Ralix POV “Boss, mapagkakatiwalaan po talaga siya.” Malapad akong napangiti sa matandang intsik na tinatawag na boss ni Pia. Sa tingin ko ito ang may ari. Pinasadahan niya ako ng tingin sa buong katawan ko. Napaigik ko ang hininga ko ng pasadahan niya ako ng tingin. Ang mga ibang nagtatrabaho dito nag-umpisa nang magbuhat, mag-pack at mag-unload sa truck na nakaparada sa harap ng warehouse. Isa itong warehouse ng isang malaking grocery store dito sa bayan nila. Nasa likurang bahagi ito, sa harap naman ang grocery store, sa kabilang parte naman ang palengke. Maliit lang ang palengke nila at itong grocery store na ito ang nagsisilbing pinaka-mall nila dito. May shop sa loob, maliliit na mga stall ng mga pagkain at sari-sari pa. May arcade din na gustong-gusto ng mga batang pasyalan. “Mas

