Chapter 17.2 Ralix POV Pinipigilan kong mapangisi sa tuwing mahuhuli ko siyang palihim na iniirapan ako. Kung hindi siguro ako titingin sa kanya mas masasamang tingin ang inaabot ng walang muwang kong katawan. Nagdadabog din ito. Ang bilis niya magbomba ng poso. Ako naman— ito, panglimang banlaw na. Hindi na n’ya napapansin ang ginagawa ko kaka-irap sa akin. Tuwang-tuwa naman ang puso ko. Na isahan ko din. Pakanta-kanta pa ako. Papaswit-paswit. Ang sarap pala maglaba kung may ganito ka-bwisit sa paligid. Sa sobrang bwisit niya ang cute niya. “Mamaya n’yan ‘di na bumalik ‘yang mata mo kakairap mo sa akin. Hindi mo na masisilayan ang mukhang ito.” Tatayo na sana ako para itapon ang laman ng batiya ng muli niyang pukpukin ang ulo ko ng tabo. “Aray naman! Nakakarami ka na, ha!?” sita ko s

