Chapter 16.2 Ralix POV Napapamura ako sa sarili ko. Bakit kasi ang gwapo ko? Kahit wala akong gawin, babae ang mga lumalapit sa akin. Umuulan ng babae sa buhay ko. Kung dati, nasisiyahan ako sa ganitong klaseng blessing, ngayon naman. . . Hays! Isang sumpa! Ito na ba ang karma? Sinagad ko kasi ang paggamit ng blessing kong iyon. Napahagod ako sa buhok kong mahaba. Ang gusgusin ko na nga tingnan! For pete sake— ang dungis ko. And yet, ito pa rin sila. Kung makikita ako ng mga dating kong naging flings baka tawanan pa nila ako. Pumayat ako. Humaba ang buhok ko. Kahit na naiinis ako minsan dahil ang init sa ulo ko hindi ko ito pinagupitan. Ilang buwan na ba mula nang huli kong gupit? Mag-iisang taon na. Ni wala akong pambili ng mamahalin at paborito kong pabango. Ang deodorant ko. . .

