Chapter 25

1074 Words
Chapter 25 : Ang mahiwagang Perlas na asul  “Magaling ang gamot na binigay mo. Umaayos na ulit ang pakiramdam ko,” sabi ni Sekani kay Red Girl habang inaalalayan niya itong tumayo mula sa pagkakaupo. “Sabi ko naman sa iyo na magaling iyan.” Nagpatuloy na ulit sila sa paglalakbay. “Handa ka rin bang magutom? Siguro naman ay alam mong walang pagkain dito sa Red Town?” Tumawa si Red Girl sa kaniya. “Sino may sabing magugutom tayo. May baon-baon akong mga perlas na asul.” Tumawa rin si Sekani. “Bakit? Perlas na asul ba ng pagkain ninyo?” tanong niya. “Hindi. Ang perlas na asul kasi na baon-baon ko ay mahiga. Kapag hinimas mo ang isang perlas na asul ay kahit anong hilingin mong pagkain ay tutuparin nito,” sagot nito kaya nanlaki ang mata ni Sekani. Talaga ngang kakaibang babae itong nakasama niya. Malaking tulong ito para sa kaniya. “Maari mo ba akong bigyan ng isa?” tanong ni Sekani. “Iyon lang ba. Oh, sige ba.” Binigyan siya nito ng isang pirasong asul na perlas. Nang hawakan niya iyon ay agad niya itong hinimas at saka humiling gamit ang isip lamang. Ang perlas na nasa kamay niya ay naging isang buong fried chicken. “Hala! Totoo nga!” gulat na gulat na sabi ni Sekani. “Wow! Kung hindi ako nagkakamali ay nilutong manok ata ang isang ‘yan,” sabi ni Red Girl sa kaniya. “Tama ka.” Pumutol ng isang binti si Sekani at saka niya iyon inabot sa babae. Tinanggap naman nito ang binigay niya. “Ngayon lang ako kakain nito. Gusto kong subukan kaya tinaggap ko na rin,” sabi ni Red Girl. “Iyan na ang simula nang pagkahumaling mo sa fried chicken,” sagot naman ni Sekani na nilalantakan na ang manok. Halatang gutom na gutom ito dahil kahit ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay kalahati agad ng manok ang nakakain niya. “Wow! Ang sarap nga pala ng manok. Mukhang ito na nga ang umpisa nang pagkahumaling ko sa pagkain na ito,” sabi ni Red Girl. Naglabas pa siya ng isang perlas na asul. Gaya ni Sekani ay humiling na rin siya ng isa pang mainit-init na fried chicken. Habang naglalakbay ang dalawa ay panay ang kain nila. Madilim na ng makarating sila sa gubat roon na puro pula ulit ang mga tanim. “Siguro naman ay maari tayong mapaglipas ng gabi rito?” tanong ni Sekani kay Red Girl. “Oo naman. Kaya lang ay dapat hindi tayo sabay matulog. Gising ang isa, tulog ang isa. Bantayan ang mangyayari. Marami kasing halimaw dito saRed Town. Hindi natin alam kung kailan sila magpapakita at aatake sa atin,” sagot ni Red Girl. “Kung ganoon ay mauna ka nang matulog. Ako na muna ang magbabantay sa iyo. Basta, kapag sumapit ang alas dose ng gabi ay kailangan mong gumising na dahil ako naman ang matutulog,” sabi ni Sekani kaya tumango naman si Red Girl. Bago siya tuluyang matulog ay humingi pa si Sekani ng ilang pirasong asul na perlas. Ito ay para habang nagbabantay siya ay may kinakain siya. Sinulit niya ang paghiling sa isang perlas ng asul dahil isang baldeng kape ang hiniling niya para hindi siya makatulog habang nagbabantay kay Red Girl. Sa damuhan lang natulog si Red Girl. Malapit sa kaniya si Sekani na panay ang kain at pag-inom ng kape. Napatingin si Sekani sa dalawang pulang buwan na mayroon doon. Sadyang mahiwaga ang lugar na iyon dahil sa Red Town lang tanaw ang maliwanag na dalawang buwan na pula na iyon. Bigla tuloy niyang naisip si Wasuna. Ang aga siya itong iniwan. Inaasahan pa naman niya na hanggang dulo ay ito ang makakasama niya. Nang mabusog na ulit si Sekani ay tumayo siya at naglakad-lakad muna sa paligid. May naririnig kasi siyang parang alon ng tubig. Tila may malapit na batis sa kinaroronan nila. Gayunpaman ay hindi siya nagpakalayo dahil binabantayan niya si Red Girl. Parusa sa kaniya ang nangyayari dahil kahit ilang beses na siyang umiinom ng kape ay dinadapuan pa rin siya ng antok. Alas diyes pa lang ng gabi, pero pabagsak na agad ang mata niya. Naupo siyang muli sa tabi nang natutulog na si Red Girl. Hindi na niya kinaya pa at sinabayan na niya ng tulog ang babae. Nagising si Sekani nang biglang sumigaw si Red Girl. Pagdilat ng mata niya ay nakita niyang subo-subo ng malaking ahas si Red Girl. Agad siyang napatayo para tulungan ito pero wala rin siyang nagawa dahil mabilis na tumakbo ang malaking ahas. Ang tanging narinig na lang niya ay ang pagsigaw ng kaawa-awang si Red Girl. Malulungkot na sana siya dahil naisip niya na mag-isa na lang ulit siya nang bigla niyang narinig na tumawa si Red Girl. “Akala mo siguro ay patay na ako,” sabi nito habang astig na naglalakad palapit sa kaniya. “N-nakaligtas ka?” gulat niyang tanong. “Ahas lang iyon, bubuwit lang para sa akin ang isang iyon. Sumigaw lang ako para magising ka. Delikado rin kasi. Baka madaganan ka ng ahas at mamatay ka agad habang natutulog.” “Ang galing mo. Sana lahat ay gaya mo. Sana kasing galing mo rin ako,” sabi niya. “Tumigil ka nga. Para kang hindi lalaki kung magsalita. Siyempre, kaya mo rin ang ginawa ko. Tiyak na kapag naging bihasa sa pakikipaglaban ay mahihigitan mo pa ako.” “Ang galing mo talaga magpalakas ng loob. Masaya ako na ikaw ang nakasama ko rito sa Red Town,” sabi niya. “Pero galit ako. Bakit mo ako sinabayang matulog? Akala ko ba ay bantayan? Mabuti na lang at umaga na nang lusubin tayo ng halimaw na ahas na iyon.” “Sorry. Hindi ko na kasi kinaya ang antok ko. Mas nakakaantok pala kapag busog,” sabi niya kaya nakita niyang tumawa si Red Girl. “Ang takaw mo kasi. Hindi bale, kalimutan mo na iyon. Ang mahalaga ay parehas na tayong may tulog ngayon.” “Paliwanag na rin kaya maglakbay na ulit tayo,” aya ni Sekani kaya naglakad na ulit sila. Habang naglalakad sila ay hindi maalis ang tingin ni Sekani kay Red Girl. Astig na astig kasi siya rito. Lahat nang kapuri-puri ay sinalo na nito. Magaling, matapang, matalino at maganda pa. Kung dati pa siguro sila magkakilala ay baka na-inlove na siya sa babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD