Chapter 20 Ralix POV Kinabukasan hindi ko na malamang ang gagawin kong pag-iwas kay Susie. Hinahanap-hanap niya ako sa buong store. Dammit! Minsan tinatanong ako sa mga katrabaho ko. Mabuti na lang nagagawa ko pa ito iwasan sa pamamagitan ng mga kasamahan ko. Sinasabi nila sa akin kung nand’yan na siya para makapagtago ako. Tsk! Pagnawalan sila ng trabaho kasalanan ko pa. Maagang nagising si Pia ngayong umaga, madalim pa lang gising na ito. Sa palagay ko hindi ito natulog dahil sa laki ng eyebag niya sa mata. Nakikita ko siya sa pintuang salamin nagbabantay sa harap. Natutulala ito kung minsang walang ginagawa. Nasa gilid niya ako malapit sa pintuan kung saan malapit sa bagger area. Dito ako nagpa-assign para makita ko siya. Half day lang ako bilang promotional endorser. Ngayong hapon

