Chapter 59 : Ang pagkikita ng mag-ama Umiiyak si Avilar dahil alam niyang anumang oras ay may mangyayari ng masama sa kaniya. Kitang-kita niya kung paano magalit sa kaniya ang ina niya. Duguan siya at halos manlata dahil sa ginawa nito sa kaniya. Napakaupo na lang ito at nakayuko habang hinahimas ang katawan niya na sumakit dahil sa pagtama kanina sa mga pader ng silid niya. Nakarinig na naman siya ng mga yapak sa labas ng kuwarto niya kaya pinilit niyang tumayo para pumunta sa pintuan niya. Gamit ang kapangyarihan niya ay gumawa siya ng paraan para hindi mabuksan ang pinto. Alam kasi niyang may gagawin sa kaniya ang ina niya kaya sinusubukan niyang kontrahin ito. May lumabas na kuryente sa kamay niya. Tumama iyon sa pinto para higpitan ang pagkakasara nito. “Bobo ka talaga, Avilar. Ka

