NOW PLAYING
ALL STAR by smash mouth
Somebody once told me the world is gonna roll me
I ain't the sharpest tool in the shed
She was looking kind of dumb with her finger and her thumb
In the shape of an "L" on her forehead
Well the years start coming and they don't stop coming
Fed to the rules and I hit the ground running
Didn't make sense not to live for fun
Your brain gets smart but your head gets dumb
So much to do, so much to see
So what's wrong with taking the back streets?
You'll never know if you don't go
You'll never shine if you don't glow
Hey now, you're an all-star, get your game on, go play
Hey now, you're a rock star, get the show on, get paid
And all that glitters is gold
Only shooting stars break the mold
It's a cool place and they say it gets colder
You're bundled up now, wait till you get older
But the meteor men beg to differ
Judging by the hole in the satellite picture
The ice we skate is getting pretty thin
The water's getting warm so you might as well swim
May world's on fire, how about yours?
That's the way I like it and I never get bored
"Brenda gising andito na tayo" banggit sa 'kin ni James. kinukusot ko ang aking mata habang naunat. Tumingin ako sa aking paligid. Nakita ko sila Alex at Jerson nagbababa na ng mga gamit.
"Brenda asan na gamit mo? Ako na magdadala?" banggit sa 'kin ni James. sinabi ko naman agad kung asan yung mga gamit ko. lakas ang simoy ng hangin malamig at medyo pagabi na. niyaya nako ni James na pumasok ng bahay.
"Oh guys tatlong kwarto mayroon dito actually apat pero yung isa naka lock." Banggit ni Alex samin. "James at Brenda magsama na kayo sa isang kwarto. Leo at Winnie kayo naman magkasama" Agad naman kami hinatid ni Alex sa mga kaniya kaniya naming kwarto. Ng nakapasok na kami ni James sa kwarto agad naman niya tong ni lock.
"Brenda handa ka na ba" banggit ni James sa 'kin habang unti unti niyang hinuhubad yung polo niya.
"Ah ja-James. parang ang bilis ata" banggit ko na nahihiya.
"Ano kaba okay lang yan" at lumapit siya sa 'kin na naka topless nalang siya.
"James wait lang maliligo lang ako"
"Wag kana maligo ok lang yan."
"Pero James. maliligo na muna ako." Agad namang sumangayon si James sa 'kin. Ako ang unang na ligo saming dalawa. At ng matapos ako si James naman yung sunod na naligo. Nakahiga ako sa kama nakatagilid yung position ko at nakaharap sa dingding. Maya maya lamang naramdaman kong tapos ng maligo si James. pinikit ko ang aking mata para kunwai nagtutulugtulugan ako. Ng maramdaman ko ng nakatabi sa 'kin si James. dahan dahan niyang hinahalikan yung balikat ko. hindi ko namn to na pigilan at agad akong humarap sakaniya. Ng pagharap ko sakaniya. Halos hindi ako makagalaw at makapagsalita sa nakita ko.
"Te-teka hi-hindii- to s-si- je-James" ang makita kong matandang lalaki na duguan at puno ng saksak at walang mga mata. Halos isang dangkal ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at Halos dumaloy ang dugo sa kama ko. agad naman akong napaatras sa nakita ko at napasigaw.
"JAMEEESS!" pasigaw kong sabi. Agad namang lumabas ng cr si James habang hinihingal.
"BRENDA UMALIS NA TAYO DITOO!" takot na pagkasabi sa 'kin ni James at hinihingal.
"May nakita ka din ba!?" takot kong pagka sabi kay James.
"MAY NAKITA AKONG MATANDANG LALAKI NA WALANG MATA DUGUAN AT PUNO NG SAKSAK SA KATAWAN!" agad naman kami tumakbo papunta sa pinot. At ng pagbukas namin ng pinto andun yung matandang lalaki na nakita namin.
"MAMATAY KAYONG LAHAAAAAAT!" sigaw ng matandang lalaki at napa sigaw kami ni James
"AAAAAHHHH!!!!"
"Brenda!! Gising na andito na tayo" nakahinga ako ng maluwag nung nalaman kong panaginip lang pala. Hingal na hingal ako ta pawisan sa napanaginipan ko.
"Napasarap na naman tulog mo ha?" banggit ni James sa 'kin habang naka ngit siya sa 'kin
"Kaya nga e hehe" banggit ko sakaniya na nahihiya. Gusto kong ikwento yung napanaginipan ko pero naisipan ko nalang na wag nalang.
"Brenda tara na magpapark na si kuya" aya sa 'kin ni Winnie. Lumabas na kami van dala dala ang mga gamit namin. Nang bumungad samin ang malaking rest house ni Alex. Malalaking bintana malaking pinto. Puro puno din sa paligid ng bahay nila. Lumapit sa 'kin si James at hinawakan ang kamay tapos pumasok na kami sa loob ng bahay. Grabe yung mga gamit nila sa bahay. Mga antique. Parang galing pato sa mga sina unang panahon. Lahat kami na mangha sa laki ng rest house nila Alex.
"Grabe Alex andito pala kalaki rest house nyo" banggit ni Winnie kay Alex. "Buti naaalagaan nyo to" pahabol na sabi ni Winnie.
"Oo naman kasi kung sakaling mawala si mama at papa ako ang magmamana nito" galing sa mayamang pamilya si Alex. Ng mapansin ko si Leo na pinagmamasdan talaga niya yung bawat display sa bahay nila Alex.
"LEO! Tara dito." Pasigaw na sabi ni Jerson. Ng makarating kami sa sala nila at upo. Dumating naman ang taga pangalaga ng bahay na si Mang Jose.
"Guys ito nga pala si Mang Jose siya yung taga pangalaga ng bahay nato." Banggit ni Alex samin. "Kung may kailangan kayo wag kayong magtanong sakaniya kasi siya lang naman nakakaalam ng pasikot sikot dito sa bahay na to."
Mukhang mabati naman si Mang Jose pero medyo nakakatakot parang nanlilisik yung mga mata niya.
"So guys ihahatid ko na kayo sa mga kaniyan kaniyang kwarto nyo. Then after nito may pupuntahan tayo."
"Saan naman tayo pupunta?" banggit ni Winnie
"Mangingisda tayo para sa uulamin natin mamayang gabi." At lahat at naghiyawan. At excited na.
"Teka parang ngyari na to?" banggit ko sa aking sarili.
"Nga pala apat yung kwarto dito.. pero dahil anim tayo. Tatlo tatlo sa bawat room para naman masaya haha. So kaming tatlong girls ang magkakasama at kayong tatlong boys ang magkakasama ok ba yun?" at lahat ay sumangayon sa pagkakaayus ni Alex. Umakyat na kami at pumunta sa mga kwarto namin.
"Uy Brenda bakit ayaw mo pa sagutin si James. e mukhang kayo na nga e" banggit ni Winnie sa 'kin habang naka ngiti sa 'kin.
"Oo nga gurl tsaka bagay naman kayong dalawa" sabat naman ni Alex.
"Hindi pa nga nanliligaw e haha" tawa kong sabi sakanilang dalawa.
"Alam mo medyo may pagkatrope kasi yung lalaki na yun. Pero hintayin mo malay mo magask naman siya diba?" bulyaw na sabi sa 'kin ni Alex.
"Tsaka daks yun si James kung alam mo lang HAHAHAHA!" banggit ni Winnie sa 'kin habang natawa.
"HAHA loko ka Winnie. O sha bababa na muna ako ha. Pagtapos nyo magayus baba na din kayong dalawa". At bumaba na si Alex ng kwarto para magcr. At habang naglalakd si Alex papuntang si naramdaman ni Alex na parang may sumusunod sakaniya. At nilingon naman niya to. Ngunit wala naman na sunod sakaniya. At muling naglakad si Alex sa ilang saglit lamang muli niyang naramdaman na may sumusunod sakaniya. Muli niyag nilingon ngunit wala siyan nakita.
Alex POV
"Sino yan!?" banggit ni ko. Dahan dahan akong lumalakad ng paatras. Nang magulat ako ng bigla akong hinila ni Jerson papunta sa cr at hinalikan sa labi.
"Babe ano ba!? Ginulat moko" takot na sabi ko kay Jerson.
"Okay lang yan babe. Ngayon masosolo na kita." agad naman bumalik si Jerson sa pagkakahalik niya sa 'kin. Nagsimula ng maghubad si Jerson ng tshirt at ganun din ako. Dahan dahan Napababa si Jerson ng halik at hinila ko naman agad to pataas. Laking gulat ako na makita ang batang duguan at puro saksak ang katawan. Naitulak ko si Jerson at napasiigaw.
"AAAHHH!!!" pasigaw nakong sabi. Agad naman lumapit si Jerson sa 'kin
"ALEX! Anong problema!?" banggit ni Jerson sa 'kin
"May nakita akong batang duguan at puro saksak ang katawan" takot na sambit k okay Jerson
"Ha? Sang bata? Wala akong nakikitang bata dito sa loob ng cr." Banggit ni Jerson habang ginagala niya yung mata siya sa loob ng cr. Maya maya lamang kumalma na ko at lumabas na sila ng cr na parang walang nangyari.
Brenda POV
Nang nasa labas na ulit kaming lahat para mangisda napansin ko si Alex na
parang may kakaiba sakaniya.
"Alex ok ka lang ba?" pabulong kong banggit kay Alex. Napatingin lang siya sa 'kin habang yakap yakap niya ang sarili niya.
"Oo Brenda ok lang ako" Agad naman ding lumabas si Mang Jose at sinundan namin siya. Dumaan kami sa gubat. Mataas ng puno. Lang ang aming na tatanaw.
"Mang Jose buti natatagalan kayo dito?" banggit ni James
"Oo naman ho sir. Medyo sanay na din naman ako dito"
"Mang Jose may nakikita ba kayong mga multo dito o nararamdaman?" banggit ni Jerson. Napatigil maglakad si Mang Jose at dahan dahan tumingin samin.
"Mayroon akong nararamdaman at mayroon din akong na kikitang multo. Lalo na sa loob ng bahay" Panakot niyang sabi samin. Nagulat kami sa sinabi ni Mang Jose. At muli kami lumakad sa kagubatan. Maya maya lamang nakarating na kami. Kung saan pwde kami mangisda. Bumalik na muli ang sigla ni Alex. Ang sarap ng lugar. Nakaka relax. Si Alex at Jerson ang magiihaw. Samantalang kami ni James ang mang huhuli ng isda at si Winnie at Leo naman ang maghahanap ng kahoy. Nagumpisa na kaming pumunta ni James sa pangpang para mang huli ng isda.
"James turuan moko hindi ako marunong nito hehe" banggit ko sakaniya. Lumapit naman si James sa 'kin para turuan ako. Nasa likod ko si James habang hawak hawak niya yung pamingwit ng isda. Hindi ko alam pero iba yung pakiramdam ko pagnagdidikit yung mga balat namin ni James. pakiramdam ko lumulutang ako. Ang sarap pala ng gantong pakiramdam.
nang naihagis na namin yung pisi sa pagpagumupo kami at nagusap.
"Masaya ka naman ba?" banggit sa 'kin ni James habang naka tingin sa 'kin.
"Oo naman sobrang saya ko hehe" bigla siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Brenda" banggit ni ni James sa 'kin. Bigla kami nagkatinginang dalawa. "I really really like you." Pahabol na sabi sa 'kin ni James. pakiramdam ko pulang pula yung mukha ko.
"Gusto din naman kita James." hiyang pagka sabi ko habang nakatingin sakaniya. Naka ngiti lang sa 'kin si James. halos hindi mabura yung mga ngiti niya sa labi.
"Puwde ba kitang ligawan?" banggit ni James.
"Oo na sinasagot na kita." Banggit ko sakaniya. Biglang natulala si James ng mga ilang segundo.
"Uy James okay ka lang?" banggit ko sakaniya
"Tama ba yung na rinig ko?"
"Haha oo James tama yung na rinig mo. Hindi ka pa nanliligaw sasagutin na kita." Ngiting banggit ko sakaniya.
"YES!!! WOOH!! I LOVE YOU BRENDA" pasigaw niyang banggit sa 'kin. Bigla niya kong inakbayan at inilapit sa mukha niya. Halos wala pa sa isang dangkal ang lapit namin sa isat isa. Unti unting lumalapit yung labi ni James sa labi ko. Kaya pumikit ako. Ng hinalikan ako ni James sa labi ng matagal. At ng naglayo ang mga labi namin
"I love you Brenda" banggit sa 'kin ni James. ang sarap sarap ang pakiramdam at ang saya saya.
"I love you too James" banggit ko sakaniya.
"Promise hinding hindi kita iiwan at sasaktan. Lagi kitang poprotektahan" Hinalikan niya ko sa noo at sa labi. Maya maya lamang pumunta na kami kila Alex para ibigay tong isdang na huli namin. Marami din kaming nahuli mga limang isdang malalaki din.
"Oh bat ganiyan ang mga ngiti niyong dalawa." Banggit ni Alex saming dalwa ni James.
"AHA! Pakiramdam ko kayo na?" banggit ni Alex sa 'kin. Itinaas namin ni James yung kamay naming naka holding hands.
"PAAAAKSHET!! BABE SILA NA NI BRENDA!!" pasigaw na sabi ni Alex at naghiyawan silang dalwa ni Jerson. Ng biglang dumating sila Winnie at Leo.
"Hoy hoy hoy anong kaingayan yan?!" banggit ni Winnie samin habang naglalakad sila papalapit samin.
"HULI KANA SA BALITA SILA NA NI JAMES HAHAHA!" nagulat si Winnie sa ibinalita ni Alex sakaniya.
"AY PUCHA NAMAN OH!" sipagaw na sabi ni Winnie at nag-apiran silang dalawa. Lahat ay masaya ng mga oras na yun. Masayang nagiihaw ng isda. Halos napagod sila Winnie maghanap ng kahoy.
Maya maya lamang na luto na ang mga isda kaya pinagpasiyahan namin na bumalik na ng bahay. Na banggit din ni Mang Jose na delikado maglakad sa kagubatan pagmadilim na. kaya agad agad kaming bumalik ng bahay. Ngan makarating na kami sa bahay. Inihanda na ni Mang Jose ang aming makakain.
"Mang Jose sumabay kana samin kumain" banggit ko sakaniya.
"Oo nga Mang Jose sumabay kana samin" banggit ni James sa 'kin. kumuha si Mang Jose ng pinggan at sumabay na din sa pagkain namin. Sa kalagitnaan ng aming pagkain napatanong si Jerson kung anong history ng bahay na tinutuluyan namin. Napatingin lang si Mang Jose kay Jerson. Pero sa ilang saglit lamang ay nagkwento na to.
"Masaya ang bahay na to dati. Pangarap ng magasawa na magkaroon ng anak. Dahil ilang taon na din sila nagsasama pero wala pa din silang anak. Nang may nakapagsabi sakanilang magasawa na magbigay ng alay sa malaking puno sa tabi ng bahay nila. At agad naman nilang sinunod ang nasabing kasabihan. Nagdasal na nagdasal ang babae na sana magkaanak na sila. Araw araw gabi gabi nagdadala ng alay ang babae sa puno. Nang dumating ang ilang araw nagulat nalang ang asawa niya na buntis na ito. Hindi makapaniwala ang magasawa sa nalaman nila. Kaya naman Pinaulit ulit nila ang pagPT"
"asawa ko buntis nga ako" sabi ng babae sa lalaki. Nagsisitalon ang lalaki sa tuwa.
"salamat sa Diyos pinakinggan niya ang ating dasal" Mas lalong naging masaya ang magasawa nung isinilang na ang bata. Napaka gwapong bata. Pero may isang araw na bumago sakanilang pamilya.
"mama papa maglaro tayo ng tagu taguan" Wika ng bata sa kaniyang magulang. Ngunit hindi siya pinapansin kasi busy ang kaniyang mga magulang tungkol sa mga business nila.
"mama papa sige na po maglaro na po tayooo" yaya ng anak nila sakanila. Nang mahila at mapunit ng bata ang papel na hawak ng papa niya agad naman nagalit ang papa niya at pinalopalo.
"ANG TIGAS NG ULO MONG BATA KA" pasigaw niyang banggit sabata habang pinapalo ang bata. Walang pakeilam ang mama niya habang pinapalo niya ito. Halos araw araw naging maiinitin ang ulo ng magasawa kaya naman lagi ito napapalo. Dumating pa sa punto na binubugbog na nila ang kaniyang anak dahil sa kakulitan nila. Ngunit dumating ang isang gabi na siyang ikinatakot ng magasawa.
"mama papa" banggit ng bata habang lumalapit sakanila.
"wala kaming oras para makipaglaro sayo!!!" galit na pagkakasabi ng papa niya. At ng nasa likod na nila yung anak nila. bigla nalang sinaksak ng kutsilyo yung papa niya.
"pagsinabi kong maglaro tayo maglalaro tayo" banggit ng bata habang nakataas ang kamay niya na may hawak na kutsilyo. Agad namang napa luhod ang papa niya dahil sa pagkakasaksak nito.
"JUSKO KANG BATA KA!!!" pagkagulat niyang sabi sa bata. at binato siya ng anak niya ng kutsilyo tinamaan siya sa gilid ng tyan niya.
"HAHAHA mga kawawang magulang. Hali ka't maglaro tayo ng tagutaguan"
"TAMAAA TIGILAN MO YAAAN!!" sigaw ng kaniyang mama kasabay nito ang pagdaloy ng dugo sa katawan. Ngunit tumatawa lang ng tumatawa ang bata. nakakatakot ang naging itsura ng bata. puro bugbog sakatawan at puro sugat sa katawan. At ng makita ng bata na kumukuha ng telephono ang kaniyang ama para tumawag ng saklolo agad naman niya tong binato ng kutsilyo at natamaan sa kamay.
"AAAGGGHHH!" sigaw ng kaniyang papa. Pilit na lumabas ang magasawa sa loob ng kwarto. Madaming dugo ang lumalabas sa katawan nila.
"Takbo! Ngayon tayo maglaro ng tagu taguan HAHAHA!" tawang banggit ng kanilang anak. "Tagutaguan maliwanagang buwan wala sa likod wala sa harap pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo isa dalawa tatlo" Agad na lumabas ang bata sa kwarto at hinanap na ang kaniyang magulang. Patuloy na naglalakad ang bata. ng may nakita siyang gumalaw sa likod ng aparador agad naman niya tong pinuntahan. Ng laking gulat ng papa niya na nakita siya ng anak niya. At pinagsasaksak niya ito hanggang sa mamatay. Muli nagsimula ulit maghanap ang bata.
"Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Muli naglakad ang bata para hanapin ang nanay niya. Ng makita ng bata yung bakita ng nanay niya naka silip sa pinto. At agad naman niyang binato ng kutsilyo. At natamaan yung nanay niya. Tumakbo ng tumakbo ang nanay niya hanggang sa makatago ulit.
"Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" Muli naglakad ang bata. ng mapansin niya yung dugo ng nanay niya sinundan niya naman to. At sa ilang saglit lamang habang naka talikod ang bata agad namang tumakbo ang mama niya papunta sakaniya para saksa 'kin.
"WALANG HIYA KANG BATA KA PAPATAYIN KITA!" banggit ng mama niya habang sinasaksak niya ang kaniyang anak. Iyak siya ng iyak pagkatapos niyang patayin ang kaniyang anak. Lumabas siya ng bahay at dun niya inilibang ang kaniyang anak sa malaking puno. Malakas ang hangin ng mga panahon na yun kasabay ang paglakas ng ulan. Ngunit magulat nalang ang kaniyang mama na biglang nagsalita ang bata.
"Tagu taguan maliwanagang buwan. Wala salikod wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa dalawa tatlo" At pinagsasaksak ng bata ang kaniyang mama. Ngunit pagkatapos niyang patayin ang mama niya kumidlat ng malakas at tumama sa puno at natumbahan sila ng malaking puno.
matapos maikwento ni Mang Jose ang history ng bahay na yun. Halos lahat kami nakanganga at nakatulala.
"Mang Jose! Tama na nga yan! Tinatakot mo lang kami e" takot na pagka sabi ni Alex kay Mang Jose.
"Sabi na nga ba't may history ang bahay na to" banggit ni Leo samin at lahat kami napatingin sakaniya.
"Guys mga kwento lang naman yan ni Mang Jose bakit ba kasi kayo na niniwala?" banggit ni Jerson.
"Guys nakakatakot na parang gusto ko ng umalis dito." Banggit ni Winnie habang na nginginig.
"Oh siya siya iinom nalang natin yan para naman mawala yang takot niyo" agad naman kami pumunta sa sala para magsaya at maginom. Kinuha na nila James at Jerson yung alak sa ref. habang kaming naman ni Alex ay kumuha ng pulutan. Habang nakakasarapan ng inom. Nakatanggap ako ng text na galing kay mama