Chapter 17 Ralix POV Katatapos ko lang maligo ng maupo ako sa kawayang sofa dito sa sala. Nasa lamesa si Pia hawak ang kanyang lumang cellphone. Kunot noo ko siyang pasulyap na tinignan doon. Wala pa rin siyang imik magbuhat kanina. Mula nang umuwi kami ‘di niya ako gaanong sinasagot. Isang tanong, isang salita lang ang sagot niya. Huminga ako ng malalim. Nakakabaliw pala ito. Hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin. Magtatangka na sana akong lapitan siya ng tumayo ito at humarap sa akin. Isang beses niya lang ako tinignan bago iniwas ang kanyang tingin sa ibang bagay. “Bukas pwede mo ba ako samahan sa kabilang bayan? Magpapadala kasi ako sa nanay ko.” mahinang saad niya. Tumango ako at pinasigla ang boses ko. “Sige ba?” tumikhim ako. “Anong oras? Para maglala muna ako,” nagkunwar

