Chapter 1
Paalala: ang aking kwento ay isang katang isip lamang. Kung ikaw ay napaka matatakutin sa mga kwentong kababalaghan maaaring wag mo ng ituloy basahin ang aking kwento sa pagkat hindi ko masasabi kung ano ang magiging ipekto sayo pagkatapos mong basahin ito. At kung ikaw ay malakas ang loob. Hali ka't simulant ang aking horror story . . .
"MA! Pakibilisan naman malelate nako sa klase, mapapagalitan na naman ako nito" pasigaw kung sabi sa aking ina. Agad namang nagmamadaling bumaba si mama dala ang aking rosaryo.
"Oh nak! Nakalimutan mo to. Diba sabi ko naman sayo wag na wag mo tong huhubarin alam mo namang bagong lipat tayo dito sa lugar na to" isinuot naman sa 'kin ni mama yung rosaryo na hawak niya. Nakatungo na may halong simangot sa 'king mukha habang sinusuot ni mama ang rosaryo sa leeg ko.
Pinatay ni mama ang ilaw sa loob ng bahay kasunod nito ang pagsara ng pinto at agad na kaming sumakay sa sasakyan ni mama.
Ako nga pala si Brenda Gonzales. 24 years old masasabi kong "NPA" as in No Permanent Address kami ni mama. Kada taon lumilimat kami, siguro pang limang bahay na namin to na nilipatan. Ewan ko ba dito kay mama kung anong trip sa buhay. Bago kami lumipat dito nasabi ko sa sarili ko na sana ito na yung last na bahay na lilipatan namin. Pero nung Nakita ko yung itsura ng bahay na pa OMG ako. Isipin mo puro puno ang nakapagilid samin. Yung wala kaming kapit bahay. Kung masusunog nga yung bahay namin for sure luto kami ni mama sa sobrang wala kaming kapit bahay. Sobrang nakakatakot yung itsura ng bahay. Medyo sira sira yung bubong. Yung haligi ng bahay namin Sira sira yung pintura tapos yung mga bintana pulos kalawang. So creepy talaga.
Habang nagmamaneho si mama.
"Ma baka naman pwde tayo lumipat" banggit ko kay mama habang nakahawak sa braso niya.
"Ano kaba nak" lingon niya sa 'kin "Ang mura ng bahay na yun. Laking tipid yun para sa 'tin. Alam mo naman na nagtitipid tayo diba?" banggit ni mama sa 'kin. Agad akong bumalik sa pagkakaupo ko habang nakasimangot. Napapa-tingin sa 'kin si mama pero dedma lang siya.
Sa ilang saglit lamang nakarating na kami sa school kung saan ako mag-aaral.
"Ano ba naman to!" pasigaw kong banggit "ang creepy na nga ng bahay ang creepy pa ng school!!" banggit ko habang naka taas ang isa kong kilay
"Pag-tsagaan mo na" banggit ni mama na may kasamang paghawak sa balikat ko.
"Ano ba nga ba magagawa ko!" irap na pagka banggit ko kay mama.
Lumabas nako ng sasakyan. Pero bago ako tuluyang pumasok sa loob ng school tinignan ko muna ito simula sa taas ng building hanggang sa baba.
"Napaka creep talaga dito" banggit ko habang naka hawak ako sa braso ko. Ng biglang may bumangga sa likuran ko.
"ARAY!!!" pasigaw kong banggit. Isang grupo ng mga lalaki at babae ang bumanga sa 'kin
"Sorry naman entrance kasi to ng School hindi mall" pang aasar na sinabi ng lalaki at nagtawanan silang lahat.
"Hindi nyo ba Nakita na nakatayo ako dito?! Kumpleto naman siguro kayo ng mata diba?" pa taray kong banggit sakanila. Lumapit yung isa sa mga ka grupo nilang lalaki.
"Alam mo miss ang ganda mo pag nagagalit" pabulong na sambit ng lalaki, Napa hawak ako sa bewang ko.
"Ang BASTOS!" pa sigaw kong sabi at nagmamadaling pumasok sa loob ng school.
Napakalaki ng school. Mukhang hindi ata to school mall ata to sa sobrang laki at lawak.
Habang naglalakad ako ginagala ko ang mata ko sa loob ng school. Bawat dingding may santong naka sabit. Pati sa hallway mayroon ding mga santo mapa cr, hagdanan, classroom, canteen ultimo mga pinto may mga santo. At lahat ng prof nila may mga rosaryong suot. Agad ko naman kinapa yung rosaryong sinuot ni mama sa 'kin sa leeg. Kinuha ko ang aking list sa bag para tignan kung saan ang room ako papasok. ng biglang may nakabangga na naman sa 'kin.
"ARAY NAMAN!" pasigaw kong sabi sa kaniya.
"Sorry miss. Hindi ka kasi na tingin sa dinadaanan mo e" banggit niya sa 'kin namahinahon
"AH AKO PA PALA ANG HINDI---" napatigil ako nung pagtayo ko gwapong lalaki ang nakabangga sa 'kin.
omgiiieee ang swerte ko naman. Kung mukhang halimaw yung nakabunggo sa 'kin kanina. Ito naman mukhang angel sa sobrang gwapo.
"Miss ok ka lang?" banggit ng lalaki habang nakatingin sa 'kin at nagtataka. Matangkad may tattoo ang katawan. Matangos ang ilong at ang bago niya.
"Ah eh o-oo okay lang ako" banggit ko sakaniya habang kinukuha ko yung mga gamit kong nalaglag. Nakita niya yung papel na hawak ko.
Mukhang nahalata niya na bagong lipat ako sa school na ito kaya naman tinulungan na niya ako kunin ang mga nalaglag kong gamit.
"Transferee?" banggit niya sa 'kin. May kinuha siya sa bag niya at inabot sa 'kin.
Isang mapa ng school nakakaloka sa laki ng school at lawak mayroon silang mapa??. Hindi ko alam bakit ang laki ng school na ito. Hindi naman mahal yung tuition fee dito. Infact napaka mura nga.
"Oo hehe. Para saan itong mapa na to?" banggit ko sa kaniya na may halong pagtataka.
"Mapa ng school yan. Lahat ng studyante mayroong mapa. Kasi kung bagohan ka lang dito at wala kang mapang dala baka hindi kana makalabas dito. At ang nakaka gulat pa dito isa lang ang extrance at exit" Habang nagsasalita siya napatingin ako sa gilid ng cr ng babae. na may batang nadapa. Sobrang nakakatakot yung itsura. Para siyang pulubi. Dahan dahan siyang lumilingon sa 'kin. nang maipikit ko ang aking mata, pagdilat ko wala na yung bata. Kasabay nito ang pagdarting ng malakas na hamgin.
"Miss nakikinig kapa ba" banggit niya sa 'kin.
"May ba-bata du-dun sa cr ng babae" takot kung banggit sa kaniya. Lilingonin na niya sana kaso ng bell na. Halos lahat ng studyante nagmamadali pumasok sa mga kaniya-kaniyang silid aralan. Agad naman akong tumakbo papunta sa silid aralan ko. Ng maabutan kong kakadating lang ng prof namin sa klase. Patago akong pumasok ng sa 'king silid aralan. At dahil bago ako sa gitna ako naka upo.
Nakakatakot yung itsura ng Prof namin. Naka suot siya ng mahabang itim na tela. Mapa babae o lalaki ganun ang suotan nila dito. Hindi ko alam pero yung pakiramdam ko kakaiba. Tinataasan ako ng balahibo sa katawan ko.
"Kumuha kayo ng note book at isulat ang mga sumusunod" banggit ng prof na may nakakatakot na boses. May ibang studyante na nagsusulat sa note book nila mayroon namang pinipicturan lang nila. Maya maya lamang may bumato ng papel sa ulo ko. nung paglingon ko. yung grupo na naka bangga ko sa labas sila din pala yung magiging classmate ko.
Nako nakakabwisit talaga tong araw na to!! Sa dami-rami na magiging classmate ko sila pa!!
ng matapos na kaming sumulat.
"Dahil new year or school ngayon isa isa tayo magpapakilala" banggit ng prof.
"Mauuna ang mga nasa likod" pahabol ng prof.
"Ano ba yan Prof ang baho talaga ng trip mo kahit kailan" nagtawanan silang lahat. Habang naka titig lang ang prof sa kanila.
"Okay ako na mauuna. Ako nga pala si Jerson" matangkad siya medyo ma chubby ng unti pero sabi nila may jowa daw yan.
"Hi ako naman si Alex. You can call me lex but you're not my friend so don't call me lex duuh!?" medyo kikay na marte si Alex. Nga pala si Jerson ang jowa niya. Perhas silang kalog kaya siguro nagtatagal sila.
"Watzaap madling pipoooool! Akala nyo si vhong Navarro no? pango lang ilong ko. ako nga pala si Leo" siya si Leo makulit at sobrang kalog at laging binubully ng grupo nila.
"Hello from the other siiiiiiiiide! Oh akala nyo si adele jusko ako lang to guys. Ako nga pala si Winnie hindi kapatid ni pooh pero anak ni wenaaaa" siya si Winnie parehas sila ng ugali ni Leo makulit at laging na bubully ng grupo. One of the boys siya astig diba.
"Teka teka asan na si--" banggit ni Jerson habang may hinahanap.
"Hi sir ako nga pala si James"
omg!!! siya yung naka bunggo ko!! magiging classmate ko siya haha!!. At ka grupo pala siya ng mga panget nakakaloka. Pero okay lang atleast classmate kami haha!!
Nagulat ako ng lahat ay naka tingin sa 'kin habang naka tingin ako kay James. Hindi mo naman kasi maiiwasang mapatingin sa kaniya dahil sa magandang itsura nito
"Ah eh ako nga pala si Brenda" banggit ko habang nakamot sa ulo ko. Nagtawanan sila ng malakas. Umupo na kaming lahat at bumalik sa pagsusulat ng marining ko sila Jerson naguusap sa likod.
"Uy pre! Brenda pala pangalan ng bagong transferee dito" banggit ni Jerson ng pabulong
"Oo nakita ko nga yan kanina sa hallway e. buti nalang binigyan ko ng mapa ng school kundi hindi makakalabas ng buhay yan dito" narinig ko silang nagtatawanan.
Maya maya lamang tumunog na ang bell para magrecess. Hinintay ko muna mawala yung tao sa loob ng class room bago ako lumabas. nang akala kong wala ng tao tumayo nako para lumabas.
"Miss Brenda miss Brenda!" banggit ni Leo habang nalapit sa 'kin. Medyo kinakabahan ako sa posibleng gawin nila sa 'kin pero hindi ako nagpaparamdam na natatakot ako kaya inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilaang bulsa.
"Yes Leo" maarteng banggit ko kay Leo.
"Sumabay kana sa 'min magrerecess din kami"
"Aba why should i?" maarteng na may pagirap na banggit ko sa kaniya.
"Ito naman mababait kami. Hindi ka naman namin kakainin" banggit ni Winnie sa 'kin.
"Ano tara?" yaya ni Winnie. Mukhang mababait naman sila mukha nga lang silang mangangain pero mababait naman. Agad naman akong sumama sa grupo nila. Pakiramdam ko makakasabay ako sakanila. Kasi kung mas bully sila mas bully ako haha.
Nang makababa na kami sa canteen may iba akong naramdaman. Biglang lumakas ang simoy ng hangin. Napahawak nalang ako sa aking braso.
"Malamig ba?" banggit sa 'kin ni James.
omg ang gwapo niya talaga haha!!
At mas lalong nagiba yung pakiramdam ko nung nakapasok na kami sa canteen. Hindi ko alam pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
"Ano bang schoo, to? Seminaryo ba to" banggit ko na may halong pagtataray.
"Haha ganito talaga dito masanay kana" wika ni Alex sa 'kin. Nang makabili na kami ng makakain namin agad na kaming umupo,
kasabay nito ang pag kuwento ni Leo tungkol dito sa school.
"Alam mo ba Brenda? Ang sabi sabi ng mga tao. Isa tong bahay ampunan na kung saan lahat ng nakatira sa bahay ampunan ay mga bata. Bali-balita daw na isang araw napansin nila na isa isa nawawala ang mga bata sa loob ng bahay ampunan. Halos nagtataka sila kung bakit nawawala ang mga bata. At hindi rin lubos maisip na bakit bata ang purtirya niya. Halos gabi gabi nalang daw na may umiiyak. walang tigil ang pagiyak. Tanging "mama papa" ang binabanggit nila sa tuwing umiiyak. hanggang sa dumating ang isang araw na wala ng bata sa bahay ampunan. Halos nagtaka sila kung paano nangyari yun. Pero nun may naglakas loob para pumasok sa loob ng bahay ampunan. may nakita siyang matandang lalaki na nakasuot na pang saka at may dalang pala. Sinundan niya ito ng dahan dahan. nang makarating na siya sa labas ng kwarto. Napalingon ang matandang lalaki sa likuran niya at agad naman siyang nagtago sa gilid ng pintuhan. Nang paglingon niya sa gilid may na kita siyang bintana na siyang pumukaw ng atensyon. Agad niya tong pinuntahan ng dahan dahan habang lumalakad ng nakauyo. nanlaki ang mga mata niya ng Makita niya na ang mga bata ay naging bangkay at pira piraso. Napa-atras siya ng lakad nang maramdaman niyang may tao sa likod niya. Dahan dahan siyang lumilingon ng Makita niya yung matandang lalaki na may hawak na pala. Pinatay siya nito at kinain. Dahil sa pangyayaring yon minabuti nilang sunugin nalang ang bahay ampunan at patayuan ng school.
"Pero bakit may mga nageenroll pa din dito kung ganun yung naging history nito?" banggit ko sa kaniya
"Kasi mura lang tsaka ito lang yung malapit na school dito sa bayan" banggit ni Winnie sa 'kin. Hindi naman ako matatakutin na tao pero pagnakikita ko at nararamdaman ko doon ako na tatakot.
"Nung minsan nga may nakapag sabi sa 'min. Na may nagpakamatay daw na studyante sa may hallway" kwento ni Leo
"Bakit naman? Ano daw nangyari" banggit ko na na para bang interisado ako sa mga kinukwento niya
"Ang dahilan ng pagkamatay ng studyante ay nagbigti sa hallway. Dahil ni r**e siya ng dating presidente ng school. at usap usapan pa 3:00 ng hapon nangyari ang pang re-r**e sa kaniya. Halos kumalat daw ang issue nun sa school. Kaya walang na daan sa hallway pag 3:00 ng hapon kasi don daw nagpapakita ang nasabing babaeng na rape." Kwento ni Leo.
"Hoy! Leo tigil tigilan mo na nga yan. Tinatakot mo lang si Brenda e." banggit nito ni James kay Leo. Hindi ko alam pero parang unti unti ako na niniwala sa mga kwento ni Leo.
Maya maya lamang nagaya si Jerson at Alex na bumalik sa class room. Nang makarating na kami sa class room. Ginala ko ang aking sarili sa loob ng room. Pinagmamasdan bawat gamit na mayroon doon. Nang pumukaw ng atensyon ko ang isang bintanang naka bukas. Dahan dahan akong lumalapit habang busy ang lahat sa pagsusulat. Sa aking pagkakasilip may natanaw akong pintuaan na may dalawang kahoy na nakaharay sa pinto. Hindi maalis sa paningin ko ang pinto na yun. Nililit ko ang aking mata para maaninag ang pintong yun nang biglang tinawag ako nila Jerson. Agad naman ako lumakad papunta sa kanila.
"May gagawin kaba after nito?" yaya ni Jerson
"Hhmm. Wala naman" banggit ko sakaniya.
"Magkakaroon kasi ng house party sa bahay namin. Tutal tropa ka nanamin kaya iimbitahan na kita. Ano G ka!?" banggit sa 'kin ni Jerson habang nagaantay sila ng isasagot ko sakaniya.
"Ahm sure! Pero kailangan ko pa magpaalam kay mama" banggit ko sa kaniya. Medyo kinakabahan ako kung papayagan ako at kinakabahan ako kasi ito yung unang araw na makakabonding ko sila. Sana maging ok. Tsaka makakasama ko din naman si James kaya oks lang.
Maya maya lamang nagbell na at lahat ng studyante ay kaniya kaniyang uwian na. Sabay sabay na kaming naglalakad nila Jerson Alex Winnie Leo at James sa hallway. Nung papalapit na kami sa hallway naalala ko yung kinuwento ni Leo sa 'kin. Yung babaeng nagbigti dahil ni r**e siya. Naimagine ko yung itsura ng babae. naka school uniform. Gusot gusot ang damit g**o ang hubok at duguan. At habang naiimagine ko yung itsura niya.
"Brenda!" sabi sa 'kin James.
"Ah guys bakit?!" banggit ko na may pagka gulat.
"Ano bang nangyayari sayo? naka tulala ka diyan? Kanina kapa kaya namin kinakausap pero naka tulala ka diyan" banggit ni Alex na may kasamang tawa.
"Paano na alala niya ata yung kwento ni Leo tungkol sa babaeng nagbigti HAHAHA!" banggit ni Jerson na may pagaasar. "wag ka kasi maniniwala sa mga kwento niyan ni Leo HAHA!" pahabol niyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo at tuloy ang lakad. Nung nasa labas na kami ng school agad namang pinaalala ni Jerson yung lakad namin mamaya.
"Oh Brenda mamaya? Magtext ka kay James kung makakasama ka o hindi para masundo ka niya." nagkapalitan na kami ng number ni James. Omgie may number na niya ko haha.
Habang naglalakad ako sa gilid ng school. naramdaman kong parang may nakatingin sa 'kin sa bintan ng school kaya naman agad kong nilingon ito. Pero wala namang naka tingin sa 'kin. Kinusot ko ang aking mata at patuloy sa paglakad. Bumalik ulit yung pakiramdam kong may nakatingin sa 'kin sa bintana. Bago ko lingunin huminga muna ako ng malalim. Pinagpapawisan ako tapos unti unting bumibilis yung t***k ng puso ko sabay lingon. Pero wala ulit akong nakitang nakatingin sa 'kin. Nung binalik ko yung tingin ko sa dinadaanan ko nagulat nalang ako nung nasa harapan ko na si mama.
"JUSKO! NAMAN MA!" pa sigaw kong sabi kay mama
"Aba! Kailan ka pa naging magugulatin?" wika ni mama sa 'kin "kanina pa kita binubusinahan pero hinid moko na ririnig kaya bumaba nako ng sasakyan para habulin ka" pahabol na banggit ni mama. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'kin baka dala lang to ng mga naikwento ni Leo sa 'kin. Tama nga si Jerson dapat hindi ako naniniwala sa mga kwento ni Leo nakakasira lang to ng bait kakaloka.
agad naman kami sumakaw ni mama sasakyan niya at umuwi na. 5:30 na ng hapon. Madalim na sa daan tanging mga ilaw lang sa poste at ilaw ng sasakyan namin ang nakikita ko sa daan. Ang creepy sa daan pag ganong mga oras. Tapos may mga dahong lumilipad pa sa daan. Agad ko naman na open up kay mama yung tungkol sa house party ni Jerson.
"Ma" Banggit ko kay mama
"Ano yun nak" tingin na banggit sa 'kin ni mama habang nagmamaneho
"Niyayaya kasi ako ng mga classmate ko pumunta sa house party. Magpapaalam sana ako" Banggit ko kay mama habang nakatungo ako.
"Ok sige basta magiingat lang ha?" nagulat ako nung pinayagan ako ni mama. Siguro ramdam niya yung pagka bagot ko sa school at sa bahay kaya naman pinayagan na niya ako.
"YEY!" nagagalak kong banggit sa kaniya at sabay yakap sa kaniya habang nagmamaneho siya.
Maya maya lamang nakarating na kami sa bahay. Agad akong pumasok sa loob ng bahay para umakyat sa kwarto. Pero na tigil akong tumakbo nung may napansin akong bata sa sala. Agad ko naman ito nilingon. Naabutan ako ni mama nakahinto at nakatingin sa sala. Dahan dahan naman sinundan ni mama yung tingin ko sa sala.
"HOY!" banggit na gulat sa 'kin ni mama
"ANO BA MA!" banggit ko na pasigaw. "Ang hilig mong mangulat" pahabol kong sabi.
"Aba'y para kang naka kita ng multo sa pagka tulala mo diyan." Banggit sa 'kin ni mama habang naka pamewang siya sa 'kin. Kinusot ko ang aking mga mata at muling tumingin sa sala kung andun pa yung bata pero wala na.
Nakita ko talaga yung bata. Siguradong sigurado ako.
Agad akong umakyat sa taas para magpalit ng damit. Nagtext nako kay James para sunduin ako. Matapos akong magbihis ako'y bumaba na ng kwarto at nagantay sa labas. Biglang lumakas ang hangin sa paligil ko. iginala ko ang aking mga mata sa paligid ngunit walang katao tao. Nang maramdaman ko na parang may naka tingin ulit sa 'kin sa bintana ng kwarto ko. Pinipilit kong wag lingunin ngunit para may naguudyok sa 'kin na lumingon ako. Nang dahan dahan kong lingunin biglang dumating naman si James.
PEEP!
PEEP!
At laking gulat ko sa busine ng sasakyan ni James.
"Ano tara!?" banggit sa 'kin ni James habang naka silip siya sa bintana ng sasakyan. Agad naman akong sumakay at umalis na ng bahay. Habang nasa loob kami ng sasakyan. Hindi pa din maalis ang pakiramdam ko na parang may nakatingin sa 'kin. Panay ang tingin sa 'kin ni James nahahalata niya siguro na may kakaiba sa 'kin.
"Brenda are you ok?" banggit ni James na may halong pagaalala.
"Ah o-oo hehe." Pakiramdam ko talaga mayroon. Mayroong nakatingin sa likod ng sasakyan ni James. Dahan dahan akong lumingon sa back seat ng sasakyan ni James. Nang makita ko ang bumungad sa harap ng mukha ko ang batang duguan na may saksak sa leeg habang umiiyak.
"AAAAAAHHHHHHHH!!" pasigaw kong sabi. Nagulat naman tong si James kaya gumewang gewang yung sasakyan.
"BRENDA! Ano problema!? Okay ka lang ba!?" pagkatarantang banggit sa 'kin ni James.
"May nakita kasi akong bata sa likod ng sasakyan mo" paglabis na takot kong banggit kay James. Nilingon naman to ni James pero wala naman siyang nakita.
"Chill! Brenda guni-guni mo lang yun" mahinahon niyang sinabi sa 'kin. Bumalik nako sa pagkakaupo ko at dumeretsyo na sa house party ni Jerson.