LIWAYWAY 2

1505 Words
Dala ang bigat ng loob mula sa mansyon, pinili ni Roxie na maglakad-lakad muna sa paligid ng San Sebastian. Pinaiwan niya si Akiko sa sasakyan dahil kailangan niya ng katahimikan. Habang binabaybay ang kalsadang napapaligiran ng luntiang bukid, hindi niya mapigilang mapaisip. Is it really my fault? tanong niya sa sarili. Is success supposed to be this lonely? Napatigil siya sa paglalakad nang mapansin ang kumpol ng mga tao sa tapat ng isang covered court. May isang malaking truck doon na puno ng mga sako ng binhi. Ngunit ang kumuha ng kanyang atensyon ay ang isang lalaking naka-puting t-shirt at maong na pantalon. Seryoso itong nakikipag-usap sa mga magsasaka at personal na tumutulong sa pagbubuhat ng mga sako. Walang arte itong gumagalaw sa ilalim ng sikat ng araw. Kahit pinagpapawisan, nananatiling maaliwalas at disente ang mukha nito. May kung anong kakaiba sa aura ng lalaki—isang klase ng karisma na hindi nakukuha sa mamahaling suot, kundi sa paraan ng pakikitungo nito sa mga tao. Napansin ni Roxie ang isang matandang babaeng nakaupo sa isang tabi habang nagpapaypay. Nilapitan niya ito. "Excuse me po, Nay. May event po ba rito? Bakit parang ang busy ng lahat?" malumanay na tanong ni Roxie. Napatingin ang matanda sa kanya, bakas ang pagkamangha sa ganda ng babaeng nasa harap niya. "Ah, naku, iha. Namimigay ng tulong ang munisipyo para sa mga magsasakang nasalanta ang pananim. Hindi kasi kami pinababayaan ng ating Mayor." Masayang sagot ng ginang sa kanya. Muling ibinaling ni Roxie ang tingin sa lalaking nasa gitna ng kumpulan. Nakita niyang inabutan nito ng tubig ang isang matanda bago ito tinapik sa balikat nang may tapat na ngiti. "Mayor? Siya po ba ang alkalde rito?" tanong muli ni Roxie, tila hindi maalis ang tingin sa binata. "Oo, iha. Si Mayor Atlas 'yan. Atty. Atlas Django Gatmaitan ang buong pangalan," sagot ng matanda na may himig ng pagmamalaki. "Napakabait na bata niyan. Hindi lang 'yan basta nakaupo sa opisina, talagang bumababa 'yan dito sa amin para tumulong." Dagdag ng ginang hindi maalis ang ngiti sa labi nito. "Atlas..." mahinang sambit ni Roxie sa kanyang isipan. Parang huminto ang mundo ni Roxie nang biglang lumingon si Atlas sa direksyon nila. Sa isang iglap, nagtama ang kanilang mga mata. Sandaling natigilan ang lalaki, tila nahulog din sa ganda ng estrangherang nakatayo sa gilid ng kalsada. Kahit malayo, naramdaman ni Roxie ang kakaibang kaba na hindi niya naramdaman kahit sa pinakamalalaking business meetings niya sa Maynila. "Bakit, iha? Ngayon ka lang ba nakakita ng guwapong Mayor?" biro ng matanda nang mapansing nakatulala si Roxie. "Huwag kang mag-alala, single pa 'yan... ay, balita ko pala ay may nobya na, ang anak ng dating alkalde na si Sir Weston." Parang may biglang bumaon na tinik sa puso ni Roxie. Ang kaninang paghanga ay hinaluan ng pait nang marealize niya kung sino ang tinutukoy ng matanda. "So, he's the one..." bulong ni Roxie sa sarili. "May sinasabi ka, iha?" tanong ng matanda. "Ah, wala po, Nay. Napansin ko lang na... napaka-dedicated niya sa trabaho niya. Bihira na ang ganyang politiko," pilit na ngiti ni Roxie bago nag-iwas ng tingin. Habang naglalakad palayo, ramdam ni Roxie ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Sa gitna ng sakit na dala ng kanyang pamilya, tila biglang nagkaroon ng kulay ang paligid dahil sa isang lalaking Atlas ang pangalan. Ngunit kasabay nito ang takot—dahil ang lalaking ito ay pagmamay-ari na pala ng sarili niyang kapatid. Mabigat ang bawat hakbang ni Roxie pabalik sa mansyon ng mga Albarando. Ang imahe ni Atlas sa gitna ng bukirin ay pilit niyang iwinawaglit sa kanyang isipan, lalo na’t alam niyang may nagmamay-ari na rito. Pagpasok niya sa bahay, nadatnan niya ang kanyang ina sa sala na tila balisa. “Ma, I’m leaving,” diretsahang bungad ni Roxie. Napatayo si Alma, bakas ang lungkot sa mga mata. “Anak, ganoon na lang ba? Kararating mo lang. Hayaan mong kausapin ko si Paula pag-uwi niya.” Umiling si Roxie at lumapit para hawakan ang mga kamay ng ina. “No, Ma. Ayaw ko nang lumala pa ang gulo rito. Paula needs this home to feel secure, and my presence is only making her feel threatened. It’s better if I go.” “Pero saan ka pupunta? Babalik ka na ba agad sa Maynila?” tanong ni Alma na tila ayaw pa siyang bitawan. Huminga nang malalim si Roxie. Sa totoo lang, may kung ano sa San Sebastian na ayaw niyang iwan. Hindi lang dahil sa kanyang ina, kundi dahil sa kapayapaang naramdaman niya sa gitna ng bukid—at marahil, dahil na rin sa estrangherong nakita niya kanina. “Hindi muna, Ma. Maghahanap muna ako ng matutuluyan malapit dito,” sagot ni Roxie bago hinalikan ang ina sa pisngi. “I’ll call you, okay? Mag-iingat po kayo rito.” Paglabas ni Roxie ng mansyon, naghihintay na si Akiko sa tabi ng nakabukas na pinto ng sasakyan. Ramdam ng sekretarya ang tensyong dala ng kanyang boss, kaya nanatili muna itong tahimik hanggang sa makasakay sila. Nang umandar na ang sasakyan, tumingin si Roxie sa bintana, pinagmamasdan ang malawak na lupain ng San Sebastian na unti-unting lumalayo. “Akiko,” tawag niya sa kanyang sekretarya nang hindi inaalis ang tingin sa labas. “Yes, Ma’am Roxie? May kailangan po kayo?” Agad niya na tanong. “I want you to look for a vacant land here in this barrio. Something big,” seryosong utos ni Roxie. Ang kaninang malungkot na boses ay napalitan ng awtoridad ng isang CEO. Nagulat si Akiko. “Land po, Ma’am? Dito po sa San Sebastian?” Pag-uulit niya dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kanyang boss. “Yes. I want to build my own hacienda here. I want a place where I can truly belong, without feeling like an intruder,” deklara ni Roxie. “Gusto ko ’yung lupang malapit sa baryo, ’yung natatanaw ang ganda ng probinsyang ito.” Dagdag niyang utos habang nanatiling nakatingin sa labas. “Masusunod po, Ma’am. I’ll start coordinating with the local real estate agents immediately,” mabilis na sagot ni Akiko, pa simple siyang ngumiti. Sumandal si Roxie sa upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Sa kanyang isip, hindi lang hacienda ang itatayo niya. Magtatayo siya ng sarili niyang mundo sa lugar kung saan naroon ang kanyang ina, ang kanyang karibal na kapatid, at ang lalaking si Atlas na hindi niya maalis-alis sa kanyang sistema. ----- Pagdating sa pinakamalaking hotel sa sentro ng bayan, agad na sumabak sa trabaho si Roxie. Para sa kanya, ang trabaho ang tanging bagay na hindi siya binibigo—ang tanging aspeto ng buhay niya na kaya niyang kontrolin. Sa loob ng kanilang suite, nakalatag sa malaking lamesa ang mga blueprints at legal documents. Sa gitna ng katahimikan, tanging ang tunog ng keyboard ni Akiko at ang pagbuklat ng mga papel ang naririnig. "Ma'am, heto na po 'yung draft ng contract para sa bagong branch ng Liwayway Jewelry sa itatayong mall dito sa probinsya," ulat ni Akiko habang iniaabot ang isang folder. "The management is very excited to have you. Malaking boost daw po sa image ng mall nila ang brand niyo." Kinuha ni Roxie ang folder at mabilis na nirepaso ang bawat detalye. "Good. Make sure the location of our boutique is near the main entrance. I want high visibility. And Akiko, about the local suppliers for the materials... double-check if they can meet our standards." "Copy, Ma'am," sagot ni Akiko, pero sandali itong natigilan bago muling nagsalita. "Ma'am... regarding po sa lupang pinapahanap niyo kanina, may nakuha na akong leads. May isang malawak na farm lot na for sale, just a few minutes away from your mom's place. Pero Ma'am, lahat po ng malalaking land transactions dito, kailangang dumaan sa Municipal Hall para sa clearance." Magandang balita ni Akiko sa kanya. Bahagyang natigilan si Roxie. Naalala niya ang mukha ni Mayor Atlas. Kung magtutuloy-tuloy ang plano niya, hindi lang basta sulyap ang mangyayari. Magkakaharap sila nang pormal. "Then prepare the necessary documents," tugon ni Roxie, pilit na itinatago ang kaba. "Business is business. Kailangan nating ayusin ang permit para sa mall branch, at isabay mo na ang documentation para sa bibilhin kong lupa." "Noted po. Set ko na po ba ang meeting with the Mayor's office tomorrow?" Napatingin si Roxie sa labas ng bintana. Mula sa kanyang suite, tanaw ang mga ilaw ng bayan ng San Sebastian "Yes. The sooner, the better. Ayaw kong masayang ang oras natin dito." Huminga siya nang malalim habang hinahawakan ang isang mamahaling ballpen. She looked every bit the powerful CEO that she was, but deep inside, there was a lingering curiosity. Paano kaya siya tatanggapin ng Mayor? At ano ang gagawin ni Paula kapag nalaman nitong hindi lang basta bakasyon ang pakay niya rito, kundi ang tuluyang manatili sa teritoryo ng mga Albarando? "I'm not just a visitor anymore," bulong ni Roxie sa sarili habang nilalagdaan ang isa sa mga dokumento. "I'm making this place my home, whether they like it or not." . . . . ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD