Chapter 64 : Maitim na balak ng demonyong sumapi kay Avilar Paglabas ni Avilar na may sapi ng makasalanang demonyong kataw sa portal na ginawa niya ay isang malaking bolang apoy pa ang sumama sa kaniya. Malakas itong sumabog sa tabi niya kaya halos magkadurog-durog ang katawan niya tumilapon siya sa damuhan. Akala niya ay mamamatay na siya dahil apoy lang ang hindi niya kasundo sa lahat ng kapangyarihang elemento na nasa katawan niya. Nawalan siya ng malay dahil sa dami ng dugong berde na kumalawa sa katawan niya. Makalipas ang ilang oras ay nagulat siya dahil muli siyang nagkaroon ng malay. Sugatan ito nang tumayo. Tumingin siya sa palagid. Sirang-sira na ang buong Killent Town ay tila wala na ring kataw na natira. Ang iba ay namatay na at ang iba naman ay tila nag-alisan na. “Hayop

