Fifth Teardrop

2136 Words
PAGSAPIT ng alas singko ng hapon ay nagpahatid na rin ako kay mom pauwi. Ayoko naman makaistorbo kay Kuya Allen kahit na nag-insist siyang siya na ang susundo at magkapit-bahay lang naman kami. Ayoko na ulit makita pa ang paglalampungan nila ng babaeng ‛yon sa kotse! Baka nga nahihiya lang sila gumawa ng milagro kanina papuntang school dahil nando'n ako eh! Nasa tamang edad na rin naman sila, bahala na kung magtapos ng pag-aaral. Ang rurupok! Nang dumating si dad sa bahay ay sa akin agad ang tingin niya. Hindi ako makatingin nang maayos nang sinalubong namin siya ni mom. Halong dilim ng ekspresyon at parang disappointment ang ipinapakita niya. I'm a disappointment. I know that, dad. "Kumain muna tayo..." pagbasag ni mom sa katahimikan at hinila niya na si dad sa hapag. Kita kong pinandilatan ako ni mom nang wala akong balak sumunod sa kanila. Kaya wala na akong nagawa kundi ang kumain sabay nila. Dapat gano'n naman talaga eh, sabay-sabay kaming kakain. "Akala ko matatagalan ka?" tanong ni mom kay dad na walang imik at kumakain na. Nakapuwesto na kaming tatlo sa kanya-kanyang upuan. "Mas importante ang nangyayari sa pamilya ko kaysa sa mga meeting na ‛yon," at binalingan niya ako ng tingin. Iniwas ko ang mga mata at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi ko binuksan ang usaping nakipag-away ako kanina. Sandali nga, bakit ba ako nagi-guilty na nasangkot sa kaguluhan, eh, ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko? Hindi ako ang nauna! "Magsalita ka, Beatrix Isabella Sandoval." si dad, sa malamig at baritonong boses. Ni hindi ko manguya at malunok nang maayos ang kinakain ko. Tumingin ako sa gawi ng mga magulang, "Dad, h-hindi ko po sinasadya ‛yon. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko." Kumunot ang noo niya. "Dati, binu-bully ka, hindi ka lumalaban. Anong nagpabago sa isip mo, hmm?" Sh*t! Ang tagal na no'n eh, nahalungkat pa rin? At anong gusto niya? Na hayaan ko na lang api-apihin ako ng mga cheap na babaeng ‛yon? "Look, Dad, I'm sorry. Okay? Natuto lang akong lumaban dahil... ‛yon naman talaga ang dapat." I shrugged. "Ikinwento nga sa akin ng mommy mo. Pwede nang kasuhan ang mga menor de edad ngayon. Mapupunta nga lang sila sa DSWD, gusto mo bang magsampa ng kaso?" What?! Umiling agad ako, "N-No, dad. Maliit na away lang ‛yon. Saka... hindi naman ako napuruhan--" "Gusto mong mapuruhan ka muna bago tayo magsampa ng kaso?" pagputol niya sa akin. "Dad, hindi gano'n--" "Hon..." hinawakan ni mom ang kamay ni dad sa ibabaw ng mesa. "Huwag mo munang guluhin ang isip ni Trixie. Bata pa ‛yan. Ang gawin natin, mas pag-igihan natin ang pagbabantay at pamamatnubay sa kanya. That's our responsibility as parents." Marahas na huminga nang malalim si dad bago umiling. Tila unti-unting kumalma dahil kay mom. Pansin kong kinindatan ako ni mommy kaya lihim akong napangisi. That's my mom! "Sana lang walang kinalaman dito si Allen, hija. Kung gusto mong maglabas ng sama ng loob, study hard and show him what you got." Nanlaki ang mga mata ko. Tama nga ba si dad? Nagtipun-tipon ang galit ko hanggang sa sumabog na parang bulkan at sa iba ko ibinuntong ang galit? Ilang araw ang lumipas. Huwebes nang umaga, ay nagbihis ako ng white v-neck shirt at fitted black jeans. Pinaresan ko ‛yon ng puting snickers. Nakakulot ang dulo ng buhok ko at hinayaan ko ‛yong nakalugay lang. Naglagay din ako ng kaunting make up. Guess what? I'm having my intermission for the foundation day later. One week pala ang foundation, tila lutang ako sa pag-announce ng SG Officers ng school. Mabuti't ibinalita sa akin ni Yana at pinapasali ako sa intermission dahil hindi rin naman ako pumayag na maging representative ng section namin sa contest. "Bye, mom." Hinalikan ko si mommy sa pisngi bago lumabas ng bahay. Si dad naman ay hindi pa rin ako iniimik matapos ang kaguluhang kinasangkutan ko sa cheap girl group na pinamumunuan ng Fritz na ‛yon. Bwisit na demonyitang ‛yon! Ang hilig manggulo! Lahat na lang tinatapak-tapakan! "Ingat kayo. Siervo, ‛yung anak mo ah?" bilin ni mom kay dad saka masuyo akong nginitian. Umismid lang si dad na ikinasimangot ko. Grabe naman ‛to magtampo! Hindi ko naman sinasadya ‛yung nangyari eh! Nauna na akong maglakad sa garahe at binuksan na ang pinto sa backseat. Padabog akong umupo saka tumingin sa bintana. Bumukas ang pinto sa driver's seat, hudyat na nakasakay na si dad. The engine roared and the car started to move. Wala kaming imikan sa loob ng kotse niya. Hanggang ngayon ay day off ni Mang Ricardo na driver dapat namin. Kaya naman, si dad na ang maghahatid sa akin sa school. What a life! Pinagmamasdan ko lang ang kalsada buong biyahe. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa rearview mirror at sinusulyapan si dad na nagda-drive. Kainis naman eh! Ako na lang lagi gumagawa ng paraan para magka-usap kami. Susmaryosep talaga! Laging sarado ang isip niya kapag nakakagawa ako ng kasalanan! "We're here..." sa wakas ay nagsalita rin siya! Eh, ‛di maganda! Hindi napanis laway niya. Nasa harapan namin ang malaking arkong gawa sa marmol at nakasulat sa itaas ang "Infinity Life High School". "Bye, dad." saka ako lumabas ng sasakyan dala ang bag na laman ang gitara ko. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa main gate nang tawagin niya ako. "Trixie..." I turned around. "Pag-isipan mo muna nang maraming beses ang desisyon mo bago ka bumitaw ng salita. Bago mo gawin ang isang bagay." What does he mean? "Yes, po." sa huli ay sagot ko na lang kahit hindi ma-gets ang sinasabi niya. Para saan naman kaya ‛yon? Nagdesisyon na ba ako sa buhay ko? Hindi ko pa naman nagagawa ‛yon? Pwera na lang kung gusto ko ng materyal na bagay, gugustuhin ko talaga. Tumango siya at masuyong ngumiti saka sumara ang bintana. Nang umalis na ang sasakyan niya ay muntik na akong matumba dahil tumambad ang mukhang hindi ko inaasahan. "Kuya Allen?" nasa kabilang kalsada ito at nasisiguro kong, sa akin nakatapat ang direksyon ng mga mata niya. It has been 3 days when we last met. Hindi man lang nangamusta! Tapos ngayon, ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin. Now I know that he really doesn't care for me. It's not his obligation, though. Nang humakbang na siya ay tumalikod na ako. Bahala siya riyan! Pagka-busy-han niya ‛yung girlfriend niya! Mas importante naman ‛yon kaysa sa ‛kin eh! Nakapasok na ako sa campus at nagtataka nang pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Iilan sa kanila ay halos lumuwa ang mga mata. May mga sikat din na tinatawag na campus crush at nakatingin sa gawi ko. Anong problema nila? May kinalaman ba ‛to sa gulong nagawa ko nang nakaraan? "Oh em gee! Trixie giiiiirl!" hiyaw ni Yana sa akin pagpasok ng classroom. Napataas ako ng kilay saka hinawakan ang strap ng bag para sa electric guitar ko. Gumawi ako sa dating upuan at inilapag sa desk ang kanina ko pa bitbit. Halos ng kaklase ko ay nasa room din at nakatingin sa akin na parang naa-amaze. What kind of reactions are those? "Giiiiiirl!" muling tili ni Yana sabay lapit sa pwesto ko. I scanned her from head to toe. Parehas kami ng suot. Only that, her hair tied in a ponytail and she wore a black snicker. Halos lahat ng estudyante yata ngayon ay naka-civilian. Wala naman kasing klase at pinayagan na ganito ang damit namin. O kung kaya naman, ay P.E. uniform ng school. Syempre, some of us didn't like that. Obvious naman sa suot. "Ang ganda mo ngayoooon! You look stunning!" "Ngayon lang?" Sabi na nga ba eh. Pinaplastik ako nito. Sabi niya mas maganda ako sa babae ni Allen, tapos ngayon? Err. "Gaga! Syempre mas gumanda ka ngayon! Nagmukha kang tao dahil nag-ayos ka! Look..." Kinuha niya ang compact mirror sa kanyang bag at iniharap sa akin ‛yon. "Gandang nilalang ‛no?" Unti-unti akong napangisi. My eyebrows were curled and I've had my eye shadow. Nude ang kulay ng lipstick ko, hindi gaanong makapal pero na-define naman ang hugis ng aking bibig. Naka-blush on din ako at naka-ayos ang kilay. Bumagay ang kulot ng buhok ko sa mukha ko. Wow! Lumi-level up, huh? "Sino'ng nag-ayos sa ‛yo?" she asked at ibinalik na ang salamin. Naka-make up din ito ngunit mas makapal nang kaunti sa akin. "Ako lang. Eh, ikaw, ganda mo ngayon ah? Sino'ng nag-ayos?" ngisi ko. Akala naman niya hindi ko mapapansin ‛yon. Tinanong niya ako kung sinong nag-make up sa akin para mapansin ko rin ang kanya. Hay naku, Alyana Tañez. "Yeeees!" Napapapikit pa siya habang nakatingala at hawak ang sentido. Napapatingin tuloy sa amin ang iba dahil sa kanyang kaingayan. Dumilat muli siya at tumingin sa akin. "Napansin mo rin! Well, ako lang din ang nag-make up sa sarili ko. Galing ‛no?" I shrugged and nodded. Kailangan kong sakyan ang kabaliwan niya. Baka mag-suicide eh. Joke. "Oh, bakit ganyan ang ayos mo? Halatang pinaghandaan ah? May sasalihan ka bang event sa foundation week?" tanong ko, hinuhuli siya. Tila naging mailap ang mga mata nito kaya lihim akong napangisi. Parang alam ko na ang sagot. Hmm... "H-Hindi ako interesado sa foundation week..." Talaga lang huh? Kung gano'n, kanino? Ay este, saan ka interesado at pormang-porma ka? "N-Nagpapaganda lang ako... masama ba ‛yon?!" Humalakhak ako. ""Eh kanino ka nagpapaganda?" inis ko sa kanya. Hinampas ako nito sa braso na lalo kong ikinatawa. "Charotera ka! Alam mo na ‛yon!" Namumula at pinagpapawisan siya kaya tumigil na ako. Sayang. Baka masira ang make up niya eh. "B-Beatrix..." pamilyar na tono ng lalaki ang tumawag sa akin sa bandang gilid ko. Oh, ang seatmate kong nerd. Dencel Herrera. His parents are some of the most popular architects in the Philippines. Nag-iisa itong anak. He has deep brown eyes, kulot ang tsokolateng buhok, matangos ang ilong at naka-ayos ang pagkakahubog ng katawan at mukha. In short, he's a hottie handsome nerd. May ganoon bang description? Inabot niya sa akin ang bouquet ng bulaklak. Kumunot ang noo ko. "Para saan ‛yan?" Natameme yata ito at nanigas sa kinatatayuan. I smiled at him to show comfort. "Ahm, I mean, bakit ka may bouquet?" I asked the obvious. Pero ayokong mag-assume. "F-For you," saka siya nahihiyang yumuko. Nakatingin na sa aming lahat ang tao sa buong room. May iilang nakiki-usyoso kaya naman para hindi siya mapahiya, ay tinanggap ko ‛yon. "Thanks." saka inamoy ‛yon. Nanuot ang mabangong amoy nito sa aking ilong kaya napangiti ako. Ramdam ko naman ang pagsiko sa akin ni Yana at nanunukso ang mga matang nakatingin. "Ikaw ah," bulong nito. "S-Sana magustuhan mo." Tumayo si Dencel at mabilis na umalis ng room. Naiwan kaming lahat do'n na nakatanga. What's that? Nahihiya siya? Okay, I understand. Nang malapit ng magsimula ang contest ay bumaba na kami. Mga kandidato at kandidata ang lalaban mula sa iba't-ibang section at grade levels. Bago iyon magsimula ay nasa backstage na ako kasama si Yana. Kaya naman ng tinawag ang pangalan ko para sa intermission ay umakyat na ako at kumaway sa mga audience. Mga estudyante at faculty members ang naroroon. "Let's give Miss Beatrix Isabella Sandoval from Grade Ten- St. Ignatius a round of applause! " the emcee started. I've heard claps and cheers from my classmates. Naka-upo ako sa isang mono block chair habang nakapatong ang gitara ko sa nakakrus kong mga hita. Nakatapat ang microphone sa mukha ko, habang naka-connect ang gitara ko sa audio. And as I started to strum my guitar, a man near me caught my attention. A man that I've loved and still loving for the past years. Wait. Did I already mention it? That I love him? Drew looks at me Buong performance ko ay sa kanya lang ako nakatingin. It's like, the nervousness I've felt earlier vanished when I looked into his eyes. Matiim siyang nakatitig sa akin. Parang pagdating sa kanya, humihihinahon ang puso ko at the same time, kumakabog nang mabilis. My heart only beats for him. Only shouts his name. Only his name. And this song is dedicated to him. For Allen Madrigal. I fake a smile so he won't see~ Hanggang sa huling liriko ng kanta ay inilalaan ko pa rin para sa kanya. I hope this is the last song that would be dedicated to him. I hope, I can love someone who's better than him. Nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng pag-iwas ko sa kanya ng tingin. Tumayo ako at yumuko. Saka dali-daling bumaba sa backstage at umiyak. Pumatak ang mga luha ko sa gitarang hawak. I have to move on. I need to move on, Allen. Please, give me the key to unlock my heart and get your name away from it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD