SUOT KO ang floral pink dress at flip flops habang rumarampa sa gitna ng mall kasama si Yana. Naka-off shoulder na blue naman ito at black jeans na pinaresan ng blue snickers.
Medyo matangkad ito sa ‛kin kaya nagmukha kaming magkapatid at siya ang ate ko. Madalas pa kaming napagkakamalang kambal ng iilan dahil lagi kaming magkasama o magkadikit na halos magkapalit na ang mukha.
Tulad ng sinabi ko sa kanya kahapon, bisitahin niya na lang ako sa bahay at samahan akong mag-shopping. We're heading to a known boutique and staff welcomed us with warm and genuine smiles.
“Good afternoon, ma'am. Welcome to Luciana’s," a girl approached me and motioned her hand to just enter their place freely.
“Ay ako te, hindi mo babatiin?” saad ni Yana na ikinagulat ng petite at naka-unipormeng babae na kapareha ng tema sa boutique.
Hinampas ko ang kasama saka hinila upang lumayo na ro’n. Napaka-warfreak talaga!
“Umayos ka nga, Yana. Ano naman ngayon kung hindi ka napansin ng staff do’n? Ang O.A. mo!” agad na bulong ko nang medyo nakalayo na sa kabilang parte ng lugar.
Maarte nitong tinanggal ang pagkakahawak sa braso niya. Mas lalong nilamig ang katawan ko nang matanggal ang init na nanggaling sa katabi. Pinagkrus niya ang magkabilang braso.
“Joke lang ‛yon! O.A. ka rin eh! Kaladkarin ba naman ako? Kalma lang ‛te!”
Naka-ponytail na naman ito kaya humampas ang mahaba at nakatali niyang buhok sa mukha ko nang marahas na tumalikod. Ngumiwi ako hindi dahil sa amoy, kundi dahil medyo masakit ang pagkakahampas no’n.
“You should cut your hair, Yana," I muttered and looked for some fine clothes.
Isa-isa kong sinuri ang ilang naka-hanger na crop tops tapos ay sinunod ang jeans pagtapos makapili. I felt a presence behind me so I looked back only to see Dencel Herrera with his polo shirt and black jeans. Wala itong suot na salamin kaya lalong nakita ang magaganda niyang mga mata.
What is he doing here?
“H-Hi! You're here," he greeted me with his flashing and perfect teeth then looked away. “You’re buying some clothes?”
My left eyebrow raised. I scanned his reactions and moves as I was crossing my arms, looking at him intently.
“What a coincidence," sarkasmong pagkasabi ko. “Bibili ka rin dito?”
Tila hindi niya malaman kung anong gagawin at kung saan titingin. Ngunit sa huli ay napakamot siya sa batok at ngumiwi. “Y-Yeah...”
“Oh? Para sa ‛yo?” I smirked.
Ang magaganda nitong mga mata ay gumawi sa akin kaya unti-unting nawala ang ngisi ko. I remembered someone who also has a beautiful chocolate eyes, thick eyebrows and long eyelashes. Those eyes never failed to get my heart thump so loud. My man's eyes...
No, he's not my man. He's someone's man.
Ipinilig ko ang ulo saka tumikhim at hinintay ang magiging sagot ni Dencel nang biglang sumulpot si Yana sa kung saan. She's now holding hangers with different fine clothes for her. What I mean with Yana’s fine clothes are spaghetti straps, denim shorts and swimsuit lookalikes.
Itong batang ‛to, gusto agad ipangalandakan ang katawan! Kung sa bagay, she already had a gifted body so... I won't mind what she wants.
“Trixie, girl-- oh, hello, Mr. Herrera!” she cheerfully exclaimed that some customers looked at us here. “Oops, what are you doing here? Shopping too?” she whispered then looked at me with a glint of eyes.
“Yes, and choosing my own clothes," Dencel answered, which made me and Yana laugh.
“Hahahaha!” tinuro-turo ko pa si Dencel habang inaakbayan si Yana. “She’s shopping his clothes here.”
“I’m wondering what it looks like. Him, wearing a dress? Hahaha-- oops!” pigil naman ulit nito sa pagtawa dahil nagsimula na namang tumingin sa amin ang ibang customers at staffs.
Nalilito namang tinitigan kami ni Dencel. Umiling siya, “Really, what's funny?” Natatawa ko muli siyang tinuro tapos ay tinampal ang braso ni Yana. Gotcha!
“Luciana’s boutique is for girl's stuff and you're here. Unless...” I eyed Yana.
“You know, Dencel...” she looked at me then to the guy in front. “We understand you, pero sayang, ang pogi mo pa naman! Kung gusto mo, kami na ang pipili ng mas babagay sa ‛yo. Hindi namin ipagsasabi kahit kanino na--”
“No... No, no." He raised his hands up. “Ain’t a gay, okay? I'm sorry if you both have to think about that.” Hindi na ako umimik at napagtanto na nang kainin niya ang bitag ko. He's following me.
Pagtapos naming mamili ni Yana sa boutique na ‛yon ay nag-try at tumingin-tingin pa kami sa iba pa. We bought a lot of clothes and our wants like make ups.
“Gutom na ‛ko!” bulong ko nang nabibigatan na sa hawak na mga paper bags at laman ang pinamili.
“Ako rin, girl!”
“Ako na ang bahala, treat ko,” sabat ni Dencel kaya nagkatinginan muli kami ni Yana. Nandito pa ito sa tabi namin mula kanina, hindi umaalis. And I found it rude dahil hindi namin siya pinapansin kanina pa.
“Ikaw ah! Nagpapalakas ka kay--” sagot ni Yana na nakatingin sa binata sabay nguso sa direksyon ko.
Inirapan ko sila habang ngumingisi lang si Dencel. Kung hindi siya bakla, stalker nga! Tss.
Tiningnan ko ang suot na silver wrist watch saka napagtantong alas tres na pala. Ang dami naming pinamili kaya nakakapagod talagang mag-shopping! Lalo’t higit pa na may kasama kang dalawang sakit sa ulo: isang maingay at isang wirdo.
Sa huli ay napagkasunduan naming kumain na lang sa isang fast food chain dito sa mall. Kinain ng matinding lamig ang buong katawan ko dahil kanina pa kami nananatili rito sa mall, sinabayan pa ng mas kulob at mas malamig na lugar na pagkakainan namin.
Naghanap kami ng isang bakanteng table bago napadako ang tingin ko sa pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod. Dala ng kaba, ay hindi ko aakalaing pagpapawisan pa pala ‛ko.
“Ayos ka lang, Beatrix?” masuyong bulong ng katabi kong si Dencel kaya napairap ako.
“Bakit ba ang lapit ng mukha mo sa ‛kin?” Biglang bumuhos ang iritasyon sa ‛kin kaya wala ako sa mood na umupo sa isang bakanteng upuan. Sumunod din silang dalawa sa ‛kin.
“Ah, waiter!” tawag ni Yana nang maarte na itong naka-upo sa tapat ko.
Lumapit sa amin ang naka-unipormeng lalaki na kaparehas ng design ng fast food chain na kakainan namin. “Yes, ma'am?”
“Isa ngang lasagna and... iced tea," she muttered while looking at and holding the menu. “Kayo?”
Ipinatong ko ang exposed kong mga braso sa ibabaw ng table. Inilipat ko muna ang pages ng menu na nasa tapat ko saka pumili na rin ng o-order-in. Pati si Dencel na nasa tabi ko pala ay pumili na rin. Was I just too occupied to notice him?
Nang umalis na ang waiter ay naghintay pa kami nang ilang minuto. Kinuha ko ang phone sa dalang shoulder bag para may pagka-busy-han naman. And as I opened it, a lot of messages and missed calls from the same person welcomed my sight.
Allen Labs ( ˘ ³˘) sent a message:
Good morning!
Allen Labs ( ˘ ³˘) sent a message:
Where are you?
Allen Labs ( ˘ ³˘) sent a message:
Tito told me you're out. Where are you so I can fetch you?
20 missed calls from Allen Labs ( ˘ ³˘) What the-- ano na naman ba ‛to, Allen?! Pagpahingahin mo naman ako! Concern ka na naman sa walang kabuluhang bagay na nangyayari sa ‛kin! Kaya nga gusto kong mamasyal para makalanghap naman ng hangin na malayo sa ‛yo! Gawd!
“Who’s that?” tanong ng lalaking katabi ko sabay silip sa phone ko.
Itong bwisit na ‛to. Pasalamat siya, gwapo siya dahil kung hindi, baka isipin kong m******s ‛to!
“Pakialam mo kung sinong tumawag? Ikaw kanina ka pa ah. Hindi ka nagpunta rito para mag-shopping ‛no?” balik-tanong ko sa kanya.
Umayos ito nang upo saka tumikhim. Magsasalita pa sana siya nang makaramdam ako ng sipa sa ilalim ng mesa. At base sa paang ‛yon, galing ito sa katapat kong si Yana.
Tinaasan ko ito ng kilay nang makitang ngumunguso siya sa likod. Itinabi ko ang phone sa shoulder bag saka lumapit sa kanya nang kaunti.
“What?” I mouthed.
Nagpatuloy lang ito sa pagnguso sa likod ko nang biglang makaramdam ng haplos sa aking buhok. Natigilan ako. If I'm not mistaken, only one person can do that to me. Only one person can give me that electrifying feeling while caressing my hair.
“You’re here.” His baritone voice gave me another wave of shivers as he stopped touching me.
Tumuwid ako ng upo saka hinawakan ang dibdib before clearing my throat. Sinundan ko siya ng tingin saka ngumiti nang plastik. Naging sobrang plastik lang nang tumayo na rin sa tabi niya ang girlfriend na si Tiara.
He's wearing a pink polo shirt and a khaki shorts, while his girlfriend proudly showed us her cleavage and curved body because of a fitted red dress. Her hair tied in a messy bun that made her look so hot.
Duh, mas maganda pa rin ako riyan! Bata nga ang katawan ko, but I can be matured once I'll step in college. Ganyan pala ang type mo, Kuya Allen? Dapat hinintay mo na lang akong lumaki kaysa naman pumili ka pa ng hindi papantay sa ‛kin!
“Oh, hello!” Sa iritasyon ko kanina kay Dencel ay hindi ko namalayang pumwesto pala ako malapit sa table nila. “You’re here, what a coincidence!” I chuckled coldly.
Hinawi ko ang buhok ko nang dumating ang orders namin sabay inom sa iced tea. Yana greeted them while Dencel just stared at Kuya Allen which I found weird.
“What are you doing here, Beatrix?” tanong nito sabay tingin sa katabi kong lalaki.
Dumako ang kamay ni Dencel sa backrest ng upuan ko saka tumayo. Naglahad siya ng kamay kay Kuya Allen, “I’m Dencel Herrera. Nice meeting you... again." He smirked.
Allen's lip turned into a thin line and shook his hand after a couple of minutes. Akala ko ay hindi na niya ‛yon tatanggapin. Naging malamig ang tingin niya bago ko napansin ang pagdako ng isa nitong kamay sa bewang ni Tiara.
Parang libu-libong karayom ang tumusok sa dibdib ko at sumakit pa ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang lamig ng iced tea o dahil sa hindi ko ma-explain na sakit.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni mommy sa ‛kin. I'm too young for this.
Kaya naman ay pinilit kong ngumiti upang maibsan ang sakit at makahinga nang maayos. Nang humaplos na ang makinis na balat ni Tiara kay Kuya Allen ay iniwas ko na ang tingin. Saktong umupo naman si Dencel.
“Alam ba ng daddy mo na may kasama kang lalaki?” parang protective na kuya ang pagkakasabi ni Allen.
Tinaasan ko siya ng kilay. “He’s my friend, and we're dating. Anong masama ro’n?”
Namula ang tenga nito nang mata sa mata ko siyang tiningnan. Tumikhim lang si Yana saka niyayang umupo si Kuya Allen at ang girlfriend niya.
“Hindi na. Uuwi na kami at isasama ko na ‛tong si Trixie," sagot niya.
Nagpantig ang tenga ko sa narinig. No f*cking way! Ayoko ng makita pa ang paglalampungan nila ng girlfriend niya! Not again! Sinampal na ako ng katotohanan, bakit kailangan ulit-ulitin pa?!
“Sasabay ako sa kanila, Kuya. Mauna na kayo," sagot kong hindi tumitingin sa kanya. Dahil once na makita ko ang pagsusumamo niya, lahat gagawin ko, susundin ko. Kahit may iba siyang mas bibigyan ng atensyon.
“Pinabilin ka sa ‛kin ng daddy mo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo--”
“Stop it!” I hissed saka tumayo. Hanggang balikat lang ako ng lalaking ‛to kaya nakayuko pa rin siya nang bahagya. His tempting eyes mirrored mine. “Stop being like a brother to me. Hindi mo obligasyon na sundan o mag-alala sa ‛kin--”
“I’m not stalking you--”
“Then so be it! My father's command isn't your obligation. I am not your obligation. May Iba ka pang dapat na bigyan ng pansin at hindi ako ‛yon.” Tumingin ako sa gawi ni Tiara. Amusement was evident in her glittering eyes. I heaved a sigh so I can pull back my forming tears then looked back at him. “Remember? We're just friends.”
Looks like a construction worker put him a cement so he can't move on where he's standing right now. Hindi ko na sila pinansin nang hilahin na siya ni Tiara palabas ng lugar at sinabing hayaan na lang ako.
Yeah, she's true. Hayaan mo na ‛ko Allen.