LIWAYWAY 3

2003 Words
Ang hangin sa loob ng conference room ay tila naging kasing-lamig ng naka-set na aircon nang magsimulang magsalita si Roxie. Nakalatag sa harap niya ang makapal na floor plan ng itatayong San Sebastian Grand Mall. Sa paligid ng mesa, ang tatlong matatandang developers ay bakas ang kaba habang naghihintay sa hatol ng sikat na designer. “Let’s be honest, gentlemen,” panimula ni Roxie habang dahan-dahang itinatabi ang folder. “The spot you’re giving me is a dead end. It’s near the food court. Why would I put a multi-million jewelry boutique beside a place that smells like fried chicken and burgers?” Bahagyang pinawisan ang head developer na si Mr. Soriano. “Ma’am Roxie, high-traffic area po ang part na ’yan. Maraming tao ang dadaan—” “People who are looking for a quick lunch, Mr. Soriano. Not people who are looking to invest in a five-carat diamond ring,” mabilis na putol ni Roxie. She leaned forward, her eyes sharp and focused. “I’m not just renting space; I’m bringing the Liwayway brand to your town. My clients from Manila and neighboring provinces will travel here just for my pieces. And I want them to feel the luxury the moment they step into the mall.” “Pero Ma’am, ’yung corner space po sa East Wing na gusto niyo… naka-reserve na po ’yan sa isang international brand. Nakapirma na po sila ng letter of intent,” paliwanag ng isa pang board member. Roxie tilted her head slightly, a small, playful smile appearing on her lips. “Letter of intent is not a contract. Hangga’t walang pirma, walang commitment. Tell them I’ll pay double the reservation fee they offered. And in return, I’ll handle the grand opening’s marketing. My social media following alone can bring more people to your mall than that clothing brand ever will.” Nagkatinginan ang mga developers. Ramdam nila ang bigat ng pangalan ni Roxie Russo. Sa mundo ng negosyo, ang kanyang pangalan ay katumbas ng sigurado at mabilis na kita. “Ma’am, it’s a very bold move. Baka magalit ang kabilang brand,” bulong ni Mr. Soriano. “Business is bold, Mr. Soriano. If you’re afraid to offend people, you’re in the wrong industry,” Roxie said as she stood up, smoothing her skirt. “I’m giving you twenty-four hours to decide. Either I get that East Wing corner, or I take my business to the next town. I heard they’re also planning to build a lifestyle center there.” Agad na nag-ingay ang mga board members, halatang natakot sa banta ni Roxie. “Wait, Ma’am! No need for that. Sige po, kakausapin namin ang kabilang brand. We will make a way. Ang Liwayway ang priority namin.” Roxie gave a satisfied nod. “Good. Akiko will handle the technicalities. I want the final contract on my desk tomorrow morning. Make sure the security protocols are top-notch—I don’t play around when it comes to my jewelry’s safety.” “Masusunod po, Ma’am Roxie,” sabay-sabay na sagot ng mga ito. Nang makalabas na ang mga developers, huminga nang malalim si Roxie at naupo muli. Kinuha ni Akiko ang tablet nito para i-update ang schedule. “Ma’am, you were on fire! Wala talagang nakakapalag sa ’yo kapag business na ang usapan,” bilib na sabi ni Akiko. “It’s the only way to get what you want in this world, Akiko. Kapag mahina ka, aapihin ka lang nila,” seryosong tugon ni Roxie, pero ang isip niya ay biglang bumalik sa eksena sa mansyon kahapon. Naalala niya kung paano siya maliitin ni Paula at ni Weston. Sa business, siya ang reyna. Pero sa sarili niyang pamilya, tila wala siyang puwang. “Ma’am, malapit na po ang appointment natin sa Municipal Hall,” paalala ni Akiko. “Handa na po ang lahat ng documents para sa bibilhin nating lupa sa baryo. Ready na po ba kayong harapin ang Mayor? Tumawag na po ang secretary ni Mayor Atlas. Confirm na po ang appointment niyo sa Municipal Hall mamayang hapon para sa mga business permits at clearance ng bibilhin niyong lupa." Natigilan si Roxie. Ang kaninang seryosong mukha ay bahagyang nabahiran ng kaba. "Did they ask who the client is?" Tanong niya kay Akiko. "Ang sinabi ko lang po ay representative ng Liwayway Corp. Hindi ko muna binanggit ang pangalan niyo para surprise," nakangiting sagot ni Akiko. Tumingin si Roxie sa kanyang repleksyon sa bintana. Muling bumalik ang imahe ni Atlas Django Gatmaitan—ang lalaking simple pero tila kayang itigil ang mundo niya sa isang tingin lang. “Ready or not, we have to go,” sabi ni Roxie habang kinukuha ang kanyang designer bag. “Let’s see if Mayor Atlas is as tough as I am when it comes to negotiations.” Tumayo si Roxie at lumapit sa salamin para ayusin ang kanyang buhok. "Good. Let's see if the Mayor is as professional as they say he is. Ayaw kong isipin niya na pumunta lang ako rito para magbakasyon." Sa kabila ng kanyang pagiging matapang sa harap ng mga negosyante, alam ni Roxie na iba ang laban mamaya. Hindi lang ito tungkol sa pirma at permit—ito ay tungkol sa muling pagkikita nila ng lalaking hindi mawala sa kanyang isipan mula pa kahapon. Dahil sa tagumpay ng meeting kaninang umaga, minabuti nina Roxie at Akiko na kumain muna sa isang kilalang garden restaurant malapit sa kapitolyo. Dinala ni Roxie si Akiko sa isang sikat na garden restaurant na matatagpuan sa gilid ng isang tahimik na sapa. Malayo ito sa ingay ng Maynila; dito, tanging huni ng mga ibon at kalansing ng mga baso ang maririnig. Ang sariwang hangin at ang amoy ng namumukadkad na mga bulaklak ay sapat na sana para pakalmahin ang sistema ni Roxie—kung hindi lang sana siya tinititigan nang makahulugan ng kanyang sekretarya. “Ma’am, grabe ’yung aura niyo kanina. I think Mr. Soriano almost had a heart attack,” biro ni Akiko habang inilalapag ang order nilang Sinigang na Bangus at Pinakbet. Natawa nang bahagya si Roxie, isang bihirang pagkakataon na makita siyang relaks. “They just needed a little push, Akiko. Businessmen here are too polite. Minsan, kailangan mo silang alugin para marealize nila ang value ng deal na inaalok mo.” “Sabagay po. Pero Ma’am, pansin ko lang… you seem more driven today. Is it because of the mall, or is it because we’re headed to the Mayor’s office later?” panunukso ng sekretarya. Uminom muna si Roxie ng tubig bago sumagot. She tried to keep her face neutral, pero hindi niya maitago ang bahagyang pamumula ng pisngi. “It’s purely professional, Akiko. I want that land. It’s a perfect investment. And besides, I need a place where I can breathe away from Paula’s drama.” “Sus, Ma’am. I saw how you looked at him yesterday sa baryo. Hindi lang ’yun basta investment look. That was a crush at first sight look,” tawa ni Akiko. “Akiko, stop it,” saway ni Roxie pero may halong ngiti. “I’m thirty-five. I’m too old for schoolgirl crushes. At saka, remember what that old lady said? He has a girlfriend. And unfortunately, it’s my sister.” Biglang naging seryoso ang mukha ni Akiko.“’Yun lang po ang problema. Knowing Paula, she won’t let him go easily. Lalo na’t kapatid niya ang karibal niya.” Sagot nito. “I’m not here to steal anyone’s boyfriend,” seryosong tugon ni Roxie habang pinaglalaruan ang kanyang tinidor. “I’m here for my business and my peace of mind. Pero hindi ko rin itatago… there’s something about him. He looks so genuine. Masyadong malayo ang image niya sa mga lalakeng nakikilala ko sa Makati na puro pera at power lang ang nasa isip.” “Well, you’re about to find out if he’s the real deal, Ma’am. Time to go,” ani Akiko habang tumitingin sa relo. ____ Habang binabaybay ng kanilang sasakyan ang malawak na kalsada patungo sa sentro ng bayan, hindi mapakali si Roxie sa kanyang upuan. Hawak niya ang kanyang iPhone, seryosong nakatingin sa screen, pero ang totoo ay kanina pa siya pabalik-balik sa iisang pahina. “Ma’am, stop staring at your phone. Kanina pa po kayo nag-i-scroll sa website ng Municipal Hall pero iisang page lang naman ang tinitignan niyo,” pang-aasar ni Akiko habang sumisipsip ng kanyang fruit shake na binili nila bago sumakay. Napaayos ng upo si Roxie at mabilis na itinabi ang cellphone sa kanyang bag, bagaman huli na ang lahat. “I’m just reviewing the town’s land use plan, Akiko. Business, remember? I need to know if the soil in that barrio is stable for the hacienda I’m planning to build.” “Land use plan o profile ni Mayor Atlas?” tumatawang hirit ni Akiko, hindi hinahayaang makalusot ang boss. “Ma’am, kilala kita. Labing-limang taon na tayong magkasama. ’Yung titig niyo kahapon sa baryo habang pinapanood si Mayor na nagbubuhat ng sako? Iba ’yun, Ma'am. Para kayong nasa pelikula, kulang na lang ng slow motion at background music na pang-drama.” “Akiko, please. He’s just a Mayor. And he’s young! Six years is quite a gap,” depensa ni Roxie. Ramdam niya ang bahagyang pag-init ng kanyang mga pisngi, isang bagay na bihirang mangyari sa isang malamig at kalkuladong CEO na tulad niya. “Sus! Six years lang naman ang gap niyo, Ma’am! In this generation, age is just a number. At saka, aminin mo, he’s a total package. Attorney na, Mayor pa, tapos ang lakas pa ng dating kahit pawisan. Very probinsyano-hero vibe,” patuloy ni Akiko, lalong lumalapad ang ngiti. “I bet even your jewelry pieces would look better on him than on those models in Manila.” dagdag pa nito sabay kindat. “You’re being ridiculous,” irap ni Roxie, pero hindi niya mapigilang mapangiti nang palihim habang nakatingin sa labas ng bintana. “I just find it refreshing to see someone in power who actually gets their hands dirty. Hindi tulad ng mga suitors ko sa Manila na puro golf, business stocks, at luxury cars lang ang alam. There’s something... raw and honest about him.” “Ayun! Refreshing pala ha,” muling hirit ni Akiko, sabay sundot sa tagiliran ni Roxie. “Pero Ma’am, seryoso. Paano kung maging seryoso ’to? I mean, what about Paula? Alam mo naman ang ugali ng kapatid mo. Baka sunugin ang buong San Sebastian kapag nalaman niyang pati ang Mayor na boyfriend niya ay nahalina sa ganda ng nag-iisa niyang karibal.” Nawala ang ngiti ni Roxie at napalitan ng isang malalim na buntong-hininga. Ang saya sa kanyang mga mata ay napalitan ng pait nang maalala ang tagpo sa mansyon. “That’s the thing, Akiko. I don’t want to cause more trouble. I came here for peace, not to start a war with my own blood. At kung si Atlas ang magiging dahilan ng away namin ni Paula, then I’ll just stay away. Professional lang dapat lahat.” Seryoso na sagot niya, dahil ayaw na niyang madagdagan ang galit ni Paula sa kanya. “Professional? Sus, sige po. Panindigan niyo ’yan mamaya sa office niya,” sagot ni Akiko habang inaayos ang kanyang mga folders para sa meeting. “Pero Ma’am, paunawa lang ha? Kapag nagtama ang paningin niyo mamaya at bigla kayong na-blanko sa sasabihin niyo tungkol sa permit, ako na ang sasalo. Baka kasi matulala kayo sa mga mata ni Mayor at makalimutan niyo na CEO kayo.” “Akiko! Tumigil ka na nga,” saway ni Roxie, sabay tawa nang mahina. Sa kabila ng asaran, ramdam ni Roxie ang kaba. Habang papalapit sila sa Municipal Hall, hindi niya maipaliwanag kung bakit mas nakaka-tense pa ang kikitain niyang Mayor kaysa sa mga bilyonaryong investor na nakakaharap niya sa ibang bansa. I'm just here for the land, bulong niya sa sarili. Nothing more. Pero alam niya, sa sandaling magbukas ang pinto ng opisina ni Atlas, hindi na lang basta negosyo ang nakataya. . . . ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD