Matamis na ngumiti si Roxie, kahit naiirita siya sa kinikilos ni Paula na akala mo'y aagawin si Atlas sa kanya.
“Good afternoon, Paula,” kalmadong sagot ni Roxie. Tumayo siya nang dahan-dahan, taglay ang dignidad ng isang CEO.
“I’m here for a business appointment. I didn’t know you were coming.” Dagdag nito sa malumanay na boses, pero ang kapatid niya'y sadyang sinusubok yung pasensya niya.
“Business appointment? O baka naman ‘personal’ appointment?” kutyang tawa ni Paula. Tumingin siya kay Atlas nang may halong pagsusuri. “Love, bakit mo siya pinapasok dito? Alam mo namang kahit saan magpunta ’yan, puro gulo lang ang dala niyan. She’s just here to show off her money and act like a saint.”
“Paula, stop it,” seryosong saway ni Atlas. Sinubukan niyang kumalas nang bahagya sa pagkakahawak ni Paula pero mas lalo itong humigpit. “Ms. Russo is here as the CEO of Liwayway Corp. We are discussing a land permit and a multi-million investment for our town. Respeto naman.”
“Respeto? Para sa kanya?” lalong tumaas ang boses ni Paula. Humarap siya kay Roxie, ang mga mata ay nanlilisik. “Ate, hindi ka pa ba nakakakuha ng sapat na atensyon kay Mama kahapon? Pati ba naman dito, susundan mo kami? Hindi mo ba kayang manatili sa Maynila at doon magmayabang? Huwag mong gamitin ang business-business na ’yan para lumapit sa boyfriend ko!”
Naramdaman ni Roxie ang panginginig ng kanyang kamao pero pinanatili niyang diretso ang kanyang tayo. “Paula, I am here as a professional. This has nothing to do with you or your insecurities.”
“Insecurities?! Hah! Bakit ako mai-insecure sa ’yo?” sigaw ni Paula. “Dahil ba mas matanda ka? O dahil ba akala mo mabibili mo ang lahat ng gusto mo? Mayor ang kausap mo, hindi kahera sa mall! Hindi ka kailangan dito sa San Sebastian. Bumalik ka na sa lungga mo bago ko pa sabihin kay Papa na ginugulo mo ang gobyerno niya!”
“Paula! Enough!”
Nagulat ang dalawang babae nang biglang humampas ang kamay ni Atlas sa mesa. Tumayo siya nang tuwid, ang kanyang mukha ay seryoso at bakas ang galit na hindi niya mailabas dahil sa pagiging propesyonal.
“Mayor Atlas…” nauutal na sabi ni Paula.
“Hindi kita pinapunta dito para bastusin ang mga bisita ko, Paula,” matigas na sabi ni Atlas. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Paula sa kanyang braso.
“Ms. Russo is a legitimate investor. Ang proyektong dala niya ay magbibigay ng trabaho sa libo-libo nating kababayan. Kung ang tingin mo sa trabaho ko ay playground para sa pagseselos mo, nagkakamali ka.” Malamig na sabi nito habang seryosong nakatinin kay Paula.
“Love, pinagtatanggol mo ba siya? Kapatid ko siya, alam ko ang baho niyan!” maktol ni Paula.
“Wala akong pakialam kung anong klaseng alitan ang meron kayong magkapatid sa labas ng gusaling ito,” malamig na sagot ni Atlas. “Pero sa loob ng opisinang ito, siya ay si Ms. Roxieleen Russo—ang CEO na nirerespeto ko. At hindi ko papayagang may sinumang mambabastos sa kanya sa harap ko, kahit ikaw pa, Paula.”
Nanigas si Paula sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking dati ay laging sumusunod sa gusto niya ay pinapahiya siya ngayon sa harap ni Roxie.
Humarap si Atlas kay Roxie, ang kanyang mga mata ay lumambot nang kaunti, puno ng paghingi ng paumanhin. “Ms. Russo, I am deeply sorry for this unprofessional behavior. It’s unacceptable. Please, let’s continue our discussion in a more... appropriate setting next time. I will personally handle your papers.”
Tumingin si Roxie kay Paula, na ngayon ay tila sasabog na sa galit at hiya. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin kay Atlas. “Thank you, Mayor. I appreciate the gesture. It’s good to know that integrity still exists in this town.”
Bumaling si Roxie kay Akiko at senenyasan itong lumabas na. Habang naglalakad si Roxie palabas, naramdaman niya ang matalim na tingin ni Paula, pero hindi na niya ito nilingon. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Roxie na may isang lalaking handang tumayo para sa kanya—hindi dahil sa pera niya, kundi dahil sa kung sino siya.
Pagkasara ng pinto, narinig na lang ni Roxie ang pagsigaw ni Paula sa loob.
“Love! Bakit mo ginawa ’yun?! Are you choosing her over me?!”
Napangiti nang mapait si Roxie habang naglalakad sa hallway. Ang gulo ay nagsisimula pa lang, at alam niyang sa larong ito, hindi lang lupa ang itinataya niya—kundi pati ang kanyang puso.
Pagkasarang-pagkasara ng pinto, hindi na nakapaghintay si Paula. Ibinagsak niya ang dala niyang pagkain sa mesa ni Atlas, dahilan para tumalon ang ilang papeles sa sahig.
"Ano 'yun, Atlas?! Ano 'yung pagtatanggol na 'yun sa harap ng babaeng 'yun?!" sigaw ni Paula, na halos mamula na ang buong mukha sa galit. "Haharapin mo ako at hihingi ka ng tawad sa pagpahiya mo sa akin sa harap ng pakitang-taong 'yan!"
Huminga nang malalim si Atlas. Tinanggal niya ang kanyang salamin at hinilot ang kanyang sentido. Ramdam niya ang pamilyar na bigat sa kanyang dibdib—ang pagod na dalawang taon na niyang kinikimkim.
"Paula, can you just stop for a second?" mahinahon pero matigas na sabi ni Atlas. "You barged into my office, insulted a major investor, and caused a scene in front of my staff. Do you even realize how unprofessional that was?"
"Investor? O baka naman interes mo?" kutyang tawa ni Paula. "Kilala ko ang kapatid ko, Atlas! Lahat ng gusto ko, kinukuha niya. At ngayon, pati ikaw, nilalandi niya sa harap ko!"
"Walang lumalandi sa akin, Paula! Ikaw lang ang nag-iisip niyan!" sigaw ni Atlas, sa wakas ay sumabog na rin ang kanyang pasensya.
"Dalawang taon na tayo, pero bakit ganyan pa rin ang ugali mo? Palala nang palala. Sa loob ng dalawang taon, wala ka nang ginawa kundi pag-isipan ako ng masama. Wala ka nang ginawa kundi maliitin ang mga taong nasa paligid ko!"
"Dahil pinoprotektahan ko lang ang akin!"
"Hindi mo ako pagmamay-ari, Paula! Tao ako, at higit sa lahat, Mayor ako ng bayang ito!" humakbang si Atlas paitaas, tila ba naglalabas ng lahat ng sama ng loob. "Hindi mo na ako nirerespeto. Hindi mo na nirerespeto ang posisyon ko. Ang tingin mo ba sa opisinang ito ay extension ng kwarto mo na pwede mong pasukan at pag-eksenaan kahit kailan mo gusto?"
Napatitig si Paula sa kanya, bakas ang gulat pero mas nanaig ang pride nito. "Wow. So, ngayon, gagamitan mo na ako ng Mayor card? Nakakalimutan mo na ba kung paano ka nakaupo sa silyang 'yan, Atlas?"
Dito na lumabas ang tunay na kulay ni Paula. Lumapit siya kay Atlas at itinuro ito sa dibdib.
"Huwag mo akong pagtaasan ng boses, dahil kung hindi dahil kay Papa, wala ka rito!" bulyaw ni Paula. "Kung hindi dahil sa makinarya ng mga Albarando at sa pera ng pamilya ko, isang simpleng abogado ka lang na nagtatanggol ng mga walang kwentang kaso! Kami ang nagpanalo sa 'yo bilang Mayor, kaya dapat ako ang sinusunod mo! Utang mo sa amin ang bawat boto na nakuha mo!"
Nanigas si Atlas sa kanyang kinatatayuan. Ang mga salitang binitawan ni Paula ay tila ba isang sampal na gumising sa kanya mula sa isang mahabang panaginip. Ang sakit sa kanyang mga mata ay napalitan ng isang malamig at matalim na tingin.
"So, 'yun pala ang tingin mo sa akin?" mahinang tanong ni Atlas, pero ang bawat salita ay may dalang bigat. "Isang tuta? Isang tau-tauhan na nabili niyo?"
"I'm just stating the facts, Atlas! You owe us!"
"Pinaghirapan ko ang posisyong ito, Paula. Nagtrabaho ako nang tapat para sa mga tao ng San Sebastian," sabi ni Atlas, na ngayon ay wala nang kahit anong emosyon sa mukha. "Kung sa tingin mo ay nabili niyo ang pagkatao ko dahil sa suporta ng tatay mo, nagkakamali ka. At kung sa tingin mo ay gagamitin mo ang utang na loob na 'yan para kontrolin ang buhay ko at bastusin ang mga taong kagalang-galang... then you don't know me at all."
"Atlas, ano bang sinasabi mo?" bahagyang kinabahan si Paula sa lamig ng boses nito.
"Umalis ka na, Paula," pagtataboy ni Atlas habang bumabalik sa kanyang upuan. "Umalis ka na bago ko pa masabi ang mga salitang pareho nating pagsisisihan. At ang pagkain na dala mo? Ibigay mo sa mga guwardya sa labas. Nawalan na ako ng gana."
"Atlas! Hindi pa tayo tapos!"
"I said, LEAVE!" seryosong sigaw ni Atlas na nagpaalingawngaw sa buong silid.
Padabog na lumabas si Paula, isinasara ang pinto nang malakas. Naiwan si Atlas na nakasandal sa kanyang silya, nakapikit, at pilit na pinapakalma ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Sa sandaling iyon, hindi si Paula ang pumasok sa isip niya, kundi ang malumanay na boses at matapang na mga mata ni Roxie Russo.
Narealize ni Atlas na sa gitna ng kaguluhan ng kanyang relasyon, ang presensya ni Roxie ang nagbigay sa kanya ng isang bagay na matagal na niyang hinahanap—ang respeto.
.
.
.
~ITUTULOY