Chapter 26

1525 Words
Chapter 26 : Ang halimaw sa paanan ng water falls  Isang malaking portal ang nakita nila Sekani nang makarating sila sa may dulo ng batis. Parehas sila ni Red Girl na natulala. “Sa tingin mo ba ay dapat tayong pumasok diyan?” tanong ni Red Girl sa kaniya. “Iyan din sana ang gusto kong itanong sa iyo. Papasok ba tayo riyan? Ang alam ko ay mas maalam ka sa lugar na ito,” sagot ni Sekani. “Sa tingin ko ay kasali ito sa pagdadaanan natin. Oo, dapat nga siguro tayong pumasok diyan,” sabi ni Red Girl at saka humawak sa braso niya. “Kung ganoon ay halika na.” Sabay silang pumasok sa loob. Nang lamunin sila ng portal ay nalaglag sila sa kung saan na sobrang haba. Namuo ang sigawan nila roon. Parehas silang lulang-lula. Mayamaya ay bumagsak sila sa isang island. Buhat-buhat ni Sekani si Red Girl nang malaglag sila sa damuhan. “A-ano ito?” tanong ni Sekani at saka binaba si Red Girl. “Ano pa ba? Nasa island tayo. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Hindi ko rin inaasahan na may ganito rito. Pero ang mahalaga ay kaaya-aya na ito sa paningin. May kulay na ang lahat at hindi na puro pula,” sabi ni Red Girl. “Tama ka.” Naglakad silang dalawa sa gitna ng island. Maraming silang nakitang prutas at mga hayop doon. Ibig sabihin ay may mga pagkain na sila pero hindi nila iyon pinansin dahil sa perlas lang ni Red girl ay buhay na sila. Ang inatupag ng dalawa ay libutin ang buong island para malaman kung ano ba ang mayroon doon. Sa pinaka gitna ng island ay may nakita silang isang matandang lalaki. “Maligayang pagdating sa 666 island,” bati nito sa kanila. Nagtinginan ang dalawa. Naisip kasi nila ka agad na maaring kalaban o halimaw ang matandang iyon. “Maari po ba kaming magtanong?” tanong ni Sekani. “Ano iyon, iho?” “Alam niyo ba kung paano makalabas dito sa island? May nakikita po ba kayong portal para makabalik sa Red Town. Pakiramdam po kasi namin ay namali kami nang pagtungo rito,” sabi niya. “Hindi kayo namali nang pagtungo rito. Kasama ito sa daanan ninyo para makarating sa lungga ng kahuli-hulihang berberoka na nabubuhay sa mundong ito,” sagot ng matandang lalaki. “Kung gayon ay ano ang naghihintay sa amin dito? May mga dapat ba kaming gawin para makalagpas na kami sa island na ito?” tanong pa rin niya. “Oo, kailangan niyong hagilapin ang anim na red diamond. Ibigay niyo sa akin iyon para makalabas na kayo sa 666 na island na ito.” “Saan po namin mahahagilap ang mga iyon?” tanong pa niya pero bigla na lang naglaho ang matandang lalaki. “Hala! Hindi na siya sumagot. Umalis agad. Sa laki ng island na ito ay paano natin mahahagilap ang anim na red diamond?” Napakamot na lang ng ulo si Sekani habang si Red Girl ay chill lang. “Halika na. Mag-almusal na lang muna tayo. Saka na natin problemahin iyan kapag busog na tayo.” Inabutan siya ni Red Girl ng dalawang perlas na asul. Pagkakuha niya niyon ay humiling siya ng masarap ng fried rice na maraming ulam at saka mainit na kape. Ginaya siya ni Red Girl. Gusto kasi nitong matikman ang mga pagkain na kinakain ni Sekani. Kapwa silang napapangiti habang kumakain ng almusal. Masarap sa pakiramdam ang kumakain habang natatanaw ang malakas na alon ng dagat. Pakiramdam ni Sekani ay nasa bakasyon siya. Dati, pangarap lang niyang makapag-chill sa isang island. Hindi niya inaasahan na sa ganitong pagkakataon ay mararanasan niyang makarating sa isang island. Napatitig si Sekani kay Red Girl. Ngayon niya napatunayan na mukha pala itong diwata. “Ano ang tinitingin-tingin mo riyan?” tanong tuloy ng dalaga. “Mukhang diwata,” sabi niya kaya napangiti si Red Girl. “Masyado naman atang papuri iyan. Hindi ako maaring maki-linya sa mga magagandang diwata. Ang mga diwata ay sobrang magaganda. Kataw lang ako kaya labis kong kinasasaya ang papuri mo.” Mayamaya, habang patuloy sila sa pagkain ng almusal ay isang batang babae ang biglang lumitaw. “May mga tao rin dito?” Nanlalaki ang mata ng batang iyon nang makita sila. Napatayo si Sekani. Nagtaka rin siya kung bakit may batang babae na biglang lumitaw doon. “Anong ginagawa mo rito, bata? Paano ka napunta sa island na ito?” tanong niya. Naawa siya sa bata dahil bigla itong yumakap sa kaniya. Halatang takot na takot ito. “Naglayas ako sa amin. Palihim akong nakasakay sa isang bangka. Nakatulog ako doon dahil nagtago talaga ako. Pag gising ko, narito na ako sa lugar na ito,” kuwento ng bata kaya naawa siya. “Naku, hindi mo dapat ginagawa iyon. Tiyak na mag-aalala ang mga magulang mo. Hindi bale, sumama ka na lang sa amin. Iuuwi kita kapag natapos namin ang mission namin,” sabi ni Sekani kaya napangiti ang bata. “Ngunit maari ho ba akong humingi ng pagkain? Kagabi pa po kasi ako walang kain,” sabi ng bata kaya agad nila itong binigyan ng pagkain. “Sige, kumain ka lang nang kumain diyan, bata. Magpakabusog ka,” sabi ni Sekani. “Matanong ko lang. Ano ba ang dahilan mo kung bakit naglayas ka, bata?” tanong ni Red Girl. Saglit na napahinto sa pagkain ng hotdog ang bata at saka siya sinagot. “Dahil ho madalas akong pagalitan at pagbuhatan ng kamay ng mga umampon sa akin,” sagot nito kaya napatingin si Sekani kay Red Girl. “Kawawa ka naman pala. Kung sa akin nangyari iyan ay ganiyan din ang gagawin ko,” sabi ni Sekani habang hinihimas-himas ang buhok ng batang babae. “Eh, ano naman ang pangalan mo?” tanong naman ni Red Girl. “Ako po si Anim,” sagot ng batang babae. “Anim?” tanong pa ulit ni Sekani. “Opo, Anim. Parang six sa tagalog,” sagot nito kaya napangiti si Sekani. Ang weird para sa kaniya ng pangalan nito. Amoy niyang parang may kinalaman ang batang ito sa mission nila roon. “Bakit ang ganda niyo po? Para po kayong fairy sa mga napapanuod kong tv,” sabi ni Anim kay Red Girl. Tumingin naman si Red Girl kay Sekani. “Ano ang tinutukoy nitong fairy? Ano ang ibig sabihin niyon?” “Diwata ang ibig sabihin niyon,” sagot ni Sekani. Napangiti si Red Girl. Hinawakan niya tuloy ang buhok nito at saka hinimas. “Maraming salamat, Anim. Nakakatuwa na pareho kayo ni Sekani nang tingin sa akin,” sabi niya. Pagkatapos nilang kumain ay nagsimula na silang maglalakad doon. Napahinto sila nang makakita sila ng water falls. “Tayo maligo na muna,” aya ni Sekani. “Tara. Nami-miss ko na ring maglangoy,” sagot naman ni Red Girl. “Kayo na lang po ang maligo. Manunuod na lang ako,” sabi naman ni Anim. “Bakit naman?” tanong ni Sekani. “Ayoko lang po. Hindi ko lang gusto maligo ng ganitong ka aga,” sagot nito kaya hinayaan na lang nila. Malalim din ang tubig sa paanan ng water falls. Namangha tuloy si Sekani nang makita ang pulang-pulang buntot ni Red Girl nang maging sirena ito. Sinamahan niya si Red Girl na puntahan ang kailalim-laliman ng tubig na iyon. Sa ibaba ay may nakita silang malalaking pugita. Sa takot nila ay agad silang napaahon ng tubig dahil nakita nilang tutugisin na sila ng mga ito. Isang oras silang naligo roon. Pag-ahon ng dalawa ay nakita nilang natutulog na sa batuhan ang kaawa-awang bata na si Anim. “Kung ayaw na niyang umuwi sa kanila ay maaring ako na lang ang mag-alaga sa batang iyan,” sabi ni Red Girl. “Tanungin mo siya. Kung gusto niya ay sa iyo na nga lang siya,” sagot ni Sekani. “Tama ka. Mamaya ko siya tatanungin kapag nagising na siya. Magpatuyo na muna tayo at ayokong maglakbay ng basa at baka lamigin ako.” Habang nakaupo sila sa batuhan ay nagulat nang biglang yumanig ang kalupaan. Napahawak kay Sekani si Red Girl. “Ano pong nangyayari?” tanong ni Anim na nagising na dahil sa lakas nang pagyanig ng lupa. Sa harap nilang tatlo ay isang dambuhalang pugita ang umahon sa lupa. Kasing laki ito ng bahay at pulang-pula ang umiilaw nitong mata na nanlilisik sa kanila. Kapagdaka’y nilatigo sila ng mahaba nitong galamay. Agad namang umaksyon si Sekani. Binuhat niya si Anim at saka naman hinatak si Red Girl. Mabilis silang tumakbo. Ngunit napahinto sila nang biglang maabutan ng galamay ng pugita ang mabagal sa pagkatakbo na si Red Girl. “Hindi!” sigaw ni Sekani habang nakatingin kay Red Girl na nawalan agad ng malay dahil sa panglilingkis ng galamay nito. “Hala! Tulungan po natin siya,” sabi ni Anim na nag-aalala kay Red Girl. Natutuliro agad si Sekani. Hindi siya agad makapag-isip dahil nagulantang siya sa nangyari. Sa ngayon ay tumakbo na lang siya nang tumakbo para hindi maabutan ng pugita. Kahit kasi nasa lupa na ito ay nahahabol pa rin sila nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD