Sixth Teardrop

1475 Words
“MOM, what did I do to suffer like this?” I cried on her shoulder.  We're inside my room and she's comforting me for the past hours until now. But despite being hurt, I'm still thankful that there's someone who'll always be there; joining me and ready to hear my thoughts.  “You’re too young for this, anak. You don't deserve the pain but you chose to hurt yourself. May mga bagay na hindi mo mapipigilang magustuhan, pero may pakiramdam na hindi mo naman sinasadya. You're just loving and it's okay as long as you're learning.” she said and kissed my forehead. Umayos kami nang upo sa paanan ng kama ko.  I hugged her and when I felt tired of crying, I just stared at my room's creamy wall— processing everything I've done... to myself and Allen's life.  Hinaplos ni mom ang balikat ko. Dad may spoil me, but I always ended up running to my mom to feel some comfort and hear advice.  “Did you already plan your future?” said mom. That made me stun.  Sa totoo lang, may mga plano naman ako pero ‛yung totoong pangarap ko sa buhay? I don't know. Pinag-iisipan ko pa kung anong gusto ko maging balang-araw.  “Pinag-iisipan ko pa po...” mahinang sagot ko.  Lumayo nang kaunti si mom at tinitigan ako nang nakakunot-noo, “Anong pinag-iisipan mo? ‛Yang future mo o si  Allen?”  Napasimangot ako ro’n kasi... totoo. Halos buong buhay ko yata ay umikot sa lalaking ‛yon, which is wrong. Bakit ko nga ba hinayaang pasukin niya ang isip ko... ang puso ko? Bakit hinayaan ko ang sariling mabaliw at magpakatanga sa kanya? Gano’n kalaki talaga ang epekto niya sa ‛kin.  Pangalan niya pa lang, nabubura na lahat ng natutunan ko sa buhay. At mali ito dahil nadi-distract niya ‛ko.  “Think, Trixie. I didn't raise you to be this weak. Be wise and be independent but know your limits," she said like commanding me in an authoritative voice. “Chin up and create a name that your father and I will make us proud someday. Trust yourself.”  Glittering dreams and goals are slowly setting up inside my mind. Mom's right.  “I’m your mom and I know what's best for my child. Kung pwede mong iwasan ang Kuya Allen mo so you can't be distracted, do it.” She tapped my shoulder and stood up, readying to leave me alone. “Don’t let anyone down you. Remember, you're bringing Guivano’s and Sandoval's blood. We're not losers.” I chuckled and nodded. Minsan din talaga, mayabang ‛tong si mom.  “Yeah, good night, mommy...” I reached for her and kissed her on the cheeks.  “Good night," and she left my room.  The doorknob locked and I heard footsteps walking away. Tumungo ako sa C.R. upang maglinis ng katawan. I'm still wearing my old outfit when I performed earlier for Foundation Week. When I suddenly saw my ruined makeup in the mirror in front, I cringed. This is how Allen affected me. He's like a tornado in my life, bringing me on air then ruined me... fast and cruel.  Nag-shower lang ako saka dumiretso sa walk in closet. Pinili ko ang kulay itim na pajama saka nag-sando lang. Sinuklay ko muna ang buhok saka nahiga sa queen-sized bed.  At dahil siguro sa dami ng nangyari at mabigat na naramdaman ko ngayong araw, ay hinila ako ng antok.  “Ano ba ‛yan, Trix! Last day na oh! Hindi mo na mae-enjoy ‛yung Foundation Week!” singhal ni Yana sa kabilang linya.  Nasa school na ito ngayon at napatawag nang wala siyang nadatnang Beatrix Isabella sa campus. Nagjo-jogging lang ako ngayon, naglilibit-libot sa parke ng subdivision namin.  Medyo kumakalma ang utak ko sa mga nangyari nang nakaraan dahil nakalanghap ako ng sariwang hangin. Malapad ang lugar na ito kaya dito ko piniling mag-jogging. May mga puno at playground para sa mga bata.  Nakahinto lang ako ngayon at naka-earphone nang may tumawag sa akin. Syempre, ang hindi mapakaling si Yana.  “Ano naman ngayong kung last day na? Wala naman tayong gagawin. Bakit? May sinalihan ka bang event?” tanong ko naman dito.  “Wala...” Humina ang boses nito saka narinig ko ang pagsinghap.  Bakit pa ba ‛ko nagtatanong? Alam ko na rin naman ang sagot kung bakit sinisipag siyang pumasok kahit wala na ring klase.  Well, it has something to do with someone whose name starts with H and ends with Y.  “Oh, siya, ibababa ko na ‛to. If you want, kita na lang tayo bukas. I need some air," sabay galaw-galaw ko sa aking katawan. Alas siete na ng umaga kaya pwede na akong magpahinga. I already gave my body three hours of exercise.  “Fine. Uuwi na lang siguro ako. By the way, nandito si Kuya Allen kaninang umaga. Hinahanap ka.”  I paused and heaved a sigh. “Ano raw ang sabi? Bakit ako hinahanap?”  Baka naman utos ni dad ‛yon sa kanya? Wait, no. Alam naman ni dad na hindi ako papasok, so bakit niya ‛ko hinahanap? Ah, hindi pa siguro nasasabi ni dad sa kanya na hindi ako pumasok kaya he was there to check me if I was fine.  Hindi naman niya obligasyon ‛yon! Nakakainis siya!  “Wala, ch-in-eck niya lang kung pumasok ka. Sabi ko wala pa. Tapos ayon, medyo nagkagulo kasi nabangga siya ng manliligaw mo sa balikat.” Manliligaw?  “Who’s that?” kuryoso kong tanong.  “Sino pa ba, eh, ‛di si Dencel Herrera! ‛Yung nagbigay sa ‛yo ng bouquet! Naku, makakalimutin ka na! So ‛yon nga, nasa pintuan no’n si Kuya Allen, hinahanap ka. Tapos itong nerd na manliligaw mo, lumabas tapos binangga si Kuya  Allen.”  “Baka naman hindi sinasadya?”  “Duh! Anong hindi? Eh, muntik ng mabuwal ‛yung labidabs mo! Charotera ka, ‛te! Oh siya, sige na. Nakasagap ka na ng balita, ako na magbababa ng phone. Huwag ka ng pumasok at uuwi na ‛ko. Ciao!” sunud-sunod nitong pagkasabi then I heard a dead line.  Tulala akong binaba ang phone saka kumunot ang noo. Bakit kaya nagawa ‛yon ni Dencel? May alam ba siya about kay Kuya Allen?  Iwinaksi ko ang pag-iisip na ‛yon saka umikot pa sa buong park nang isang beses bago umuwi na sa bahay.  Silence welcomed me when I entered our mansion. Wala si mom dahil nag-grocery at nasa work si dad. I immediately went up the stairs and cleaned my body.  Nang matapos ako at makabihis na ay sakto namang tumunog ang phone ko sa bedside table. Napataas ang kilay ko nang makitang unregistered number ang nakapaskil kaya hindi ko ‛yon sinagot. I remembered a movie na kapag sinagot mo raw ang tawag, something bad might happen to you. Medyo na-trauma ako sa panonood ng movie na ‛yon. Kaya simula noon, hindi ako basta-basta nagbibigay ng number sa kahit sino o tumatanggap ng tawag sa hindi kilalang numero.  Ipinagpatuloy ko lang ang pagbo-blower nang buhok at huminahon nang tumigil na ang tawag. Ngunit laking gulat ko nang tumawag muli ito nang ilang beses at nag-send ng text message sa ‛kin.  Trembling, I opened and read the message only to find out that it's from someone I know!  *63921******* sent a message:  Hi, Beatrix. Sorry, did I scare you? You're not answering my call so I just doubted that you must have felt scared. It's me, Dencel, your classmate.  After reading his message, another one popped out. Binuksan ko ulit ‛yon.  *63921******* sent a message:  I just wanna ask you kung bakit hindi ka pumasok ngayon? And, oh. I got your number from someone. Sorry for disturbing you.  Napataas ang kilay ko nang mabasa ‛yon. Wirdong nerd. Unti-unti ay naalala ko ang ginawa niya kay Kuya Allen. So I texted him without answering his questions.  To *63921******* :  Hi, I have something to ask. Totoo bang binangga mo si Kuya Allen kanina? Why did you do that?  Sending...  Sent.  Medyo tumagal nang ilang minuto bago siya muling makapag-reply. And this time, I was shocked.  *63921******* sent a message:  Medyo malabo lang ang mata ko. Hindi ko kasi suot ang salamin kanina. I already said sorry to him. Why? Do you care about him?  Para akong sinampal ng katotohanang hindi talaga mawawala ang pag-aalala ko sa lalaking ‛yon. It's just words that Dencel sent to me but it was like a bucket of ice showered me.  Sa huli ay hindi na ako nag-reply. Mas pinili ko na lang manahimik kaysa naman madaming makaalam na baliw talaga ako sa Allen Madrigal na ‛yon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD