Chapter 24

1393 Words
Chapter 24 : Red Girl  “Pumasok ka na sa katawan ko bago pa siya umatake.” Kabado agad si Sekani. Galit na kasi agad ang malaking unggoy. Tila ba ayaw na agad sila nitong papasukin sa Red Town. “Tandaan mo, ako ang kokontrol sa katawan mo para hindi na maulit ang nangyari kanina,” sabi ni Wasuna at saka ito sumapi sa katawan ni Sekani. Saktong pagpasok ni Wasuna sa katawan niya ay umatake na ang unggoy. Ginawang yelo ni Wasuna ang dadaanan ng malaking unggoy. Naging patusok ang yelo sa damuhan kaya nang magtatakbo ang malaking unggoy ay napapasigaw ito sa sakit. Napangisi si Sekani. “Magaling, Wasuna. Iba ka talaga,” puri ni Sekani. “Sabi ko naman sa iyo, hayaan mong ako ang kumontrol sa katawan mo at hindi ka pa kasi panlaban,” sagot ni Wasuna. Lalong nagalit ang unggoy. Nagulat na lang sila nang kaya pala nitong makalipad sa hangin. Nakarating tuloy agad sa harap ni Sekani ang malaking unggoy. Binuhat siya nito at saka inihagis sa malayo. Muling tumama ang katawan ni Sekani sa malaking puno. Gaya kanina ay humiwalay na kusa ang pusang itim na si Wasuna sa katawan ni Sekani nang tumama sila sa malaking puno. “Na naman!” iritadong sabi ni Sekani na hinihilot ang braso. “Ang gara ng unggoy na iyon. Lumilipad,” inis ding sabi ni Wasuna. Nauna ulit tumayo si Sekani. Nang tanawin niya ang kinaroroonan kanina ng malaking unggoy ay wala na ito roon. “Wala na siya,” sabi ni Sekani. “Ang weird naman. Parang kapag nasasaktan nila tayo ay umaalis na agad sila.” “Pansin ko rin. Pero mabuti nang ganoon ang nangyayari. Pasalamat na lang tayo at hindi nila tayo tinutuluyan,” sabi ni Sekani. Napatingin siya nang makita niyang nagdudugo ang ilong ni Wasuna. Napaupo tuloy siya para kumustahin ito. “Ayos ka lang. Dumudugo ang ilong mo,” sabi niya. “Sekani, hindi ako makahinga. Tila, napuruhan ako nang tumama tayo kanina sa puno. Tumama kasi ang ulo ko.” Kinabahan si Sekani. Hindi kasi puwedeng mawala sa tabi niya si Wasuna. Malaking kawalan kasi ito sa kaniya. “Huwag naman, please! Hindi mo ako puwedeng iwanan. Kailangan kita sa labang ito, Wasuna,” sabi ni Sekani na unti-unti nang nalulukot ang mukha. Kita na rin kasi niya na hindi na biro ang paglabas ng dugo sa ilong ni Wasuna. Padami na iyon ng padami. Umiikot na rin ang mata ni Wasuna na para bang naghihingalo na. “S-sekani, hindi ko na kaya. Patawarin mo ako. M-mukhang kailangan mo nang mag-isang pasukin ang Red Town.” Nang sabihin iyon ni Wasuna ay napapikit na lang ito. Napatulo na lang ang luha ni Sekani nang bumagsak ang ulo ni Wasuna sa binti niya. “Hindi! Hindi ito totoo. Ang daya mo, Wasuna. Nanloloko ka lang. Bumangon ka riyan!” Nawala na ang lakas ng loob ni Sekani. Tila, naging duwag ka agad siya nang mawala si Wasuna. Parang hindi na niya kaya. Parang ayaw na niya. Umiyak na lang siya nang umiyak doon hanggang sa humupa ang lungkot niya. Palubog na ang araw nang mapagdesisyunan niyang ituloy na ang pagtungo sa Red Town. Malapit naman na siya kaya itutuloy na niya ang laban. Bahala na kung ano man ang mangyari. Ang mahalaga sa kaniya ay ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para mailigtas ang mga magulang niya. Naisip din kasi niya na sayang ang buhay ni Wasuna kung hindi rin siya tutuloy. Ang laban iyon ay para na rin kay Wasuna. Para sa kaniya ay lalo siyang magiging matapang. Saktong gabi na nang makarating siya sa isang malaking pulang gate. Ang gate na iyon ay may design na parang buntot ng isang sirena. Kumikinang iyon na kapang nilapitan mo ay makikita mong gawa pala iyon sa mga perlas. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay amoy na niya ay parang mabahong nabubulok na basura. Alam niyang galing sa loob ng gate ang amoy na iyon. Papasok na siya sa Red Town nang biglang isang babae ang nakita niya. “Delikado ang lugar na iyan, ginoo,” sabi nito sa kaniya kaya napahinto siya. Napakunot ang noo niya nang makita niyang maganda ang babaeng iyon na tila ka-edad lang niya. Pula ang mahaba nitong buhok na abot sa kaniyang tuhod. “Sino ka? Bakit ka narito sa mapanganib na lugar?” tanong naman ni Sekani. “Dahil gusto ko ring pasukin ang Red Town,” sagot nito sa kaniya. Napangisi ng palihim si Sekani. Sa wakas ay mukhang magkakaroon na siya ng makakasama sa loob. “Ano naman ang pakay mo rito?” tanong pa ni Sekani. “Gusto kong harapin ang kahuli-huling berberoka.” “Bakit? Bakit mo siya gustong harapin?” “Gusto kong hilingin sa kaniya na buhayin niya ang mga magulang ko. Nabalitaan ko kasi na kaya nitong bumuhay ng kahit anong nilalang na patay na,” sagot ng babaeng iyon. “Halika. Sumabay ka na sa akin at siya rin ang pakay ko rito,” aya ni Sekani. “Ngunit bago iyan ay maari ko bang malaman ang ngalan mo?” Ngumiti si Sekani. Ang weird ng babaeng iyon pero mainam na iyong may kasama siya para hindi siya kabahan. “Ako si Sekani. Ikaw? Ano naman ang pangalan mo?” Napansin ni Sekani na pula rin ang mata ng babaeng iyon. “Ako si Red girl. Isa akong kataw. Pero mabait ako kaya wala kang dapat na ikabahala,” sagot nito sa kaniya kaya napatango na lang siya. Dahil doon ay sabay na silang pumasok sa loob ng Red Town. Pagpasok nila roon ay lalong tumindi ang amoy na parang nabubulok na patay na daga. “Nagbaon ka ba ng gamot?” tanong ng babae sa kaniya. “Hindi.” “Naku, dapat nagbaon ka. Hindi mo ba alam na lalagnatin tayo rito. Ang naamoy natin ay may halong virus. Ang dulot nito sa katawan natin ay matinding lagnat. Mabuti na lang at may dala-dala akong maraming gamot. Bibigyan na lang kita kaya huwag ka nang mag-alala,” sabi ng babae kaya napangisi si Sekani. Natuwa siya na mainam ang babaeng nakasama niyang pumasok doon. Mukhang marami itong alam tungkol sa Red Town. Walang kapuno-puno roon nang pumasok sila. Literal na kulay red ang lahat. Para itong disyerto dahil puro buhangin na pula lang ang nakikita nila. Mayamaya pa ay tila tama nga ang sinabi ng babae. Unti-unti na kasing sumasakit ang ulo niya. Sumasama na ang pakiramdam niya kaya bumabagal na ang lakad nila parehas. “Ramdam mo na rin ba ang lagnat?” tanong ng babae sa kaniya. “Tama ka. Mukhang lalagnatin nga tayo. Ang sakit ng ulo ko,” sagot niya. “Oh, heto ang gamot. Mabisa iyan sa kahit na anong sakit,” sabi ni Red Girl at saka inabot sa kaniya ang isang bilog na candy. Inamoy pa iyon ni Sekani. Amoy itong mint kaya mukhang safe naman iyon. “Kailangan pa ba ng tubig nito?” tanong pa niya. “Hindi na. Nguyain mo lang iyan ay tatalab na agad pagkalipas ng limang minuto.” Dahil kapwa masama na ang pakiramdam nila ay napagpasiyahan nilang maupo  muna saglit sa buhangin. Wala na rin namang amoy nabubulok na daga roon kaya kaya na nilang mag-stay kahit matagal pa. Hinintay lang nilang tumalab ang gamot at pagkatapos ay nagpatuloy na rin sila sa paglalakad. “Matanong ko lang. Saan ba natin makikita ang berberoka na iyon? Tila, wala kasing katapusan ang disyerto na ito e.” “Marami pa tayong dadaanan. Maraming halimaw na naghihintay sa atin. Huwag kang matakot dahil may kapangyarihan naman ako.” “A-ano nga pala ang kapangyarihan mo, Red Girl?” tanong ni Sekani. “Heto.” Namangha si Sekani nang makita niyang naging parang malaki at matalim na gunting ang kamay nito. Bukod doon ay kaya rin nitong lumipad sa hangin. “Ang astig. Sana ay gaya mo, lumabas na rin ang aking kapangyarihan. Gusto ko na kasing iligtas ang mga magulang ko.” “Dito ka pala talaga nababagay. Maraming halimaw dito. Mahahasa ka rito. Baka rito na rin lumabas ang kapangyarihan. Hindi bale, tutulungan kita.” Naging excitng tuloy ang pagpunta ni Sekani roon dahil sa pagdating ni Red Girl. Nawala man si Wasuna ay may pumalit naman sa kaniya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD