Chapter 58 : Ang pagkabuong muli ng pamilya ni Sekani “Sabihin mo nga. Sino ka at tinulungan mo kaming makatakas?” tanong ni Sikhina kay Wasuna habang inililipad na rin sila papunta sa Red Town. “Kaibigan po ako ni Sekani,” sagot niya. “Naku, maraming salamat sa iyo. Nakakatuwa ang iyong ginawa. Tiyak na matutuwa sa iyo ang anak namin,” sabi naman ni Cain na maluha-luha pa. Hindi kasi nito inaakala na makakatakas pa sila roon. “Ilang araw na kaming walang maayos na kain at tulog. Ilang araw na rin akong umiiyak,” sabi ni Sikhina kaya ramdam ni Wasuna kung gaano kasaya ang mga ito gayong naitakas na niya ito sa kamay ni Reyna Avilako. Pagdating nila sa Red Town ay nagulat pa ang mga ito dahil nauna na palang naitakas si Nitina. Nang ibaba ni Wasuna sina Sikhina at Cain ay agad itong n

