MADDIE
Haist, salamat, natapos na rin ang six months na puyatan.
Sa umaga, pumapasok ako sa opisina. Sa gabi naman, pagkatapos ng pang-umaga kong trabaho, ay nag-aaral ako ng pagiging caregiver.
Tinawagan na ako ng agency, at dahil konektado sila diretso sa mga employer sa labas, baka mga one or two weeks lang daw ay lilipad na ako pa-London.
Sa isang iglap switch career na ako, from office girl to caregiver.
Kaya heto ako ngayon, nililinis ang naging table ko sa loob ng dalawang taon.
"Bes, ang daya mo naman eh, dapat sinama mo naman ako sa mga plano mo? Talagang bigla-bigla, hindi pa rin ako maka-move on na talagang resign ka na!" himotok ni Jeraldine na katrabaho dito sa opisina.
Nagliligpit na kasi ako ng gamit dahil ito na ang huling araw ko.
"Parang tanga 'to! Kung makapagsalita ka, parang hindi ko naman sinabi sa'yo dati na balak kong mag-training sa pagka-caregiver nang sa ganoon guminhawa naman ang buhay ng pamilya ko." paliwanag ko habang binubuksan ko ang drawer ko para i-check kung may naiwan pa akong personal na gamit.
"Sinabi mo nga, pero hindi mo naman sinabi na nagte-train ka na pala. Dapat sinabi mo para mag-train din ako. Gusto ko ring makapasyal sa London!" nagtatampong sabi niya.
Natigilan ako sa ginagawa ko at tiningnan ko siya nang seryoso.
"Oh, anong mukha 'yan?"
Siya pa talaga ang nagtatanong niyan?!
"Well, unang-una, hindi ako pupunta doon para mamasyal. Pangalawa, alam mo naman 'yung sitwasyon ko, 'di ba? Nagkabaon-baon ako sa utang noong na-ospital ang nanay ko. 'Yung maintenance na gamot sobrang mahal. Tapos yung kapatid ko pa, college na sa next na pasukan. Wala namang ibang maaasahan kundi ako lang. Wala namang pension yung nanay ko. Si Tatay naman, wala rin namang maitulong at matapobre yung bagong asawa niya kaya ako lang ang pag-asa ng pamilya ko. Walang mangyayari kung mananatili lang ako dito sa Pilipinas; yung sahod ko dito ay halos mapunta na lang sa pangbayad ng bills, tapos ang mahal pa ng kuryente."
May kaya kasi ang pamilya nila ni Jeraldine, wala siyang ginagastos sa bahay. Yung sahod niya solo niya lang kaya hindi naman niya kailangang mag-abroad, hindi tulad ko na laging gipit, kinukulang sa budget, nangungutang. Hindi pa man dumadating ang sahod, naubos na agad sa isip ko.
"Ang dami mo namang sinabi, Maddie. Paano pa ako magsasabi ng problema sa'yo niyan, eh winner ka na sa sobrang bigat ng dinadala mong responsibilidad sa buhay!" napapailing na sabi ni Jeraldine. "Oh, ano, baka may nakalimutan ka pa, sabihin mo na, i-todo mo na!" sabi pa niya sa boses na tila ginagaya si Ruffa Mae Quinto.
Hindi ko na napigilan, natawa na ako nang tuluyan, at ganoon din naman siya.
"Sorry naman kung napa-rant ako sa mga problema ko sa buhay. Ang point ko lang naman kasi sa mga sinasabi ko, hindi mo rin naman kailangan magpunta roon. Ako kasi ay walang choice—'yun lang ang pinakamabilis na paraan para makapag-abroad ako, kumita nang malaki at makapag-ipon. Kung wala naman kaming problema sa pera, siguro kuntento na rin naman ako dito, nakaupo tapos de-aircon pa, 'di ba? Kaya huwag ka nang magtampo!"
"Ah, basta nagtatampo ako!"
Alam ko namang sinasabi lang niya 'yan, pero hindi rin niya ako matitiis.
"Eh di ganito na lang, since last day ko naman dito sa office, at nataon na sweldo natin ngayon, treat kita."
Tumahimik siya sa saglit, pero hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa akin na tila ba nag-iisip pa.
"As in ngayon na?"
"Oo, eh 'di ba, uwian na? Ano, ayaw mo ba?"
"Aba'y gusto? Tara na, ikaw lang ang hinihintay ko dito."
"Teka lang naman, chine-check ko kung may naiwan pa ako!" At binuksan ko na ang ilalim ng drawer.
"Ay, shet! Nandito pa pala ito?"
Mukhang na-curious si Jeraldine at lumapit sa tabi ko para tignan kung ano ba ang tinitignan ko.
Flower bouquet lang naman na natuyo na, sadyang inilagay ko sa dulo ng drawer ko.
"Ay, ang taray, may special na lagayan ang bigay ng secret admirer mong hindi naman nagpakilala!"
"Ano ka ba? Wala akong secret admirer. Sabi ko nga, 'di ba, baka nagkamali lang ng table na nilagyan 'yung inutusan. Itinago ko lang 'yan diyan dahil baka, kako, balikan ng may-ari, pero tignan mo nga naman, ilang months na ang nakalipas at nalimutan ko na 'to!" Ani ko habang kinukuha ko ang natuyong red roses.
"Oh, huwag mong sabihin bibitbitin mo pa 'yan, eh gagala tayo!"
"Tange, siyempre, aalisin ko dito sa drawer at itatapon!" Anas ko, sabay tayo.
Lumapit ako sa basurahan at diretsong shinoot ang bulaklak na nasayang lang dahil nagkamali ng lagay sa table ko.
Naglakad na kami papuntang elevator, at kung kailan naman bumukas na ay...
"Ay tanga, sige Maddie, mauna ka na sa ground floor, naiwan ko payong ko!"
Napailing-iling na lang ako. Pagkatapos niyang pagmadaliin ako, siya pala itong hindi pa pala ready umalis at may naiwan pa.
Pumasok na ako sa elevator, at pinindot ang GF. Ako lang ang tanging tao dahil nauna nang mag-uwian ang mga kasamahan namin; hindi kasi uso ang OT dito. Eksaktong 5:00 PM, pack-up na ang mga empleyado. Natagalan lang ako kasi nga nilinis ko pa ang table ko para hindi naman nakakahiya sa susunod na gagamit.
Pero bago pa tuluyang sumara ang mga makintab na pinto ng elevator, may malaking kamay na humarang. Bumukas ulit ito nang may mabilis na tunog.
At doon ko na nakita ang lalaking crush ng karamihan sa mga dalagang empleyado dito.
Shìt, si Sir Gabriel, ang tinaguriang masungit at untouchable na boss ng kumpanya.
Sa sobrang pogi niya, tipong pati 'yung stepdaughter niya inaakit siya, sabi sa tsismis.
Halos lahat talaga ng babae dito may crush sa kaniya, palibhasa kasi single at mayaman.
Ako, oo, siguro I'll find him attractive, pero hanggang tingin lang naman ako. Masyado na akong maraming problema sa buhay para pagpantasyahan siya, at tsaka isa pa, medyo may edad na rin naman siya. Ewan ko ba kung bakit mas maraming nagka-crush sa kanya kaysa dun sa anak niya na si Sir Gino. 'Yun pa, parang mas bet ko 'yon!
Habang sumasara ulit ang pinto, pinindot niya ang 22. Seryoso, isang floor lang? Ang tamad naman nitong poging boss namin. Isang floor lang pala ang layo; hindi pa naghagdan, eh nasa 23rd floor lang kami.
Bigla siyang humarap sa akin, at lalo akong kinabahan.
Tang-ina, huwag niyang sabihin na narinig niya yung mga sinasabi ng isip ko? Pero mas lalong nakakatang-ina ang sumunod na nangyari.
The moment na sumara ang elevator, mabilis pa sa kidlat siyang humakbang palapit sa akin. Hinigit niya ako sa braso, idiniin ang katawan ko sa pader ng elevator, at walang sabi-sabing sinunggaban ako ng isang mariin at mabilis na nakaw na halik!
Putang ina, anong klaseng kabaliwan ito?!
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Walang babala, walang pasintabi.
Isang mainit at madiin na labi ang dumampi sa labi ko.
As in napakabilis, mga tatlo hanggang limang segundo lang ata, pero sa iglap na 'yon ay parang tumigil ang ikot ng mundo. Isang mabilis pero ramdam na ramdam ko ang init at lambot ng labi niya.
Pakiramdam ko nalasing ako sa bango ng hininga niya o buong pagkatao niyang nakadikit sa katawan ko ngayon.
Agad ding tumunog ang elevator bell. Saktong pagbukas ng pinto sa 22nd floor ay casual siyang lumabas na parang walang nangyari. Na parang walang nangyaring halikan dito sa loob.
Sumara ulit ang pinto.
Naiwan akong nakatulala sa loob. Napahawak ako sa labi kong basta na lamang niya hinalikan.
Pakiramdam ko ay naiwan pa ang init ng labi ni Sir Gabriel sa labi ko.
Patuloy na bumababa ang elevator patungong ground floor, pero ang kaluluwa ko, naiwan yata doon between the 23rd and 22nd floors.