Chapter 63 : Ang pagsunog ni Avilar sa dating bahay nila Sekani “Apo, sa patuloy na pambabato ng mga kataw kay Avilako ay maari niya itong ikamatay,” sabi ni Reyna Adelinda habang sabay-sabay silang kumakain ng hapunan kasama ang buo nitong pamilya. “Mas maganda nga po iyon. Hindi ba’t ito na ang pinakahinihintay niyo? Natupad ko na ang pinapangarap niyo na matalo siya. Wala na siyang kawala rito,” matigas na sabi ni Sekani. “Ang sa akin lang ay hindi pa naibabalik sina Wasuna at Dominic. Baka kapag namatay ng maaga si Avilako ay patayin na rin ni Avilar sina Wasuna at Dominic.” “Tama ang lola mo, Sekani. Ipatigil na muna natin ang pambabato ng mga kataw sa kaniya,” sabi ng nanay niya. “Sige. Itigil na muna ang parusa sa kaniya,” sagot niya kaya nagtawag na agad ng kawal si Reyna Adel

