Eighth Teardrop

1444 Words
INIHATID ako ng driver namin na si Mang Ricardo gamit ang isang SUV. Dencel insisted to drive us home pero tumanggi ako. Yana was also fine with it, pero kalauna'y umayaw din dahil hindi ako kasama. Sa halip, ay sa akin siya sumabay dahil tumakas lang pala ang gaga!  Kinailangan ko pa tuloy maghanda ng paliwanag kay Tita Louise. At kapag sinabi kong paliwanag, speech.  "Thank you talaga, Trixie giiiiirl! Hindi ko alam gagawin ko kung wala ka," nag-e-emote niyang pagkasabi habang parang linta na kumakapit sa braso ko.  Nasa backseat kaming dalawa habang tatawa-tawang nagda-drive si Mang Ricardo na nakikita ko naman sa rearview mirror. Nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay umiling na lang ito saka tumigil na.  "Ewan ko sa ‛yo! Pasaway ka talaga kahit kailan eh! Kung nagpaalam ka sana nang maayos eh, ‛di sana hindi na ‛ko magkakabisa ng five hundred words. Jusmiyo ka, Yana!"  Napapahilot na lang ako sa sentido habang nagda-drama ang katabi ko. Nakasandal ito sa balikat ko at parang tuko pa ring nakakapit kahit na nakababa na kami.  Parehas kami ng subdivision na tinitirahan ni Yana pero malayo pa kami sa kanila. Isang modernong mansion ang nasa harapan namin nang mag-doorbell ako sa gate. Ang babaeng tuko naman sa gilid ko ay takot pumindot kahit na bahay naman nila ‛to!  "Lumayo-layo ka sa ‛kin. Baka kapag nahampas ka ni Tita, masama pa ‛ko!" inis na baling ko sa kanya at nakita itong sumimangot.  "You're so arte!" pagtataray niya.  I made face, "Yoshow arteee!"  Nagbangayan pa kami nang ilang minuto bago narinig ang pag-unlock ng itim at mataas na gate. Tita Louise with worried eyes welcomed us but somehow vanished when we saw us. Naka-floral white dress lang ito at medyo maputla dahil siguro walang bahid ng make up. Ang kulot at blonde nitong buhok ay hinayaan lang na nakababa. She really looks like the adult Yana!  "Good afternoon, Tita--"  "It's already evening. Bakit ngayon lang kayo, ha? Yana?" putol niya sa sasabihin ko at gumawi ang tingin sa anak na nasa likod ko na. Ipinagkrus nito ang magkabilang braso.  Nanginginig itong umalis sa pwesto at bumaling sa kanyang ina. She's pouting and unknowingly touching her fingers.  "Mom..."  "Pumasok muna kayo sa loob," Tita Louise commanded us at aangal na sana ako nang mabilis na itong mawala sa harap namin saka pumasok sa loob.  Great! Kailangan kong i-text si mom about dito.  Nasa tapat pa lang ako ng gate nang tumambad na sa akin ang mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa labas ng bahay. It made the whole place look more elegant and a calming masterpiece in everyone's eyes.  High brick walls and colorful flowers around the mansion are just the front views. Pagkatapak ko sa double doors ng mansion ay mas lalo akong namangha nang makita ang iilang paintings na nakasabit sa dingding hanggang sa paakyat sa ikalawang palapag. Para akong nasa isang gallery exhibit.  May kakaibang disenyo ang kanilang mga chandeliers kaya parang unti-unting bumaba ang nararamdaman kong kaba. Just like what I've said earlier, the whole place looks like a calming masterpiece.  Nadatnan naming nasa sala si Tita Louise and she motioned her hand to sit us down on one of the sofas. Magkatabi kami ni Yana habang nasa harapan namin ang kanyang ina na lamesita lang ang pagitan. Wala si Tito Arman, Yana's dad dahil balita ko'y nasa ibang bansa ito at may inaasikasong branch ng kompanya.  "Manang!"  Matapos ang ilang sandali ay may maid na lumapit sa gilid ni Tita, base sa itsura nito at unipormeng suot, ay mukhang ito ang mayordoma ng mansion.  "Ihanda mo kami ng maiinom--"  "A-Ah, sorry for interrupting, Tita. Pero hindi na ho ako magtatagal," agad kong putol and I found it so rude. Hindi naman sigurong tumanggi minsan ‛no?  Tumaas ang kilay nito. "You're my visitor, so I should treat you one. Unless..." Tumingin ito kay Yana. "Speak, Alyana  Sombrano Tañez."  Parehas kaming nagulantang sa pagkakaupo ni Yana. Habang lihim na napapadasal, ay kinakabisa ko na rin ang 500 words speech na sasabihin ko kay tita.  "Sorry, mom. It's just that... wala ka kasi kanina sa bahay kaya--"  "And you didn't even text or call me? Where's your phone?"  Para kaming nasa hot seat. Hot talaga dahil pinagpapawisan na ‛ko kahit may aircon naman sa loob. Dumagdag pa sa init ang tuko na namang si Yana sa aking tabi. Kaimbyerna! Kung hindi ko lang ‛to kaibigan eh!  "E-Eh kasi... nakalimutan ko ho. Nag-shopping lang naman kami, mommy. Don't worry, wala hong nangyaring--"  "That's my point! Mabuti't sinabi sa ‛kin ng mommy ni Beatrix na kasama ka niya. Paano kung hindi ko nalaman agad kung nasaan ka pala? Do you know how panic I was? Baka sabihin ng ama mo sa ‛kin na hindi kita inaalagaang mabuti at nagpapabaya ako sa ‛yo!" Tita Louise heaved a sigh, trying to calm herself. "Sorry if you heard that, Beatrix."  "No, I'm sorry, Tita. I caused you a problem. Isinama ko ho si Yana nang hindi niyo nalalaman and it's my fault kung bakit hindi na siya nakapagpaalam pa sa ‛yo--"  "Stop right there," itinaas nito ang isang kamay. "You can go home now. Baka nag-aalala na sa ‛yo ang magulang mo. It's already six twenty, and by the way, thanks for bringing Alyana here safely."  Hindi na ako umangal at humingi muli ng tawad bago nagpaalam. Sa huling tapak ko sa kanilang bahay ay inihatid nila ako habang paranv tuko pa rin si Yana kung makakapit na tila ayaw na akong pauwiin.  Remind me that I'm gonna change her nickname on messenger after going home!  Mabilis ang naging takbo ng panahon. Busy ang lahat ng grade ten students sa maagang final examination dahil aasikasuhin pa namin ang tungkol sa papalapit na moving up.  Nagre-review ako sa library at syempre, I'm not Beatrix without Yana by my side. Saka ko lang napagtanto na kasama na pala namin si Dencel sa table pagbalik ko nang kumuha ng libro sa shelf. Tambak ang table namin ng reviewers at libro. Medyo nakaka-stress pero dahil sa katapat namin ang bintana ay kumakalma ako.  Mula sa salamin ng bintana ay tanaw ang buong syudad sa umaga. Nasa fifth floor ang ikalawang library ng school kaya minsa'y masarap tumambay dito lalo na kung nag-e-emote ka. Sunrise started to bright and gave the whole city life. A new life.  Ilang buwan na rin nang huli kaming magkita ni Kuya Allen. I wonder if he's doing fine?  "Psst, tulaley ka riyan! Ilang oras na lang ang natitira sa vacant natin. Pupunta na tayo sa next class. Be prepared," paalala ni Yana na himalang biglang sumeryoso sa buhay.  Ewan ko lang kung magbalik pa siya sa katinuan once na magkita sila ni Sir Harry ah? Hmm...  "Anong subject na ang na-review mo?" bulong ni Dencel na katabi ko.  Isa pa ‛tong tuko eh! Tuko number 2! What's happening in the world? I mean, forest?! Yes, forest. Doon maraming klase ng hayop eh. Ewan ko lang sa tuko? Baka sa kisame o pader nakatira?  "Nagsisimula pa lang ako. Shut up your mouth if you want to help me." Hindi ako tumingin sa kanya at pinagka-busy-han ang unang reviewer.  "Sabay na tayo mag-lunch?" tanong muli niya na ikinayugyog naman ni Yana sa balikat ko.  Isa pa ‛to! Hindi pa nga nangangalahati sa binabasang reviewer pero gusto ng umalis. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa at pag-analyze sa binabasang reviewer.  Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako nang maramdamang mag-vibrate ang phone ko sa suot na unipormeng palda. Inis na binigyan ko ng pansin ‛yon bago napataas ng kilay. And after how many months, ngayon lang siya nagparamdam?!  Anong hayop naman kaya ‛to na biglang sumusulpot?  Isang text message ang bumungad sa akin.  Allen Labs ( ˘ ³˘) sent a message:  Good morning! Lunch later?  Aba't makapal din ang mukha nito ah?  "Dencel," tawag ko sa katabi.  Mukhang hindi naman yata ito nagre-review kaya agad na bumaling sa ‛kin. Suot niya muli ang makapal na grado ng salamin sa mata kaya naharangan ang tsokolate niyang mga mata. Tss, campus crush ha?  "Sabay na tayo mag-lunch," nakangiting ani ko saka ko naramdaman ang paghampas ni Yana sa aking braso. Tumataas-baba ang kilay.  Parang hindi makapaniwalang nakatingin naman sa ‛kin si Dencel kaya parehas naming hinahagod ni Yana ang likod nito na natatawa. After a few minutes of chuckling silently ay nag-type ako ng text para kay Kuya Allen.  To Allen Labs ( ˘ ³˘):  Sorry. I'm busy.  Sending...  Sent.  I smirked then continued reading my reviewers.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD