LIWAYWAY 4

1782 Words
Pagbaba pa lang ni Roxie sa sasakyan ay tila huminto na ang oras sa paligid ng Municipal Hall. Ang kanyang bawat hakbang sa lobby ay sinasabayan ng awtoridad—ang tunog ng kanyang mamahaling stilettos sa granite na sahig ay tila isang martsa na nagpapalingon sa bawat empleyadong nadadaanan niya. Suot ang isang sophisticated na navy blue blazer na hapit sa kanyang katawan at ang kanyang buhok na perpektong naka-style, hindi siya mukhang turista; mukha siyang reynang handang sakupin ang bayan. “Ang ganda naman niyan, taga-Manila siguro,” rinig niyang bulungan ng mga tao, pero nanatiling diretso ang tingin ni Roxie. Sa likod niya, bitbit ni Akiko ang mga folder at ang isang malihim na ngiti. Nang makarating sila sa tapat ng opisina ng alkalde, agad silang pinagbuksan ng sekretarya. “Tuloy po kayo, Ma’am. Kanina pa po kayo hinihintay ni Mayor.” Pagpasok nila, bumungad ang isang silid na kakaiba sa mga opisinang nakasanayan ni Roxie sa Makati. Amoy kape, lumang libro, at sariwang hangin ang paligid. Nakatungo si Atlas sa likod ng kanyang malaking lamesang gawa sa narra, seryosong nagsusulat at may suot na salamin na lalong nagpadagdag sa kanyang pagiging intelektwal. “Mayor, nandito na po ang representative ng Liwayway Corp,” anunsyo ng sekretarya. “Sandali lang, tapusin ko lang itong memo,” sagot ni Atlas nang hindi tumitingala. “Maupo muna kayo.” Nanatiling nakatayo si Roxie, pinagmamasdan ang bawat detalye ng mukha ng binata. Nang sa wakas ay matapos ito at dahan-dahang tumingala para ayusin ang kanyang salamin, biglang tumigil ang mundo ni Atlas. Sa isang iglap, nabitawan niya ang kanyang hawak na mamahaling ballpen na gumulong pa sa ilalim ng lamesa. Nanlaki ang kanyang mga mata. Ang pagiging pormal at seryosong alkalde ay tila naglaho nang makita ang babaeng nasa harap niya. Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo; hindi niya inakalang ang babaeng nakita niya kahapon sa baryo na mukhang simpleng nagbabakasyon ay ang sikat at makapangyarihang CEO na si Roxieleen Russo. “Ikaw?” tanging nasambit ni Atlas, ang kanyang boses ay naging paos at puno ng pagkagulat. Roxie maintained her composure, although her heart was thumping wildly against her chest. She gave him a professional yet mesmerizing smile—the kind of smile that could close a billion-peso deal. “Good afternoon, Mayor. Surprise?” Napalunok si Atlas. Dahan-dahan siyang tumayo, tila hindi pa rin makapaniwala. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ang babaeng nakita niya kahapon na nakatayo lang sa gilid ng kalsada ay mukhang reyna ngayon sa loob ng sarili niyang opisina. May kakaibang ningning ang mga mata nito na tila ba hinihigop ang lahat ng konsentrasyon niya. “Ms. Russo… I… I didn’t expect this,” nauutal na simula ni Atlas. Mabilis niyang tinanggal ang kanyang salamin at inayos ang kanyang pustura, bagaman bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkalito. “I mean, I heard the CEO was coming, but I didn't realize it was you.” Narinig ni Roxie ang mahinang ubo ni Akiko sa likuran niya—isang senyales na tinutupad ng kanyang sekretarya ang pangakong asarin siya sa pamamagitan ng titig. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang si Roxie ang tila natulala; maging ang Mayor ng San Sebastian ay tila nakalimutan din kung paano maging isang abogado. “Sit down, please,” pag-aanyaya ni Atlas, na tila nahimasmasan nang kaunti pero hindi pa rin maalis ang tingin sa mga mata ni Roxie. “I apologize for my reaction. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang may-ari ng pinakamalaking jewelry corp sa bansa ay personal na bibisita sa maliit naming bayan.” “Well, Mayor, I have a very special interest in San Sebastian,” sagot ni Roxie habang marahang nauupo, ang kanyang bawat galaw ay puno ng grace. “And after seeing how you manage your people yesterday, I became even more interested.” Nagkatinginan silang dalawa—isang tinginang puno ng kuryente at mga tanong na hindi masabi ng mga salita. Sa loob ng opisinang iyon, tila nawala ang usaping business; ang tanging nandoon ay ang dalawang taong nakatadhana yatang magtagpo sa maling pagkakataon. Inayos ni Atlas ang mga papeles sa kanyang mesa nang may bahagyang panginginig ang kamay, isang bagay na pilit niyang itinatago. Bawat galaw ni Roxie—ang pag-ayos nito ng upo, ang banayad na pag-amoy ng kanyang pabango na tila pinaghalong rosas at mamahaling leather—ay nagsisilbing distraksyon sa kanyang utak na sanay sa lohika at batas. “So, Ms. Russo,” panimula ni Atlas, pilit na pinatitigas ang boses upang hindi mahalata ang kaba. Ibinaling niya ang tingin sa hawak na dokumento. “Nandito ang records mo. Liwayway Jewelry Corp. CEO, world-renowned designer, at may-ari ng kung anu-anong luxury brands. To be honest, as a public servant, medyo naguguluhan ako. Bakit ang isang tulad mo ay personal na naglalakad ng land permit para sa isang farm lot dito sa San Sebastian? You could have sent a lawyer or a legion of assistants to do this for you.” Bahagyang sumandal si Roxie sa kanyang silya, ang bawat kilos niya ay tila isang nakaplano pero natural na sayaw. Pinagkurus niya ang kanyang mga binti, at ang tunog ng pag-gasgas ng kanyang stockings ay tila kuryenteng gumapang sa pandinig ni Atlas. “I like to be hands-on with my investments, Mayor. Hindi ako naging CEO sa pamamagitan ng pag-asa lang sa pirma ng iba,” malumanay pero may awtoridad na sagot ni Roxie. “At saka, gaya ng sinabi ko kanina, I found this town… interesting. I don’t just buy land; I buy a future. Gusto kong makasiguro na ang lupang bibilhin ko ay nasa ilalim ng pamamahala ng isang taong may integridad.” Tinitigan ni Atlas ang mapa ng lupain na isinumite ni Akiko. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, ang kanyang mga daliri ay dumaan sa hangganan ng guhit sa mapa. “Itong loteng tinitignan mo… ito ’yung malapit sa hangganan ng Hacienda Albarando. This is a huge prime land, Ms. Russo. Halos sampung ektarya ito ng malatandang gubat at matabang lupain,” paliwanag ni Atlas habang tinitignan si Roxie nang diretso. “Overqualified ang credentials mo para lang sa isang simpleng residential or farm permit. Sa laki nito, baka ang balak mo ay magtayo ng factory na makakasira sa eco-system namin? O baka naman isang malaking resort na gagawing commercialized ang payapang baryo na iyon?” “Nothing that complicated, Mayor,” diretsong sagot ni Roxie. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig nang malalim sa mga mata ng binata, tila ba binabasa ang kaluluwa nito. “I just want a home. A sanctuary. Isang lugar kung saan hindi ko kailangang magsuot ng maskara. Somewhere I can just be Roxie, and not the CEO everyone expects me to be—na kailangang laging perpekto, laging matatag, at laging nananalo.” Sandaling natigilan si Atlas. Ang depensibong tono niya ay biglang lumambot. Ramdam niya ang pagod at katapatan sa boses ng babae—isang aspeto ng pagkatao nito na hindi makikita sa mga magazine. “Isang Roxie Russo, titira sa isang tahimik na baryo kung saan ang pinaka-maingay na maririnig mo ay ang tilaok ng manok at huni ng kuliglig?” mahinang sambit ni Atlas, may bahid ng pagkamangha. “Hindi ko maisip na ang isang reyna ng fashion na sanay sa red carpet ay maglalakad sa maputik na daan ng San Sebastian tuwing tag-ulan.” “Well, nakita mo naman ako kahapon, hindi ba?” biro ni Roxie na may kasamang matamis na ngiti, ang kanyang mga mata ay nag-twinkle sa ilalim ng ilaw ng opisina. “I survived the dirt. I think I can survive living here... especially if the neighbors are as welcoming as you.” Bahagyang natawa si Atlas—isang malalim at tapat na tawa na nagpalambot sa kanyang hitsura. Ang tunog na iyon ay tila musika sa pandinig ni Roxie, dahilan upang sandaling huminto ang t***k ng kanyang puso. “Point taken. You’re tougher than you look, Ms. Russo,” amin ni Atlas, habang dahan-dahang isinusulat ang kanyang inisyal sa gilid ng dokumento. “Pero bilang Mayor, kailangan ko pa ring dumaan sa tamang proseso. Kailangan kong malaman kung ang intensyon mo ay hindi makakasagabal sa—" Hindi natapos ni Atlas ang kanyang sasabihin nang biglang mabasag ang katahimikan ng silid. Isang malakas na vibration at masiglang ringtone ang umalingawngaw mula sa ibabaw ng kanyang mesa. Dahil sa posisyon ni Roxie, kitang-kita niya ang liwanag ng screen. Ang caller ID ay hindi isang pangalan ng opisyal o kliyente. Isang malaking pangalan ang nakasulat, may kasama pang pulang puso sa dulo: Ang caller ID: "Love ❤️" Tila ba binuhusan ng malamig na tubig si Roxie. Ang kaninang mainit at komportableng atmospera sa pagitan nila ay biglang naglaho, napalitan ng isang pader na gawa sa yelo. Ang kislap sa mga mata ni Atlas ay napalitan ng kaba at pagkabalisa habang mabilis nitong tinignan ang cellphone at pagkatapos ay sumulyap nang may pag-aalinlangan kay Roxie. Ang phone ay patuloy sa pag-ring, tila ba nagmamadali, tila ba nagmamarka ng teritoryo sa loob ng silid na iyon. “You should take that, Mayor. It might be important,” malumanay na sabi ni Roxie, kahit na parang may kung anong bumaon sa dibdib niya nang mabasa ang tawagan ng dalawa. Napilitan si Atlas na sagutin ang tawag. “Hello, Love?” Narinig ni Roxie ang boses sa kabilang linya—matinis, masaya, at puno ng pagmamay-ari. Boses ni Paula. “Love! Nasaan ka na? Sabi mo lunch tayo today? Nandito na ako sa baba ng Municipal Hall, paakyat na ako sa office mo. I have a surprise for you!” sabi ni Paula na sapat na ang lakas para marinig sa tahimik na silid. “Wait, Love, may meeting pa ako—" hirit ni Atlas, pero huli na dahil narinig na nila ang mabilis na yabag ng takong mula sa labas ng hallway. Tumingin si Atlas kay Roxie, bakas ang matinding pagkapahiya at taranta sa kanyang mga mata. “Ms. Russo, I’m so sorry, it’s… it’s Paula.” Ngumiti si Roxie, pero ang ngiting iyon ay hindi na umabot sa kanyang mga mata. Ito ang ngiti ng isang CEO na sanay magtago ng sakit. “I know, Mayor. She’s my sister.” Eksaktong pagkasabi niyon ay bumukas ang pinto at pumasok si Paula na may bitbit na paper bag ng pagkain. Natigilan ang dalaga nang makita kung sino ang nakaupo sa tapat ng kanyang nobyo. “Ate Roxie?!” gulat na sigaw ni Paula, bago mabilis na lumapit kay Atlas at humawak sa braso nito, tila ba nagmamarka ng kanyang teritoryo. “Anong ginagawa mo rito sa opisina ng Love ko?” . . . ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD