sunud-sunod niyang tanong habang patuloy pa rin ang paghaplos sa buhok ko. Ang haplos ay bumaba na rin sa aking pisngi, tila kinikiliti ako.
"A-Ah!" Nag-isip ako ng pwedeng palusot at iniwas ang tingin sa kanyang mga mata. "Nakakita kasi ako ng pusa sa garden ng school. N-Naawa ako kasi pagala-gala lang eh, kaya k-kinuha ko. Kaso lang... kinalmot ako kaya... kaya..." "Hmm?" parang malambing na aniya.
"Kaya hindi ko nakita na may baton pala at nadapa ako. Ayon!" Tumingin ako sa gawi niya, nakataas ang kilay na sinalubong ako.
"Do you promise me that you're telling the truth?"
Nanlaki ang mga mata ko. May alam kaya ‛to sa nangyari? Kalahati sa ‛kin oo, kalahati hindi. Syempre, ano'ng lake niya sa akin ‛di ba? Busy siya sa Tiara niya kaya mawawalan talaga ‛to ng oras tungkol sa akin.
"O-Oo naman! So, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sinong binisita mo rito?" balik-tanong ko sabay hawi ng kamay niyang patuloy na humahaplos sa akin. "‛Tsaka pwede ba, huwag kang ganyan. Mamaya masita tayo, sabihin P.D.A.
Ayoko madala na naman sa principal's office o guidance."
"What did you say?" lalong kumunot ang noo niya at tuluyan ng nagkasalubong ang makakapal na kilay.
"Naiinis na ‛ko Allen ah. Anong ginagawa mo rito at pwede ba..." nagpipigil kong ani sabay hawi ulit sa kamay niyang hindi natitinag kakahaplos sa mukha ko. "Tigil-tigilan mo ‛yan! Hindi ako natutuwa!" He smirked that made me shiver. T*ngina para saan ‛yang ngisi na ‛yan?
"F*ck! You didn't even call me Kuya, huh?" Lalo pa siyang lumapit sa ‛kin kaya lalong nagtambol ang puso ko. Parang nagkakagulo ang mga paru-paro sa loob ng aking tiyan. "Well, I came here for someone."
Someone? Baka special someone? Bihira lang kasi siyang pumunta rito, ‛yon ay kapag pinapatawag siya o emergency.
Aba, may kinakalaguyo pa yata--
"I've heard she was included with that trouble. Kilala mo ba siya, Trixie?" Bahagya siyang yumukod at inilapit ang mukha sa akin.
Hindi ako makagalaw lalo pa't sobrang lapit namin sa isa't-isa. Kaunti na lang ay mahahalikan na niya ‛ko! Masyado akong natutuksong ilapit ang bibig ko sa kanya. Tuluyang nadepina ang nakamamangha niyang kagwapuhan. My goodness! Pinagpapawisan ako!
"H-Hindi ko kilala..." sa huli ay nakapagsalita pa rin ako, hindi nga lang diretso. "A-Anong ginagawa mo, Kuya Allen?
Hindi ba, may girlfriend k-ka?"
Para siyang nagising sa reyalidad at mariing ipinikit ang mga mata. Lumayo siya ng distansya at napahilamos. ‛Pagtapos ay parang nafu-frustrate siyang binalingan ako ng tingin.
Hinila niya ang palapulsuhan ko at umalis kami malapit sa gate. Iilang estudyante ang nakakakita sa amin. Maraming nakakalat ngayon dahil walang klase dulot ng Foundation Day. Mapanuri ang kanilang mga tingin, tila sumasagap ng impormasyon at gustong malaman kung anong meron sa amin. Kung anong ginagawa namin.
"A-Aray ko! Dahan-dahan naman! Saan ba tayo pupunta?" Napapasimangot na ako sa init ng araw hanggang sa umakyat kami ng building A.
Huminto kami sa first floor at natapat sa comfor room ng babae at lalaki. Hala? Oh em gee! Gusto niya bang gumawa kami ng milagro? Kanina pa ba siya nagtitimpi? Wait, ayoko lumabas na ahas! Ayokong maging kabit ‛no!
Isinandal niya ako sa pader at nagmasid muna sa paligid. Wala namang tao. Anong problema nito? Sini-secure niya ba ang privacy namin para magawa ang milagro?
Tinitigan niya ako saka dumapo ang kamay niya sa uniporme ko. Hinila niya ‛yon kaya napapikit ako.
"S-Sandali... I'm not ready!" pigil ko sa kanyang binabalak.
"Pfft..." Umalingawngaw ang halakhak niya kaya napadilat ako. Pinitik nito ang noo ko saka huminto sa pagtawa.
"Crazy," he muttered and I glared at him. "Iaangat ko lang ang uniporme mo dahil nakababa pala. Saka... pakisarado ang iilang butones. Nakikita na ang kaluluwa mo. Go clean yourself. Tapos pupunta tayo ng clinic at gagamutin natin ‛yang mga kalmot na natamo mo sa pakikipagrambulan." He hitched a breath.
"A-Alam mo?" gulat na tanong ko nang may napagtanto. Tila pinamulahan ako ng pisngi. So, he really cares for me?
"Bakit hindi ko malalaman? Pinapabantayan ka sa ‛kin ni tito. Nagulat nga ako na pinatawag ka sa principal's office eh. Like, bakit do'n at hindi sa guidance? Mabigat ba ang naging kasalanan mo?"
Nahihiya akong yumuko. I thought sinusubaybayan niya ako tulad ng ginagawa ko sa kanya lagi. ‛Yon pala, hiniling lang ni dad. "Alam mo, hindi mo naman obligasyon na bantayan ako dahil lang sinabi ni dad. Kaya ko ang sarili ko." Hindi ako nahihiya na nasangkot ako sa gulo eh! Nahihiya ako kasi nag-expect ako na nag-aalala talaga siya sa ‛kin. ‛Yung hindi niya obligasyon?
"Kaya mo ang sarili mo? Why are you always lying when I'm around you. Akala mo ba hindi ko nahahalata na unti-unting nawawala ang pagkakaibigan natin? Dahil long umiiwas ka?"
What the hell?! Kilala niya ako? Bakit hindi niya ma-identify itong nararamdaman ko sa kanya? Bakit hindi niya makita ‛yung effort ko?! Ginagawa ko naman ang lahat para hindi na siya makahanap ng iba bukod sa ‛kin!
But then, I was wrong. Beatrix Isabella Sandoval isn't enough for him.
"Ayokong makipagtalo," saka siya iniwan doon at pumasok sa c.r. ng babae. Tahimik na kapaligiran ang bumalot sa akin.
Ini-lock ko ang pinto at hindi na napigilang maluha. Pinagmasdan ko ang mukha sa tap at ng lababong naroon. Para tuloy akong ginahasa. So shameless, Trixie. Kaya ka hindi nagugustuhan ni Allen eh.
Bakit gano'n? Kaya kong ipaglaban ang sarili pero pagdating sa kanya, wala na. Kasi... alam ko, wala akong karapatan sa buhay niya. I'm just his childhood friend and no other than that.
Mananatili na lang ba talaga akong ganoon?