Chapter 16 Ralix POV Napalunok ako. Gusto ko agad magtago para makaalis sa tabi ng babaeng ito. Tumikhim ako, hinawakan ang braso ni Susie para maalis ang pagkapulupot nito sa akin ngunit ang isang ito mas hinigpitan pa. Isinandig pa niya ang ulo niya sa akin. “Good morning po,” bati ni Kris. Bumaba ang tingin niya sa braso namin ni Susie. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya. Nang muling tumaas ang tingin niya, ngumiti ito, nag-iwas ng tingin at bumaling kay Mr. Chen na ibinalik sa kanila ang kanilang paunang pagbati. “Good morning, boss,” nagaalangang bati ni Pia. Nasa likod siya ni Kris. Sumunod sila sa utos ni Mr. Chen na lumapit sa table niya na puno ng mga papel. May mga nakapatong din doon na mga sample product ng iba’t ibang klase ng sabon. Tipid ko siyang nginitian ng b

